Agaw-pansin ang sweet moment ni Heart Evangelista, 36, at ng asawang si Sorsogon Governor Chiz Escudero, 51.
Tila kuha ang litrato nang magbakasyon sila sa bagong bukas na resort ni Heart sa Boracay.
Base sa Instagram post ni Heart noong July 2, nasa likod si Chiz habang nakayakap kay Heart.
Magkadikit din ang mga mukha nila na waring ninanamnam ang mga sandaling kapiling nila ang isa't isa.
Simpleng caption ni Heart, "Say [cheese emoji]!"
Marami sa followers ni Heart ang natuwa na makitang nag-enjoy sina Heart at Chiz sa kanilang beach trip.
Kabilang sa mga nag-iwan ng comments ay ang ex-boyfriend ni Heart na si Daniel Matsunaga.
Nag-message si Daniel ng heart at hands up emoji na waring nagsasabing hanga ito sa relasyon ng mag-asawa.
Simpleng "heheh" ang sagot ni Heart kay Daniel.

QUALITY TIME TOGETHER
Sa vlog ni Heart noong June 27, tuwang-tuwa siyang kasama niya si Chiz sa Boracay dahil madalas ay abala raw ito sa trabaho.
Nakangiting sabi ni Heart, "Hello sa mga officemates niya! Anong napi-feel mo na nagbabakasyon ka?"
Sagot ni Chiz, "Hindi ito bakasyon. Spending time with my wife."
Hirit ni Heart, "But you're leaving earlier. Why?"
Natatawang sabi ni Chiz, may naghihintay pa sa kanyang trabaho sa Sorsogon.

heart wants to make chiz proud of her
Kinumusta ni Chiz si Heart kung masaya raw ba ito.
Sabay lambing ng Kapuso actress, "Of course, I'm happy. Are you proud of me because of my decisions in life?"
Balik-tanong ni Chiz, "Foremost among which would be?"
Tukoy ni Heart sa kanyang Boracay resort, "This place. Sobrang liit lang naman but, you know, that's my hard earned money, 'no. What do you think?"
Sagot ni Chiz, "Of course, [I am proud of you]. You're learning to save and invest."
Kinilig na saad ni Heart, "Yes! That's all I wanted to hear."
Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
