Watch Now

Dennis Padilla not included in Julia Barretto's Father’s Day posts; netizens react

by Bernie V. Franco
Jun 22, 2021
On Father's Day, Julia Barretto posted "father figures" in her life but did not include her real dad, Dennis Padilla.
PHOTO/S: @dennisastig, @juliabarretto on Instagram

Hindi nakaligtas sa mapanuring netizens na hindi kasama si Dennis Padilla sa ginawang Father's Day greetings ni Julia Barretto nitong Father’s Day, June 20, 2021.

Sa pamamagitan ng Instagram Story, tatlong tao ang binati ni Julia sa mahalagang okasyong ito—ang kanyang pumanaw na lolo na si Miguel Barretto, ang dating co-star na si Ian Veneracion, at inang si Marjorie Barretto.

Unang ipinost ni Julia ang throwback photo nila ng kanyang Lolo Miguel, na pumanaw noong October 2019.

Sumunod na ipinost ng Viva actress ang throwback photo nila ni Ian, na gumanap na ama niya sa ABS-CBN primetime series na A Love To Last (2017) at pelikulang Block Z (2020).

Ang pinakahuling larawan ay throwback photo nilang magkakapatid kasama ang inang si Marjorie.

Si Marjorie ay may tatlong anak kay Dennis: sina Julia, Claudia, at Leon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Walang caption ang mga larawan, pero ipinost ito ni Julia noong mismong Father’s Day.

Burado na ang Instagram Story posts na ito, pero na-screenshot ito ng ilang netizens.

Ang hindi pag-post ni Julia ng larawan kasama si Dennis ay indikasyong may katotohanan ang napapabalitang may hidwaan na naman ang mag-ama.

Ang pinakahuling kontrobersiyang kinasangkutan nina Dennis at Julia ay nangyari ilang linggo pa lamang ang nakalilipas.

Napansin ng netizens noong June 6 na wala na sa YouTube channel ni Julia ang video nilang mag-ama.

Sa impormasyong nakalap ng PEP.ph, hindi binura ang video kundi naka-hide kaya hindi na ito mapanood.

IS THIS THE REASON

Sinasabing ginawa ito ni Julia matapos ma-post noong June 2 ang second part ng two-part interview ni Dennis sa entertainment columnist/actor/talent manager na si Ogie Diaz.

Sa pangalawang video, nagkuwento si Dennis tungkol sa pagkakasangkot ng anak na si Julia sa hiwalayang Bea Alonzo at Gerald Anderson noong 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Julia ang itinuturong third party sa paghihiwalay nina Bea at Gerald.

Si Gerald ang boyfriend ngayon ni Julia.

Tinanong daw ni Dennis si Gerald kung sila pa ni Bea. Sagot daw ni Gerald, hindi na.

Pero nang mapanood ni Dennis ang interview ni Bea, kung saan sinabi nitong wala silang formal breakup ni Gerald, sinabi raw ng komedyante na "magsyota" pa sina Gerald at Bea.

Dahil umano sa matinding batikos na natanggap ni Julia, napilitan siyang i-hide ang YouTube video nilang mag-ama.

Posibleng indikasyon itong hindi niya gusto ang pagsasalita ng ama tungkol sa isyu.

Samantala, kinumpirma naman ni Ogie na pinakiusapan siya ni Dennis na alisin ang Part 2 ng kanilang interview dahil nga raw sa matinding batikos kay Julia.

Bago pa man iyon, may naging iringan na rin ang mag-ama noong 2014.

Ito ay tungkol sa isyung nais papalitan ni Julia ang kanyang tunay na apelyido na Baldivia, at gamitin na lang ang Barretto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ito natuloy at nagkapatawaran ang mag-ama.

Hanggang sa mangyari nga ang pag-hide umano ni Julia sa video nila ng ama.

NETIZENS REACT

Nitong Father’s Day, ipinost ni Dennis ang virtual bonding nila ng anak na si Gavin, anak ng komedyante sa second wife niyang si Linda Gorton.

Bumuhos ang maraming komento na bumabati kay Dennis.

Kapansin-pansin ang pagkadismaya ng netizens na hindi umano siya binati ng mga anak niya kay Marjorie.

Punto pa ng ilan pa, mas nagawa pang batiin ni Julia si Ian kesa sa sarili nitong ama.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Walang komento si Dennis sa batikos ng netizens kay Julia sa hindi nito pagbati sa kanya sa social media.

Hindi rin malinaw kung binati ni Julia at ng mga kapatid nito si Dennis sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono o sa personal.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On Father's Day, Julia Barretto posted "father figures" in her life but did not include her real dad, Dennis Padilla.
PHOTO/S: @dennisastig, @juliabarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results