PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Click cast looks back on fond memories with the late Miko Sotto

Maybelyn dela Cruz, James Blanco recall last moments with Miko Sotto.
by James Patrick Anarcon
Published Jun 20, 2021
The cast members of GMA-7's Click (left frame) look back on their fond memories with late actor Miko Sotto. Maybelyn dela Cruz recalls, “Hindi mo iisipin na malalim rin siyang tao, hindi mo maiisip na he’s someone na you can actually depend on kapag kailangan mo."
PHOTO/S: Click (GMA-7)

Bahagyang naging emosyunal ang PEP Live reunion ng Batch 1 lead stars ng defunct GMA-7 youth-oriented show na Click noong Huwebes, June 10, 2021, nang balikan ng ilan sa cast members ang mga alaala nila sa yumaong aktor na si Miko Sotto.

Naging bahagi si Miko ng Click bilang si Joey, ang ka-love team ni Issa na ginampanan ni Tricia Roman.

Pumanaw si Miko sa edad na 21 noong December 29, 2003 matapos niyang aksidenteng mahulog mula sa ninth floor ng tinitirhan niyang condominium sa Mandaluyong City.

Base sa report, multiple skull fracture ang ikinamatay ng noo’y batang aktor.

Si Miko ay anak ng TV-radio host na si Ali Sotto at Maru Sotto, kapatid nina Tito, Val, at Vic Sotto.

Ilan sa mga nagbahagi ng kanilang memories kay Miko ay ang Click cast members na sina Maybelyn dela Cruz, Tricia Roman, Danica Sotto, Sherwin Ordonez, at James Blanco.

Miko Sotto in Click

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CLICK MEMORIES WITH MIKO

Si Tricia ang unang nagbahagi ng kanyang memorable moment kasama ang kanyang ka-love team na si Miko, na tinatawag din niyang “utol.”

Hindi raw niya makakalimutan ang isang beses na nagkuwento siya kay Miko tungkol sa kanyang pinagdadaanan nang bigla siyang maiyak.

Dahil nagkukwentuhan sila bago mag-take ng eksena, si Miko pa raw mismo ang nagsabing hindi pa ready si Tricia dahil nga umiiyak siya.

Pagbabalik-tanaw ng dating teen actress, “Ako kay utol, kasi si Miko parang kapatid iyan, e. Si Miko iyong tipo ng tao na lahat, puwede mong mai-share.

“Ang naalala ko kay Miko, iyong eksena, parang nag-aayos pa, so hindi pa magte-take.

“Ako, parang naiiyak ako, may kinukwento ako sa kanya ‘tapos parang maiiyak ako.

“’Tapos noong sinabing, ‘O, ready na ready na,’ siya iyong gumaganon, ‘Hindi pa, hindi pa ready!’

“Kasi nga naiiyak ako tapos sinasabi niya hindi pa ready. Sobrang bait ni Miko, sobra.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Click GMAMiko Sotto and Tricia Roman

Si James naman, na gumanap bilang Anton sa Click, ay hindi makalimutan ang isa sa una nilang pagsasama ni Miko noong bago pa lamang ang huli sa Click.

Kuwento ni James, “Kasi ako iyong sa Click, lagi akong naka-leather shoes noon, 'tapos hindi ako nagma-maluwag na pantalon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi niya, ‘Pare, ang dami kong pantalon na masikip. Tutal lagi sa iyo iyan…’

“Pinapunta niya ako sa condo niya, binigyan niya ako ng pantalon. Siguro dalawang pares ng pantalon na Versace, bago lang siya sa Click.

“’Tapos, doon kami naging close ni Miko na hindi pala niya alam na lasinggero iyong naging ka-close niya!”

A GOOD FRIEND

Ayon naman kay Maybelyn, na kasamahan ni Miko sa Click at naging ka-love team niya sa Kahit Kailan, maaaring sa ibang tao ay parang “cool boy” lang ang tingin kay Miko.

Pero para sa kanya, “Hindi mo iisipin na malalim rin siyang tao, hindi mo maiisip na he’s someone na you can actually depend on kapag kailangan mo.

Minsan pa nga raw naging si Miko ang “taga-report” sa kanya ng whereabouts ng isa niyang ex-boyfriend.

Sabi ni Maybelyn, “I remember… wala akong papangalanan, ha? Pero kasi may ex ako na kilala nila Danica, e. Ang tagahanap ko kapag nawawala iyon, si Miko. Siya lagi iyong taga-report kung anong ginagawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“’Tapos, he is so thoughtful in a sense na kapag barkada ka niya, kaibigan ka niya, he’ll make sure na walang puwedeng aapi sa iyo. Ipagtatanggol ka niya.”

May isang pagkakataon pa nga raw na talagang pinuntahan siya ni Miko sa bar para iuwi siya.

“There was a time may problema ako, ‘tapos nalaman niya na I went out with some friends. Akala niya umiinom ako, e alam naman niya na hindi naman kasi talaga ako umiinom.

“Akala niya umiinom ako, hinanap niya ako talaga sa Malate ‘tapos noong nakita niya ako, ‘Bakit hindi mo sinasagot? Bakit nakapatay phone mo?’ E, dead batt na ako.

“So kinuha niya ako, ‘Tara na! Uwi na, uwi na.’ Iuuwi ka niya ng bahay. Ganun siya ka-gentleman.

“Ang tambayan ko sasakyan niya. Parang kapatid. Gano’n iyong relationship ko with him.”

Muli namang nagbahagi si James ng karanasan niya ng kabaitan ni Miko noong minsang may mangyari sa kanya sa set ng Click.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ng Prima Donnas actor, “Naalala niyo iyong nasiraan ako ng kotse? Ang layo no’n, tumirik iyong sasakyan ko, parang sa Subic. ‘Tapos si Miko, pinuntahan niya ako. Wala na kayo noon, pack up na.

“’Tapos si Miko, tinulungan niya ako. Sinakay niya ako sa sasakyan hanggang sa tinow iyong sasakyan ko sa Quezon City, inuwi niya ako.”

Sabi naman ng pinsan ni Miko na si Danica, "very protective" daw ito sa lahat ng mahal niya sa buhay.

Miko Sotto

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MEMORIES BEFORE MIKO PASSED AWAY

Bago raw mangyari ang tragic accident ni Miko, nagkita pa raw sila ni James sa isang mall.

Pagbabalik-tanaw ni James, “Kaya noong bago siya nawala, nagkita pa kami sa Greenbelt. Nakaputi siya.

“Hindi ko alam, ha, kasi hindi naman ako naniniwala sa mga premonition. Naka-all white siya.

“Niloko ko pa siya sa parking, maloko kasi yan si Miko, e. Kung may YouTube na noong panahon na iyon, si Miko may pinakamaraming kalokohan. Sobrang dami.

“So binubusinahan niya ako nang binubusinahan kasi sa parking, hindi ko alam na siya kasi, iba iyong sasakyan niya, ‘tapos bababa ako ng sasakyan kasi hindi niya ako hinintuan ng busina, e! Nakita ko siya puting-puti suot.

“’Tapos, after a week, nangyari na iyong tragic accident ni Miko. Parang nalungkot ako na noong time na iyon, naging sobrang close talaga kami, dumating sa punto na humihingi na siya sa akin ng payo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Lagi ko siyang papayuhan na hindi kailangan ganito, hindi kailangan makipag-away sa ganitong bagay.

“So, nakakalungkot noong time na iyon. Hindi ako pumupunta sa wake, bilang na bilang lang, pero sabi ko, itong kaibigang kong ito, kailangan kong puntahan.”

Si Maybelyn naman, binisita pa raw ni Miko bago siya umalis papuntang United States noong December 2003.

Nagkataon daw na pareho silang nakasuot ng all-black.

Kuwento niya, “Before I left for the States in December, he went to my house ‘tapos iyong mom ko, nagulat kasi naka all-black ako ‘tapos si Miks was in all-black also.

“So sobrang happy namin together, pinagluto pa siya ni Mommy. And then I went to the States, ‘tapos doon ko na nalaman iyong nangyari kay Miks.”

Dito na medyo naiyak si Maybelyn habang binabalikan ang alaala ni Miko.

Pagpapatuloy niya, “Iyon na pala iyong last na makikita ko siya kasi when I got back, wala na, nailibing na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So hindi ko na siya nakita but in a way, sabi nga sa akin nila Angel [Locsin] noon, okay na rin iyon. At least, iyong last memory mo kay Miks, buhay na buhay siya. God bless his soul.”

FUNNY MEMORY ABOUT MIKO

Para ma-lighten naman ang mood ng grupo, nagkuwento ng isang nakakatawang memory si James tungkol kay Miko.

Ito raw ay nang pagselosan ni Miko si Sherwin Ordonez kay Angelika dela Cruz.

Taong 2001, naging magkarelasyon sina Miko at Angelika, at ka-love team naman ni Angelika si Sherwin sa teleseryeng Ikaw Lang Ang Mamahalin (ILAM).

Banggit ni James kay Sherwin, "Sinabi ni Kap Shine [palayaw ni Angelika], 'Hindi, magpanggap ka na gay!' Pare, di ba, naalala mo iyon?"

Pinaliwanag naman ni Sherwin ang nangyari sa kanila.

Kuwento niya, "There was a time na si Miko kasi, merong time na niligawan pa lang niya si Angelika.

"'Tapos, ang una niyang nililigawan is ako, kasi nga di ba, mag-partner kami ni Angelika?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, lagi kami magkasama ni Angelika kahit saan—sa taping namin sa ILAM, 'tapos nagshu-show kami out of town, so kahit nagte-taping kami, nagseselos si Miko sa akin.

"Pero actually, isa ako sa nag-bridge sa kanilang dalawa, kaya sila naging [magkarelasyon]."

Panoorin ang kabuuan ng PEP Live interview ng Click Batch 1 dito:

Video: Rommel Llanes, John Henri Mariano, James Patrick Anarcon.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The cast members of GMA-7's Click (left frame) look back on their fond memories with late actor Miko Sotto. Maybelyn dela Cruz recalls, “Hindi mo iisipin na malalim rin siyang tao, hindi mo maiisip na he’s someone na you can actually depend on kapag kailangan mo."
PHOTO/S: Click (GMA-7)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results