Ate Gay grateful for financial help of Ogie Diaz, Vice Ganda, fellow comedians

by Nikko Tuazon
Jun 27, 2021
Ate Gay, Ogie Diaz
Comedian Ate Gay (left) says talent manager/fellow comedian Ogie Diaz (right) immediately sent financial help after he was hospitalized due to a rare skin condition: "Thank you so much, talagang tinatanong mo anong nangyari sa akin, anong sakit ko. 'Tapos hindi ka naghintay na hingan. Nagbigay ka kusa dahil alam mo naman na isa ako sa mga wala namang ipon masyado kaya siguro ikaw na kusang nagbigay sa akin."
PHOTO/S: @ategay08 on Instagram

Malaki ang pasasalamat ng komedyante na si Ate Gay, o Gil Morales sa tunay na buhay, sa mga kaibigan nito sa showbiz na nagpadala ng tulong nung siya ay magkaroon ng sakit.

Nitong nakaraang April, pabalik-balik sa ospital si Ate Gay dahil nagkaroon siya ng rare and serious skin condition na toxic epidermal necrolysis (TEN).

Ayon sa healthline.com, ang sinumang magkaroon ng TEN ay makakaranas ng "severe skin peeling and blistering" na sanhi ng "adverse reaction to medication like anticonvulsants or antibiotics."

Sa panayam nito para sa YouTube vlog ng comedian-talent manager na si Ogie Diaz, pinasalamatan ni Ate Gay ang lahat ng mga kaibigan nito na nagpadala ng tulong.

"Naramdaman ko mga kaibigan ko sa showbiz, sa larangan ng ano performance," sabi ni Ate Gay sa vlog ni Ogie na lumabas noong Biyernes, June 25, 2021.

Si Ogie ang isa sa pinasalamatan agad ni Ate Gay dahil isa ito sa mga kusang nagbigay ng tulong sa kanya.

Aniya, "Thank you so much, talagang tinatanong mo anong nangyari sa akin, anong sakit ko.

"'Tapos hindi ka naghintay na hingan. Nagbigay ka kusa dahil alam mo naman na isa ako sa mga wala namang ipon masyado kaya siguro ikaw na kusang nagbigay sa akin."

View this post on Instagram

A post shared by Gil (@ategay08)

ATE GAY gives vice ganda a shout-out

Ayon kay Ate Gay, si Vice Ganda ang isa sa mga una ring nagpahatid ng tulong sa kanya nung nangangailangan ito.

Ito ay sa kabila ng pagkakaroon nila ng hindi pagkakaunawaan dati.

Sa ngayon hindi pa sila muling nagkikita ngunit taos-pusong nagpasalamat ito sa It's Showtime host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nagpapasalamat ako dahil nakarating sa kanya na nasa ospital ako at walang kaabog-abog na tutulong daw siya.

"Tumulong naman siya at ayun, nagpapasalamat ako. Sa kabila ng mga nangyari sa akin sa Showtime, naramdaman ko yung puso niya, sa puso ng mga kaibigan mo sa showbiz."

Matatandaang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Ate Gay at Vice Ganda noong November 2019.

Hindi nagustuhan ni Ate Gay ang naging komento ni Vice Ganda nang sabihin nito na natanggal siya sa Celebrity Edition ng "Tawag ng Tanghalan" dahil sa mga Facebook rants nito.

Nang tanungin naman ni Ogie si Ate Gay kung mayroon itong mga kaibigan na inaasahang magbibigay ng tulong ngunit hindi nagparamdam, malugod na sagot nito, "Andun sila, nagparamdam sila lahat sa akin kasi yun naman ang ginawa ko nung time na nakakaluwag-luwag ako.

"Wala akong ipon, yung bigay lang nila ang ano... kumbaga nabubuhay ako ngayon. Talagang hindi ko ginalaw dun sa bangko.

"Dahil sabi ko nga, kapatid ko yung nagbayad ng bill ng ospital. Yung mga binigay lang nila, yun yung mga nasa akin."

Bukod kay Ogie, nagpadala rin ng tulong sina Paolo Ballesteros, Vice Ganda, at ang Beks Battalion members na sina Chad Kinis, Lassy, at MC.

Pasasalamat nito, "Si Paolo Ballesteros, thank you so much. Vice Ganda, thank you. 'Tapos yung Beks Battalion, thank you. 'Tapos madami pang iba, mga tagahanga. Salamat."

ATE GAY REMEMBERS FELLOW COMEDIANS WHO DIED

Samantala, Iamin ni Ate Gay kay Ogie na dumako rin sa isip nito na baka siya na nga ang susunod sa papanaw lalo't ang mga matatalik na kaibigan nitong sina Chokoleit, Kim Idol, at Le Chazz ay sumakabilang buhay niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ngunit para kay Ate Gay, hindi pa siguro ito ang oras niya.

Aniya, "Lahat yun partner ko, as in partner... lahat sila nawala. Ako na lang ang natira kaya inisip ko noon na, 'Naku, ako na yata ang susunod.'

"Pero parang hindi, e, parang hindi.

"Sabi ko nga, pag gusto mo mabuhay, mabubuhay ka, e. Kung gusto mo lumaban, lalaban ka."

GAY'S ATTITUDE PROBLEM?

Sa vlog, nilinaw rin ni Ate Gay kay Ogie ang isyung may attitude problem ito kaya maraming may hindi gusto sa kanya.

Aminado si Ate Gay na may ilang ugali itong nakasanayan nang magsimula itong maging stand-up comedian.

"Yung training ko dati, nung nagsisimula ako, sina Chokoleit kasi, mga bully iyan, e. Yung mga nauna sa akin.

"Pero yung bully na iyon, iyon ang nagpatatag sa akin. Ikaw ba, hindi ka magre-resign kapag inaway ka sa isang gabi nang ganun?

"Pati sina Chokoleit, ayan inaaway ako lagi na wala naman akong ginagawang masama. Kasi hindi ako marunong mag-host nun, e, late siya, 'Ah pasensiya na po kayo late si Chokoleit,' sabi ko sa stage.

"'Tapos inano niya ako, 'Anong sinasabing late ako, ha?' Ayun na yun, iyak na naman ako. Basta gabi-gabi akong umiiyak nun."

Patuloy nito, "Ngayon kapag may mga bago, ginagawa ko ngayon sa kanila. Pinaranas ko. Halos lahat sila nakaranas sa akin.

"Pag ayaw kong ka-set, ayaw ko. Oo, e, love naman ako nung may-ari. Pero mali pala iyon."

Sa tanong naman ni Ogie kung mas mabait na siya ngayong binigyan siya ng pangalawang buhay, sagot ni Ate Gay, "Mabait, hindi ako marunong magmura kahit na taga-Tondo ako. Dito na lang ako natuto magmura sa ano, e, sa comedy bar."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedian Ate Gay (left) says talent manager/fellow comedian Ogie Diaz (right) immediately sent financial help after he was hospitalized due to a rare skin condition: "Thank you so much, talagang tinatanong mo anong nangyari sa akin, anong sakit ko. 'Tapos hindi ka naghintay na hingan. Nagbigay ka kusa dahil alam mo naman na isa ako sa mga wala namang ipon masyado kaya siguro ikaw na kusang nagbigay sa akin."
PHOTO/S: @ategay08 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results