Inalmahan ni Derek Ramsay ang pagkukumpara sa kanila ni John Lloyd Cruz kaugnay kay Elias, ang anak nina John Lloyd at Ellen Adarna.
Si Ellen na dating live-in partner ni John Lloyd ay fiancée ngayon ni Derek.
Nitong June 27, ipinagdiwang ni Elias ang kanyang ikatlong kaarawan.
Hiwalay na nagbigay ng birthday party sina Ellen at John Lloyd para sa kanilang anak, pero parehong Spider-Man ang theme.
Sa kanyang parte, nag-post si Derek ng birthday greeting kay Elias sa Instagram.
Unang ipinost ng aktor ang larawan nila ni Elias na nasa pool at nakasakay sa salbadida.
Pagbati ni Derek: “Happy birthday babiguling!! Love ya buddy!!”
Nagsunud-sunod ang komento ng netizens.
Ang ilan, ikinukumpara si Derek kay John Lloyd.
Pinuri ng isang netizen si Derek sa pagiging mabuting “stepdad” nito kay Elias. Dapat din daw ay magpasalamat si John Lloyd kay Derek.
Pero halatang hindi ito nagustuhan ni Derek. Paglilinaw ni Derek, mabuting ama si John Lloyd kay Elias.
Komento ni Derek: “Bro that’s not nice. Jl is a good father to Elias.”

May isa pang nagkomento na sinagot ni Derek.
Kinastigo ng netizen ang Filipino-British actor at dapat daw ay maging considerate ito sa nararamdaman ni John Lloyd.
Hirit ng netizen (published as is): “na sau na nga c ellen pati ba nmn c elias”
Maayos na sinagot ni Derek ang netizen sa pang-iintriga nito sa kanila ni John Lloyd.
Giit ni Derek, wala silang isyu ni John Lloyd.
Sagot ni Derek: “Sorry but that’s such an awful thing to say. Jl and and I have no issues. He is a great father to Elias and I am not trying to replace him as the [father] of Elias.
“Ellen is my fiancé and I love both of them very much”

Sa sumunod na post ni Derek tungkol sa birthday party ni Elias, nagkomento si Ellen.
“We love you soooo muccchhh,” komento ng aktres.
Sumagot si Derek at sinabing ang mag-ina at anak ni Derek na si Austin, 18, ang buhay niya.

Na-engage sina Derek at Ellen nitong Pebrero matapos magkakilala noong January. Maituturing na whirlwind romance ang nangyari sa kanila.
Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
