PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Richard Yap grateful for his upbringing by strict dad

Richard Yap looks forward to working with John Lloyd Cruz
by Rose Garcia
Published Jun 20, 2021
Richard Yap on his dad's traditional and strict parenting ways: “Kung hindi siguro siya ganoong ka-strict sa akin na tinuruan niya akong mag-trabaho at an early age, baka I would have just given up.”’
PHOTO/S: @richardyap on Instagram

Bilang isang purong Chinese, lumaki raw si Richard Yap sa pagkakaroon ng istriktong ama. At isa naman daw ito sa katangian ng ama na hindi niya ginawa o ginaya bilang pagpapalaki naman sa dalawang anak niya—sina Ashley at Dylan.

“My father was very strict with me, so medyo baligtad ako,” nakangiti niyang pahayag.

“I try not to be so strict, but he always taught me the value of hard work, na kailangang pagtrabahuhan mo talaga iyong gusto mo sa buhay.

“So iyon ang tinuturo ko sa mga anak ko. Nothing is free, nothing comes out lying there, doing nothing.”

RICHARD CHERISHES LIFE LESSONS FROM STRICT DAD

Kung napanood daw ang kuwento ng buhay nilang mag-asawa na si Melody, doon pa lang daw ay magkakaroon na ng ideya kung gaano ka-istrikto ang ama ni Richard. Ang misis kasi nga aktor ay purong Filipino naman.

“Sobrang strict siya kaya medyo natakwil ako noong magpakasal kami,” pag-alala niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong bata raw si Richard, medyo namamalo rin daw ang ama nito at masasabing tradisyonal na tatay na istrikto talaga sa mga anak ang pagdidisiplina.

“Of course, kung may nakita tayong hindi magandang ginawa sa atin, iyon ang hindi natin gagawin sa mga anak natin.

"Pero kung may nakita akong magandang ginawa sa akin, iyon naman ang susundin, without the bad but continue with the good,” diin niya.

Pero kung istrikto ang tatay niya at kung paano siya nagtagumpay sa buhay niya, masasabi niyang may naidulot din na maganda ang paraan ng pagpapalaki ng ama sa kanya.

“I think, that played the big part also,” sang-ayon din ni Richard.

“Kasi if not for that, I wouldn’t have been that strong when I was left to tend for my own. Baka hindi ko nakayanan na 'ikaw na ang bahala sa buhay mo,' parang ganoon.

“Kung hindi siguro siya ganoong ka-strict sa akin na tinuruan niya akong mag-trabaho at an early age, baka I would have just given up.”’

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

RICHARD THANKFUL FOR FAMILY'S SUPPORT

Kung tutuusin, ang nangyari kay Richard ay isa sa mga pambihirang pagkakataon sa isang artista. Nakilala siya at sumikat bilang isang actor kung kailan may pamilya na siya at mas may edad na sa karaniwang pumapasok sa mundo ng showbiz.

Pero masuwerte lang din daw siya na suportado siya ng asawa at dalawang anak nila.

Pagpapasalamat niya, “I’m just lucky because I have a supportive family, especially when I shifted career. Pero naawa lang ako sa anak kong lalaki because he was still very young at that time, he was seven years old.

“So medyo nawala iyong oras ko sa kanya because I was taping most of the time. So parang nakita ko lang na he became a little bit sad that I was always away. Pero there was no choice, kasi trabaho iyon.”

Kaya raw ngayong mas may oras siya, gusto raw niyang makabawi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sabi rin niya, “It wasn’t so hard naman kasi in the first place, nagpaalam ako sa kanila and they said yes naman.”

RICHARD PROUD OF DAUGHTER'S GENEROSITY

Katulad ng ibang ama, mas masaya ang puso niya kapag nakikita raw niya ang mga bagay na ginagawa ng mga anak na talagang maipagmamalaki niya.

Isa nga sa naging halimbawa ni Richard ay ang pagiging generous at thoughtful ng mga ito.

Kuwento ni Richard, “Like my daughter, she’s an influencer and a vlogger. Iyong yaya namin sa house, kasambahay namin, she’s been with us for 17 years. And nakikita ng daughter ko, iyong mga anak ng yaya namin, nangangailangan ng cellphone, siyempre, because of this pandemic, and all that.

“Without saying a word, binigyan niya. It just makes me so happy to see na nagsi-share siya, marunong siyang mag-alaga ng mga tao who are close to us or who are family to us. I feel like I’ve done something right for her to be doing something like this.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May madali, may mahirap sa pagiging isang ama.

Ano yung naging mahirap na parte para sa kanya?

“I think, because yung mga millennials ngayon, ang hirap nilang intindihin,” pag-amin niya.

“Siguro iyon ang pinakamahirap na thing ngayon. Kasi you have to think about kung ano iyong naiisip nila. It’s adjusting to that. That I think is the hardest part.”

RICHARD LOOKING FORWARD TO WORKING WITH HEART

Sa isang banda, ngayong papasok na Linggo pa lang daw magaganap ang storycon para sa gagawin niyang unang serye sa GMA-7, ang I Left My Heart in Sorsogon.

At sa July ay magsisimula na sila ng lock-in taping. At hindi pa nga raw sila nagkikita ng kanyang magiging leading lady na si Heart Evangelista.

“Ang storycon namin is happening next week pa lang, so doon pa lang kami magkikita, sa Zoom [meeting],” nakangiti niyang sabi.

Nabanggit ni Richard na pagpasok pa lang niya bilang Kapuso ay si Heart nga ang isa sa gusto niyang makapareha at natupad agad ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Of course, it’s such an honor,” saad niya. “Like I’ve said, iyong family ko is a big fan of Heart. So, we’re really looking forward to doing this teleserye.

“And I’m very, very excited to work with her.”

RICHARD RARING TO DO ACTION ROLES

Kung mabibigyan ng pagkakataon, gusto rin pala ni Richard na gumawa ng mala-action/drama na tema.

Aniya, “I want to do iyong mala-Taken ni Liam Neeson or mga James Bond na movies. Iyon talaga ang mga gusto kong gawin or dream roles ko.”

Physically, masasabi naman daw niyang kaya niya itong gawin at ready naman siya.

RICHARD IS A PROUD KAPUSO

Anim na buwan na ring Kapuso si Richard mula sa pagiging Kapamilya. At ngayon nga, tulad niya, marami na rin ang nababalitang artista mula sa ibang network na magiging Kapuso na rin.

“Masaya naman ako. Masayang-masaya na nandito ako ngayon,” nakangiti niyang sabi.

At sabi rin niya, “I think, because of the situation na nangyari, hindi naman natin maiiwasan na maraming lilipat dito sa Kapuso network. I’m happy that they’re finding work here and given a chance to work with us here sa Kapuso channel.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RICHARD EXCITED TO WORK WITH JOHN LLOYD

Sa mga nababalitang dating Kapamilya na kasamahan niya na diumano’y magiging Kapuso na rin, tinanong namin si Richard kung sino sa mga ito ang nae-excite siyang makasamang muli.

Ayon kay Richard, “Well, of course, si Lloydie [John Lloyd Cruz]. We worked together before. Actually, si Maja [Salvador] rin. But si Maja ba, is she moving here? I’m not so sure, ‘no.

“I think si Lloydie, that’s very exciting. I think, not only for me but also for the other people who want to work with him.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Richard Yap on his dad's traditional and strict parenting ways: “Kung hindi siguro siya ganoong ka-strict sa akin na tinuruan niya akong mag-trabaho at an early age, baka I would have just given up.”’
PHOTO/S: @richardyap on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results