Na-depress si Paolo Gumabao bago lumaganap ang COVID-19 pandemic.
Matapos mag-streaming ang series na Mga Batang Poz noong Hulyo 2019 sa iWant, nawala siya sa showbiz.
“Nawalan ako ng projects, and I was depressed. To be honest with you, I was drinking a lot,” lahad ni Paolo noong Hunyo 16, Miyerkules, sa virtual tsikahan via Zoom.
“I was drinking a lot, I was so lost. Iyong parents ko, medyo naaano na sila sa akin noong time na iyon. They were really disappointed.
“Hindi ako nagka-project after Mga Batang Poz and I was really depressed because I really love this job, and I gave my all in Mga Batang Poz.
“So, iyong na-feel ko noon, parang… I felt really bad, and depressed. Frustrated. So, siguro, a year and a half ako na ganoon.
“I got out of shape! Sobrang out of shape ako before the pandemic. Tumaba ako, sobra!
“Noong nagkaroon ng pandemic, siyempre nag-close lahat ng bars. I didn’t have contact with the toxic friends that I had before.
“Nalinis ako. I started working out every day. I stopped drinking. I started going to sleep early.
“Kasi dati, lagi akong nagpupuyat. Drinking, uuwi ako, 7:00 a.m., 6:00 a.m.
“So, iyong epekto sa akin ng pandemic kumbaga, natanggal… nawala… natanggal lahat ng mga toxins, toxic things, friends, energies, nawala sila lahat. And then, nalinis ako.
“Ngayon, I’m so close to my family right now. And iyon, I’m just so happy na wala na ako sa toxic phase na iyon.”
BIG BREAK CAME AFTER SEVEN YEARS
Isa si Paolo sa mga bida ng Mga Batang Poz, na tungkol sa apat na teenager na HIV+.
Bida rin dito sina Fino Herrera, Mark Neumann, at Awra Briguela, at kasama sa cast sina Joem Bascon, Raven Molina, Arnold Reyes, Andrew Gan, at Mark Rivera.
May season 2 dapat ang Mga Batang Poz, di ba?
“May season 2 dapat pero hindi rin natuloy because of the pandemic,” sambit ni Paolo.
So, isang malaking blessing para kay Paolo na mapiling bida sa pelikulang Lockdown, lalo pa’t pitong taon na siya sa industriya nang dumating ang project.
“Sobra! Sobra,” pagtangu-tango ni Paolo.
“It’s weird because… alam ninyo iyong ano… I was ready to give up showbiz already.
"Sabi ko, ‘Parang ayaw yata sa akin ng showbiz. Parang ayaw yata talaga sa akin!’
“I already enrolled in ALS [Advance Learning School] kasi, I never finished my high school. Kasi, I started showbiz when I was 15, 16.
“So, sabi ko, ‘OK, I’m gonna give up, ayoko nang mag-showbiz.’ Gusto ko nang mag-quit.
“Sabi ko sa sarili ko,, ‘I’m 21 already, I’m still living in my parents’ house, wala pa rin akong something na maipapakita ko na alam kong akin.’
“Sabi ko, ‘Maybe it’s not for me. Maybe, hindi.’ Pero noong time na nag-give up na ako, biglang dumating iyong Lockdown,” matamis na pagngiti ni Paolo.
Dagdag pa niya, “So, I was, like… OK! I guess I’m not leaving! I’m staying! Mukhang ayaw yata ako ni Lord na umalis! Parang ganoon ang naramdaman ko.
“Parang naramdaman ko na, ‘Ay! May misyon yata ako dito.’”
DARING SCENES NOT AN ISSUE
Launching film ni Paolo ang Lockdown, na mag-i-streaming sa Hulyo 23, Biyernes, sa KTX, Upstream at RAD—dalawang araw bago ang ika-23 niyang kaarawan.
Ang Lockdown ay kuwento ng OFW na si Danny, na napilitang sumabak sa pagiging online erotic performer alang-alang sa mga pangangailangan ng kanyang pamilya.
Ano ang reaksiyon niya nang mabasa ang script ng Lockdown (na sinulat ni Troy Espiritu) sa casting call noong Agosto 2020?
“I was, like… sabi ko sa sarili ko, ‘Grabe itong script na ito, ang ganda!’ Hindi na naging isyu sa akin iyong mga daring na eksena,” pahayag ni Paolo.
“Iyong mga daring scenes, hindi na siya naging problema for me. I just wanted to shoot the movie.
“Kasi, noong binasa ko iyong script… actually, noong binasa ko iyong script, I was crying. Ramdam na ramdam ko iyong character talaga.
“Kaya sabi ko, noong binabasa ko iyong script, sabi ko, ‘Kailangan, sa akin mapunta ito!’ Kasi, ramdam ko si Danny, e.
“Ramdam ko iyong pinagdadaanan niya. I understand why he did everything na he did.”
Bakit kaya sa kanya ipinagkatiwala ni Direk Joel Lamangan at ng FLA Films producer na si Jojo Barron ang karakter ni Danny?
“I think si Direk Joel really just has gut feeling. Kasi, noong nag-audition kami, hindi kami pinaarte,” paliwanag ni Paolo.
“We just went there. We introduced ourselves. Ahhm, tinanong ni Direk Joel kung ‘OK lang ba sa inyo na may frontal nudity dito?’
“Feeling ko, it’s because kung paano ko sagutin iyong question na iyon. Kasi, noong tinanong sa akin, ‘OK lang ba, Paolo, mag-frontal nudity ka dito?’
“Ang sagot ko talaga agad, ‘Direk, gawin natin lahat ng kailangan nating gawin para maganda iyong pelikula.’”

KISSING SCENE WITH A GUY AND A GIRL
Bigay na bigay sina Paolo at Paul Jake Paule sa kanilang halikan at harutan sa Lockdown.
“Actually, sobrang nag-enjoy kami ni Paul Jake sa eksena namin because… sabi ni Direk, ‘OK, ito iyong puwesto ninyo. Dito kayo pwedeng gumalaw sa living room na ito. Kayo’ng bahala kung paano ninyo gagawin.
“One take lang iyon. Ginawa na namin lahat para wala nang second take.
“Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! I-one take na lang natin. Ilabas na natin ang dapat ilabas!” natatawang sabi ni Paolo.
Gumanap si Paul Jake bilang sponsor ni Danny bago ito magtrabaho abroad.
May intimate scene din si Paolo kay Max Eigenmann, na gumanap bilang fiancée ni Danny.

Paolo Gumabao and Max Eigenmann
“It was my first time kissing a girl sa eksena,” sabi ni Paolo.
“Before namin i-shoot iyong sensitive scenes namin, nagkuwentuhan lang kami, nag-usap lang kami.
“May napag-usapan kaming mga nakatrabaho ko in the past, like sa Mga Batang Poz. Guys naman iyong mga nakahalikan ko doon.
“Napag-usapan namin na… we just do it na lang! Just throw yourself at the scene. Throw youself, and then just commit to the scene. And it was great.”
Ano ang kaibahan ng kissing scene with a girl, sa kissing scene with a guy?
Natigilan nang ilang sandali si Paolo bago sumagot, “Ahh, well, for me kasi… like for example, when I kiss boys in scenes, well, honestly, I don’t wanna offend anyone…
“But for me, I feel like I’m kissing my hand. Yeah! It’s just like… it’s plain. Pero when it comes kay Max, ganoon din.
“Kasi, the way I see kissing scenes, it’s never a way na… lalo na kung lalaki ka at babae ang ka-kissing scene mo, never dapat pumasok sa isip mo na, ‘Ay! Trip ko ‘to!’
“Hindi!” pag-iling-iling ni Paolo. “That should never go inside your mind. Dapat, laging… trabaho ito, trabaho lang ito. So, ganoon din.”
DOING FRONTAL NUDITY
Paano niya pinaghandaan ang maseselang eksena, lalo na iyong nakabuyangyang ang kanyang private part?
“I get this question a lot, and laging nasa isip ko… paano mo ba paghahandaan ang paghuhubad?” matamang pakli ni Paolo.
“E, di… humubad ka na lang! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ginawa ko lang. Like… iyong kissing scenes, it’s just something I can just do nang ganoon, nang walang inhibitions for me.
“And noong sinabi ni Direk Joel na, ‘Hubad ng brief!’ Hubad ng brief, iyon. Just do it.
"Kasi, Direk Joel Lamangan na iyon. Ipakita mo na kung ano ang kaya mong gawin."
Kagaya ni Paolo, walang kiyeme sa hubaran sina Sean de Guzman, Kristian Allene, Neil Suarez, Dincent Lujero, at Jeff Carpio na gumanap bilang kasamahan niyang online erotic performers.
“It was great. Kasi, hindi rin sila nagdadalawang-isip sa eksena, e. Pag sinabi rin ni Direk na, ‘Eto, gawin natin ito, maghalikan kayo ni Paolo,’ ginagawa din nila.
“So for me, I really respect actors like that. Buong cast, I respect everyone. Kasi, they really gave their all. They gave their best sa eksena.
“They committed to the project. And I really appreciated it.”
Ano ang pananaw niya sa mga online erotic performer sa totoong buhay?
“OK lang, kung wala naman po silang sinasaktan na tao, wala namang problema,” seryosong sagot ni Paolo.
“Kung hindi naman sila nagbebenta ng pictures ng ibang tao, wala namang isyu doon. Katawan nila iyon, and they’re free to do whatever they like with their body.
“I don’t judge sex workers. I had so many instances na parang… may mga kaibigan ako na pinag-uusapan iyong sex workers and how… ayokong nakakarinig ako ng pangit about them.
“Kasi, para sa akin, hindi mo naman sila kilala, e. You don’t know what they’re going through, hindi mo alam kung bakit nila ginagawa iyon.
“So, bakit ko naman huhusgahan? Bakit ka magsasalita ng pangit sa taong hindi mo naman kilala?”
WHY PEOPLE SHOULD WATCH LOCKDOWN
Bakit dapat panoorin ng mga tao ang Lockdown?
“Because it’s a representation of reality. Ahhm, everything that happened, everything that they would see in Lockdown, lahat iyon, totoong nangyayari,” matamang sambit ni Paolo.
“And I think that’s what our job is as artists, and as directors, as scriptwriters—ipakita sa mga tao kung ano iyong katotohanan, para matuto iyong mga tao from the mistakes of the characters in that movie.
“Kasi, we can realize a lot of things by watching a movie. Marami tayong matututunan, especially if it’s well written, if it’s well directed, kf the actors played it well, marami tayong mararamdaman.
“Marami tayong matututunan sa mga characters na napapanood natin. And for me, that’s how I see my job.
“Making indie films is to inspire people, and to help people realize things that they haven’t realized before.”
Ano ang matatanto ng mga manonood sa launching film niya? “If your life went good during the pandemic… hindi lahat ng tao, ganoon,” tugon ni Paolo.
“Kasi, for different people, iba-iba ang naranasan natin during the pandemic. There are others, nagbakasyon, nag-enjoy with the family. Yes, wala namang masama doon!
“Pero there are also people na kapit talaga sa patalim, and kailangan nilang gumawa ng mga bagay na mahirap gawin para sa kanila para lang, you know, to survive.
“Survival. Ang hirap ng survival ngayon… There are people na nakakaawa, wala silang opportunities sa maayos na trabaho.
“And that’s what Lockdown is. It’s to show people na… it’s not always good times. There are people having a hard time as we speak.”
