Jennica Garcia calmly responds to basher who called her “losyang”

by Arniel C. Serato
Jun 26, 2021
Jennica Garcia losyang basher
Jennica Garcia sends message of encouragement to her Instagram followers: “Kaya pa rin natin dapat tawanan itsura natin. Wag tayo magpapanic na hala ang pangit ko dito ganyan. WALANG TAONG PANGIT."
PHOTO/S: Courtesy: @jennicauytingco on Instagram

Marespetong sinagot ni Jennica Garcia ang isang netizen na nilait ang kanyang hitsura.

Sa Instagram ngayong araw, June 26, nagpost si Jennica ng apat na test shots na larawan niya tuwing may online interview.

May apat siyang pagpipilian pero sa bandang huli, ang “true self” shot ang pinipili niya tuwing meron siyang interview.

Sabi ni Jennica, “SWIPE LEFT!!!

“I TAKE TEST SHOTS ON TIMER MODE TO SEE HOW I LOOK LIKE BEFORE AN ONLINE INTERVIEW:

“PIC 1: Hair Down?

“PIC 2: Hair Up?

“PIC 3: itsura ko tuwing swab test

“PIC 4: TRUE SELF.

“END CHOICE every single time: True self.”

Biro pa niya, baka daw kaya siya single ay dahil palagi siyang nagpapakatotoo.

Dagdag pa ni Jennica, “Juice qu kaya ka singgol.

“Bilib na sila, binawi mo naman.

“Sa totoo lang tayo.

“I love you mga mamsh!”

Kamakailan lamang ay kinumpirma ni Jennica na hiwalay na nga sila ng asawang si Alwyn Uytingco. Meron silang dalawang anak na babae.

Continue reading below ↓

“LOSYANG”

Isang netizen naman ang nagsabing dapat ganyan lagi ang kanyang hitsura dahil “losyang” na raw siya.

Ayon pa sa netizen, “Ganyan dapat feel fresh.... Losyang kana kc dati e...”

Binatikos naman ng maraming followers ni Jennica ang nasabing basher.

Hindi naman daw kasi ito tumingin sa salamin bago sabihang “losyang” ang aktres.

Continue reading below ↓

Ganunpaman, mahinahong sinagot ni Jennica ang nasabing netizen.

Una muna niyang pinaalalahanan ang kanyang mga followers na huwag na raw i-bash ang netizen dahil baka raw may pinagdaanan ito sa kanyang buhay.

Saad ni Jennica, “Mga mameh thank you appreciate ko kayo, okay na ha?

“Gawa ng marami tayo baka malungkot po siya o ma ano, anxiety.”

Hindi naman kasi siya apektado sa nasabing salita. Nagpasalamat siya sa mga ito dahil sa suportang ipinakita nila sa kanya.

Dagdag pa ni Jennica, “Ayos na ayos lang ako. Naiintindihan ko si Ma'am _______, naiintindihan ko rin po kayo kung bakit niyo po siya sinagot.

“Salamat po ulit sainyo.Blessing kayo sakin mga mameh.”

Mensahe niya sa netizen na nanglait sa kanya, “Ate ____ okay tayo wag po ka mag alala. Lunch na tayo guys. Love youuu all.”

Continue reading below ↓

“WALANG TAONG PANGIT”

May ipinaabot din siyang message of encouragement sa kanyang mga followers.

Natuwa kasi siya sa mga positive comments nila sa kanyang post.

Kuwento niya, “Uy mga mameh, yung goal ko mapatawa kayo, mga comments niyo puro appreciation, gulat naman ako.

“Pag may pinagdaanan tayo na masakit ayos lang mag bida bida. Pampataas ng self esteem ba.

“Pero wag natin hayaan mawala yung true self natin. Yung confident pa rin tayo sa mga moments na di tayo kagandahan.

“Kaya pa rin natin dapat tawanan itsura natin. Wag tayo magpapanic na hala ang pangit ko dito ganyan. WALANG TAONG PANGIT.

“Sobrang mahal ko kayo. Na appreciate ko talaga kayo. Di ko lang kayo ma sagot lahat pero mahal ko kayo.

“Ito niyayakap kita ngayon!!! Kaya mo yan, ikaw pa ba?! I love you!!! [red heart emoji]”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jennica Garcia sends message of encouragement to her Instagram followers: “Kaya pa rin natin dapat tawanan itsura natin. Wag tayo magpapanic na hala ang pangit ko dito ganyan. WALANG TAONG PANGIT."
PHOTO/S: Courtesy: @jennicauytingco on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results