PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maine Mendoza posts hilarious photo of her COVID vaccine jab

Maine: "Do your part and get vaccinated, friends!”
by Arniel C. Serato
Published Jun 21, 2021
After getting her first dose of COVID-19 vaccine, Maine Mendoza encourages everyone to get themselves vaccinated.
PHOTO/S: Courtesy: @mainedcm on Instagram

Nabakunahan na ng kanyang unang dose ng COVID-19 vaccine si Maine Mendoza ngayong araw, June 21.

Sa Mandaluyong City nagpabakuna ang Eat Bulaga! co-host.

Sa Instagram, ibinahagi ni Maine ang tatlong larawan niya pagkatapos at noong aktuwal na tinurukan siya ng karayom.

Kitang-kita sa mukha ni Maine ang kanyang pagkatakot sa karayom.

Sabi niya sa caption, “Got my first dose! Thank you, MandaVax! Do your part and get vaccinated, friends!”

View this post on Instagram

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm)

Tawang-tawa naman ang mga nakakita sa larawan ni Maine.

Isa kanila ay si Liz Uy.

Sabi ng celebrity stylist, “Lolol maine 3rd slide [five faces with tears of joy emojis]”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gayundin ang ilang followers ng TV host-actress.

Kabilang si Maine sa dumaraming celebrities na bakunado na.

Hindi niya idinetalye kung anong bakuna ang naiturok sa kanya.

Bukod kay Maine, nabakunahan na rin laban sa COVID-19 sina Kim Chiu, Marian Rivera at asawang si Dingdong Dantes, Regine Velasquez at asawang si Ogie Alcasid, Iya Villania at asawang si Drew Arellano, Suzi Entrata at asawang si Paolo Abrera/

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinovac ang bakunang naibigay sa kanila.

Ang pamilya ni Aga Muhlach, asawang si Charlene Gonzalez, at mga anak na sina Andres at Atasha Muhlach ay AstraZeneca vaccine ang natanggap.

Ang TV host na si Pia Guanio at asawang si Steeve Mago ay Sputnik V mula sa Russia ang bakunang naiturok sa kanila.

Si Sharon Cuneta ay Moderna vaccine ang naiturok sa kanya sa Amerika.

Ang mag-asawang Ai-Ai delas Alas at Gerald Sibayan ay Pfizer vaccine naman sa Amerika rin.

Ang mag-asawang Isabelle Daza at Adrien Semblat ay Pfizer vaccine din ang nakuha sa Hong Kong.

May iba pang celebrities na nabakunahan ngunit hindi nila sinabi ang bakunang naiturok sa kanila. Kabilang na rito sina Ruru Madrid, Bianca Umali, Jane Oineza, RK Bagatsing, Maris Racal, at Rico Blanco.

Bakunado na rin sina Aiko Melendez, Divine Lee, Gretchen Barretto, at Frankie Pangilinan.

Ngayon ding Lunes, June 21, ay nabakunahan na ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, ang magkasintahang sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, at ang aktres na si Eugene Domingo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After getting her first dose of COVID-19 vaccine, Maine Mendoza encourages everyone to get themselves vaccinated.
PHOTO/S: Courtesy: @mainedcm on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results