Former President Noynoy Aquino dead at 61

by Erwin Santiago
Jun 24, 2021
Benigno "Noynoy" Aquino, the 15th President of the Philippines, passed away this Thursday morning, June 24. He was 61.
PHOTO/S: Noel Orsal

Patay na si dating Pangulong Benigno Aquino III.

Kinumpirma ng isang miyembro ng pamilya Aquino, na tumangging magpakilala, ang pagpanaw ni PNoy ngayong Huwebes ng umaga, June 24.

Si Noynoy ay 61 taong gulang.

Ayon sa initial reports, isinugod ang dating Pangulo sa Capitol Medical Center kaninang madaling-araw, kung saan sinubukan siyang i-revive ngunit tuluyan na siyang binawian ng buhay.

Nitong mga nakalipas na taon ay tinamaan ng iba't ibang sakit si PNoy. Sumailalim siya sa dialysis at operasyon sa kanyang puso.

Habang isinusulat ito ay wala pang opisyal na pahayag mula sa pamilya Aquino.

Si Noynoy ay isinilang noong February 8, 1960 sa Far Eastern University Hospital sa Sampaloc, Manila.

Siya ang nag-iisang lalaki sa limang anak nina dating Senator Benigno "Ninoy" Aquino at dating Pangulong Corazon "Cory" Aquino, na pareho na ring yumao.

Ang mga kapatid niyang puro babae ay sina Maria Elena (Ballsy), Aurora Corazon (Pinky), Victoria Elisa (Viel), at ang TV host-actress na si Kristina Bernadette (Kris).

Continue reading below ↓

Si Noynoy ang ika-15 Presidente ng Pilipinas.

Nahalal siya noong 2010 at nanungkulan hanggang 2016. Pinalitan niya sa puwesto si dating Presidente Gloria Macapagal-Arroyo.


Noynoy Aquino during his inauguration as the 15th President of the Philippines at the Quirino Grandstand on June 30, 2010

Bago ito ay naging senador siya mula 2007 hanggang 2010.

Continue reading below ↓

Nanilbihan din siya bilang kongresista ng ikalawang distrito ng Tarlac, mula 1998 hanggang 2007. Naging Deputy Speaker siya mula 2004 hanggang 2006.

Nanatiling binata si Noynoy hanggang kanyang kamatayan.

In honor of President Aquino, Summit Books is sharing Dream Big Books' "Ninoy, Cory and Noynoy" written by Yvette Fernandez and illustrated by Abi Goy as a FREE ebook for the next two weeks. Download it here: bit.ly/SBFreeNinoyCoryNoynoyBook

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Benigno "Noynoy" Aquino, the 15th President of the Philippines, passed away this Thursday morning, June 24. He was 61.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results