Lalong lumabo ang posibilidad na magkasundo sa pagpasok ng Bagong Taon sina Dennis Trillo at Carlene Aguilar. Nabuhay at muling uminit ang sagutan ng ex-lovers dahil sa phone-patch interviews sa kanila ng StarTalk kahapon, December 29.
Sa interview sa kanya nina Butch Francisco at Lolit Solis, sinagot ni Carlene ang tanong kung may Christmas gift si Dennis para sa kanilang anak na si Calix Andreas. Natawa si Carlene nang sabihin nito na walang regalo si Dennis kay Calix. Binanggit din niya na apat o limang beses pa lamang dumadalaw si Dennis sa kanilang lovechild magmula nang dumating sila buhat sa Amerika, kung saan isinilang ni Carlene si Calix.
Mabilis na nag-react si Dennis sa pamamagitan din ng phone-patch interview. Sa pakikipag-usap ni Lorna Tolentino kay Dennis, ipinahayag nito ang sama ng loob niya dahil sa patuloy na pagsasalita ni Carlene laban sa kanya.
Pinabulaanan din ni Dennis ang claim ng dating karelasyon na wala siyang Christmas gift para kay Calix at apat na beses lamang niyang dinadalaw ang anak.
Dahil na rin siguro ng matinding sama ng loob kay Carlene, naikuwento ni Dennis na "unreasonable" ang monthly financial support na hinihingi ni Carlene para kay Calix.
Nang minsang magpunta siya sa bahay nina Carlene, hindi raw siya pinapasok kaya naghintay lamang siya sa labas ng gate.
Napanood at narinig din ni Carlene ang interview ng StarTalk kay Dennis. Hindi siya nag-aksaya ng panahon. Sa pamamagitan ng email na ipinadala niya sa Showbiz Central, isa-isa niyang sinagot ang mga akusasyon sa kanya ni Dennis.
Ito ang eksaktong pahayag ni Carlene sa email na ipinadala niya sa Showbiz Central:
"Happy New Year sa inyong lahat. Ito pong sasabihin ko ay para lamang sagutin ang mga sinabi ni Dennis sa StarTalk yesterday, December 29, 2007.
"Unang-una po, hindi ako nagpapa-interview para siraan si Dennis, sinasabi ko lang po yung totoo.
"Yung nasabi ko kahapon sa StarTalk kay Tito Butch when he asked me how many times na nadalaw ni Dennis si Calix, ang nasabi ko eh yung average per month na four to five times. Kasi that time, hindi ko ma-remember kung ilang beses eksakto niya nadalaw si Calix. But now I checked and because I was able to list the dates he visited, ang exact number ay ten out of sixty-five days since we arrived from the States.
"Once lang din po siya naghintay sa gate namin, nung December 16, kasi ang purpose niya lang talaga is to get his driver's license na iniwan ko sa guard. Walang order sa guard na papasukin siya and wala po ang parents ko that time. Hindi namin fault kung naghintay siya ng ilang minuto.
"That same day, iniwan niya sa guard yung ‘ampao'—gift ng sponsor ni Dennis kay Calix at yung gusto niyang ibigay na sustento per month!
"Guess po how much? Five thousand pesos! Nalaman niya kasi na ‘yan daw ang amount na binibigay ng isang actor sa mga pamilya niya, eh, mas mahal pa dun yung suweldo ng yaya ni Calix. So pag-uwi ng parents ko, naawa kay Dennis na baka mas kailanganin pa niya yung pera dahil madami siyang sinusuportahan kaya ibinalik kaagad sa condo niya ang ibinigay niya.
"Sabi pa niya, the amount we're asking is MASYADONG UNREASONABLE?? The child support we're asking THEN was in accordance to the Law, hindi po kami ang gumawa ng batas.
"Nasasabi kong wala siyang effort dahil wala naman po talaga akong nakikita. Kasi kung meron man, kahit ano pa ang sabihin ko sa kanya, hindi lang ang driver niya ang papapuntahin niya sa bahay namin dala pa ang bagong SUV niya nung December 24, 2007.
"SIYA mismo ang pupunta para ibigay kung anuman yung ipinadala niya at kung gusto niya talaga makasama si Calix that day.
"Kaya nga nag-text ako sa kanya na 'I'm home pero hindi ko tinanggap yung ibinigay mo.'
"My new year's message to Dennis? For him to know what to PRIORITIZE, be MAN ENOUGH to make his OWN decisions in life and to always KEEP HIS WORD.
"Akala ko po kasi sa akin lang siya nagsisinungaling, sad to say pati sa interview niya kay Tito Ricky Lo sa Philippine Star dated November 25, 2007.
"Marami pa siyang sinabi na hindi totoo, ano ba yun? Pati ba naman age niya? And everytime I ask him why he has to lie, lalo na nung sinabi niya na he'll stay single, he always say na ‘Siyempre...Showbiz eh....'
"After everything that happened these past few months, sa mga sinabi at ginawa ni Dennis sa akin at sa pamilya ko, I DECIDED NOT TO ASK SUPPORT FROM HIM ANYMORE because it appears that he needs it more to support his family.
"As for me and Calix, we are contented and very happy with what we have now. We're so blessed with very supportive family and friends. My son doesn't deserve a DAD like him.
"Have a Blessed and Peaceful New Year!!!!!"