Sunud-sunod ang pag-abot ng pakikiramay sa pamilya Aquino matapos maiulat ang pagpanaw ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino nitong Huwebes, June 24, 2021.
Kabilang dito ang malalapit na kaibigan sa showbiz ni Kris Aquino, ang bunsong kapatid ni Noynoy.
Via social media, nakiramay ang Kapamilya stars na sina Angel Locsin, Kim Chiu, Bianca Gonzalez, at maging ang dating malapit na kaibigan ni Kris na si Vice Ganda.
IT'S SHOWTIME
Sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime, nag-alay sila ng moment of silence para sa pumanaw na dating Pangulo. Kabilang sa show sina Vice at Kim.
Pagkatapos ng round one ng "Tawag ng Tanghalan," biglang tumigil ang background music at nag-dim ang ilaw sa studio.
Nagtungo sa entablado ang hosts na sina Vice, Kim, Vhong Navarro, Jugs Jugueta, at Teddy Corpuz sa stage.
Ani Vice, "Sa puntong ito po ay humihiling kami sa lahat ng mga madlang people na nakatutok sa atin ngayon, pati na rin sa mga kasama natin sa studio, na maglaan po tayo ng ilang sandali ng katahimikan para sa pagbibigay-pugay sa ating namayapang Pangulong Noynoy Aquino.
"Ang buong pamilya ng It’s Showtime ay nakikiramay po sa pamilya po ng mga Cojuangco at mga Aquino.”
VICE GANDA
Sa kanyang Twitter account naman, nakidalamhati si Vice sa pagpanaw ni Noynoy.
Mensahe niya: “Today is a sad day as we are all shocked by the untimely death of former President Noynoy Aquino.
“I am one with every Filipino as we grieve and mourn his unexpected death.
“My heartfelt condolences to the Aquino family. Godspeed PNoy and Rest In Peace.”

KIM CHIU
Sunud-sunod naman ang Instagram Story posts ni Kim kaugnay ng pagkamatay ng dating Pangulo.

ANGEL LOCSIN
Nagpaabot din ng pakikiramay at suporta si Angel Locsin kay Kris at sa mga anak nitong sina Joshua at Bimby.
Post ni Angel, “My thoughts and prayers to the Aquino family. Mahigpit na akap ate @krisaquino, Josh and Bimby”

LIZA SOBERANO
Tweet naman ng Kapamilya actress Liza Soberano: “Rest in peace PNoy.”

REP. VILMA SANTOS & SENATOR RALPH RECTO
Nakiisa rin sa pag-aabot ng pakikiramay ang mag-asawang sina Batangas 6th District Representative at Star For All Seasons Vilma Santos at si Senator Ralph Recto.
Mensahe naman ni Senator Ralph sa Facebook:
"He was a profile of courage, a man of convictions.
"When politics clashed with the principles he held dear, he would choose the latter, even at the expense of friendships and alliances a leader must maintain in order to govern.
"He did not treat his office as theatre, where he was obliged to make grand gestures to incite his base or distract them from his mistakes.
"He preferred silent, solid work over flamboyance. He took care of his country during his watch."
BIANCA GONZALEZ
Tweet ng host na si Bianca Gonzalez: "Such a sad day. Rest in peace, former President Noynoy Aquino.
“Thank you for your service and love for our country.
“My sincerest condolences to the loved ones he leaves behind.”

MEMES ABOUT NOYNOY
Sumulpot din sa social media ngayong araw ang iba't ibang memes na kumikilala sa mga kontribusyon ni PNoy sa ating bansa.
Binabanggit dito ang mga nagawa niya sa Pilipinas sa kanyang panunungkulan mula 2010 hanggang 2016.
Sa isang meme, sinabi ritong sa ilalim ng panunungkulan ni PNoy, ang Economic Freedom Index ng Pilipinas ay nag-place ng 115th at tumalon ito sa 70th pagdating ng 2015.
Sa Global Competitiveness Index naman, ang Pilipinas ay ika-85 at tumalon ito sa ika-47 noong 2015.
Sa ilalim din ng panunungkulan ni PNoy, ang annual gross domestic product growth ng Pilipinas ay nag-average ng 6.2, ang pinakamataas sa loob ng 40 taon.
May meme din tungkol sa kanyang pagpanaw at patungkol sa mga namayapa niyang mga magulang na sina dating Senador Benigno Aquino Jr. at dating Pangulong Cory Aquino.

Courtesy of Bong Banal
In honor of President Aquino, Summit Books is sharing Dream Big Books' "Ninoy, Cory and Noynoy" written by Yvette Fernandez and illustrated by Abi Goy as a FREE ebook for the next two weeks. Download it here: bit.ly/SBFreeNinoyCoryNoynoyBook
