GMA News quashes netizens' claim that it filters criticisms against President Duterte

by Rachelle Siazon
Jul 1, 2021
GMA News addresses netizens' speculations about the deleted timeline report in Saksi showing President Rodrigo Duterte's response to the emergence of COVID-19 pandemic in the first quarter of 2020.
PHOTO/S: Esquire.ph / Twitter

Mariing pinabulaanan ng GMA News ang espekulasyong sinasala nito ang mga kritisismo laban sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaugnay ito ng pagkawala ng tinagurian ng netizens na "fact-checking" report ng GMA news reporter na si Joseph Morong.

Noong April 16, 2021, umere sa Saksi ang video clip mula sa April 15 address to the nation ni Pangulong Duterte, kung saan sinabi nitong hindi nagkulang ang gobyerno sa pagresponde sa unang bugso ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Sabi ng Pangulo: "Hindi tayo nagkulang. Right after the WHO advisory, the following day, I... day after... basta within 48 hours, we already had the task force, yong task force ngayon."

Sinundan ito ng voice-over ni Morong ng timeline of events kaugnay ng aksyon ng gobyerno mula January 5 hanggang March 11, 2020.

Ipinakita sa timeline na March 11, 2020 nang ideklara ng WHO o World Health Organization ang COVID-19 pandemic.

At kinabukasan, March 12, nabuo ang Inter Agency Task Force na reresponde sa paglaganap ng COVID-19 sa Pilipinas.

Continue reading below ↓

Ipinakita rin sa timeline na mula January 25 hanggang February 2 ay unti-unting sinimulan ang utos ng pag-ban sa Pilipinas ng inbound travelers galing sa ilang bansang naunang nagkaroon ng mga kaso ng COVID-19. Ito ay para maiwasang makapasok sa bansa ang virus.

Samantala, highlighted din sa timeline report ng Saksi ang tila urong-sulong na aksyon ng gobyerno sa simula ng pandemya, pati na ang pahayag ng Presidente noong February 2 na hindi dapat katakutan ang COVID-19.

MORONG'S V.O. REPORT SANS THE TIMELINE

Napansin ng mapanuring netizens na tinanggal ang timeline report na ito sa replay ng April 16 telecast ng Saksi, na matatagpuan sa YouTube Channel ng GMA News.

Pero mapapanood pa rin sa replay ang voice-over report ni Morong sa ilan pang isyung kinahaharap ng gobyerno sa gitna ng noo'y "all-time high" active COVID-19 cases sa bansa.

Isa na rito ang pagkadismaya ng Alliance of Health Workers, na katuwang sa pagkontrol ng pandemya, sa tinawag nitong "negative response" ng Pangulo sa hinihingi nilang benepisyo.

Continue reading below ↓

Humihiling noon ang grupong makausap ang Pangulo, pero ni-refer lamang daw sila sa IATF at Department of Health para sa "appropriate action."

Sinundan ito ng video clip ng sagot ng Pangulo sa mga batikos sa pagresponde ng kanyang gobyerno sa pandemya.

Mainit na sagot ng Pangulo: "I'd like to disabuse the mind of na nagkulang tayo. Wala na kayong tiningnan kung hindi 'yong kag***han ninyo... Hindi tayo nagkulang."

Pinaalala naman sa ulat na minsang inamin ni presidential spokesperson Harry Roque na contract tracing ang kahinaan ng bansa.

JOSEPH MORONG's "LAST SUMMARY" FOR MALACAÑANG BEAT

Naging palaisipan sa ilang netizens ang pagkawala ng timeline report ni Morong, at naiugnay nila ang isyu sa pagpapaalam ni Morong bilang Malacañang beat reporter ng GMA News.

Noong May 3, 2021, inihayag ni Morong na, noong gabing iyon, "last summary" na niya ang highlights ng address to the nation ng Pangulo.

Tweet ni Morong: "Heads-up: if this is Pres. Duterte's only 'Talk to the People' address this week, this might be the last summary you will get from me. It's been a privilege to serve you."

Continue reading below ↓

May humabol pang "one more summary" tweet si Morong noong May 5, bago siya tuluyang nagpaalam sa kanyang Malacañang beat.

Continue reading below ↓

Marami sa followers ni Morong ang nagtanong kung lilipat siya ng beat, lilipat ng ibang network, o magre-resign na sa trabaho.

Sa YouTube video ni Morong noong May 6, klinaro niyang inilipat siya sa ibang beat ng GMA News.

Bahagi ng pahayag ni Morong: "Unfortunately, that will be the last summary that you’ll get from me because I’ve been transferred.

"Starting next week, I will not be covering Malacañang anymore."

Hindi naman kaila sa mga nasa media na, sa dinami-rami ng beats na kinu-cover ng isang media organization, ang Malacañang ang kinikilalang prized beat.

Ito ay kadalasang ibinibigay sa pinaka-senior o bihasang reporter at hindi basta-basta pinapalitan ang reporter na nakatalaga rito.

Ang isang reporter ay nagiging mas mahalaga sa kanyang media organization kapag matagal na siya sa isang beat dahil nangangahulugang mas nagkakaroon siya ng mas malawak at malalim na network ng sources at information.

Continue reading below ↓

NETIZENS SPECULATING ABOUT ALLEGED FILTERED NEWS

Sa puntong ito, umingay ang usap-usapan ng ilang netizens na tila may kaugnayan umano ang paglipat ng beat ni Morong sa timeline report nito sa Saksi noong April 16.

Natanggal ang timeline report sa replay ng Saksi sa YouTube channel ng GMA News, pero may ibang netizens na nag-repost nito sa Twitter.

Continue reading below ↓

Pakiramdam ng netizens ay sinala ng GMA News ang timeline report na may voice-over ni Morong.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Apela ng ibang netizens, sana raw ay bigyang-linaw ng GMA News ang isyu.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

GMA'S STATEMENT ON JOSEPH MORONG'S REASSIGNMENT

Noong Linggo, June 27, naglabas ang GMA News ng opisyal na pahayag upang tuldukan ang mga espekulasyon ng netizens.

Sabi rito, ang pag-transfer ni Morong sa ibang beat ay walang kinalaman sa ulat sa kontrobersiyal na "fact-checking report" ng veteran reporter sa Saksi.

Ayon pa sa pamunuan ng GMA News, hindi si Morong ang sumulat ng report na iyon kundi ang producers ng Saksi, at nagkataong si Morong ang nag-voice over nito para sa programa.

May paglilinaw rin ang GMA News tungkol sa tinanggal na timeline report sa YouTube channel o online platform ng news organization.

"It was removed from our online platforms, consistent with our policy, after we noted deficiencies in the report which did not conform to our standards of fairness and balance.

"Unrelated to this, Joseph was given another assignment, a move which is common in most, if not all, newsrooms where reporters do not stay in one beat their entire careers."

Continue reading below ↓

GMA NEWS STANDS BY "FAIR, BALANCED, AND ACCURATE" REPORTAGE

Sa hiwalay na pagsisiyasat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), tinanong namin ang GMA News tungkol sa patuloy na batikos ng netizens na sinasala umano ng GMA News ang kritisismo kapag laban sa Pangulong Duterte.

Itinanggi ng GMA News ang paratang na ito.

"We take strong exception to this," sabi ng GMA News sa PEP.ph via exchange of messages nitong Miyerkules ng gabi, June 30.

Diin ng GMA News, "Our record speaks for itself across the many different administrations we covered.

"We remain committed to serve the public and honor their trust by reporting the news that is fair, balanced, and accurate."

Una nang sinabi ng GMA News na tinanggal ang timeline report tungkol sa pagresponde ng gobyerno sa pandemya dahil nakitaan ito ng "deficiencies."

Tinanong ng PEP.ph kung may missing info o may nagreklamo sa ulat na iyon kaya tinanggal sa online platform ng GMA News.

Continue reading below ↓

Sagot ng GMA News, "We did not receive any complaint about that report.

"It was taken down as part of self-policing applying our strict ethics and editorial standards."

Sa huli, inulit ng GMA News na hindi isyu sa news room ang paglipat ng beat ni Morong.

Patuloy pa rin daw itong magdadala ng balita tungkol sa mahahalagang isyu sa bansa.

Sabi ng GMA News: "Joseph has been filing reports in our newscasts about important issues affecting the country.

"GMA News has had many reporters cover the Malacañang beat through various administrations and there was no issue whatsoever when they were reassigned to other beats.

"The same is the case here."

Sinubukan din ng PEP.ph na hingan ng komento si Morong, pero hindi ito nagbigay ng pahayag ukol sa isyu.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA News addresses netizens' speculations about the deleted timeline report in Saksi showing President Rodrigo Duterte's response to the emergence of COVID-19 pandemic in the first quarter of 2020.
PHOTO/S: Esquire.ph / Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results