Boobay’s boyfriend confirms their breakup after nine years together

by Bernie V. Franco
Jul 6, 2021
Boobay's ex-boyfriend Kent Resquir (left) to comedian: "I wish you happiness and good luck to your beautiful showbusiness career." The two parted ways and ended their nearly decade-long relationship.
PHOTO/S: @boobay7 on Instagram

Kinumpirma ng non-showbiz boyfriend ni Boobay—Norman Balbuena sa totoong buhay—na hiwalay na sila ng komedyante matapos ng halos isang dekadang relasyon.

Nitong July 4, 2021, lumutang ang usapang break na ang Kapuso comedian at boyfriend nitong si Kent Resquir, isang physiotherapist na nakabase sa Australia.

Sa Instagram Story, nag-post si Boobay ng malungkot niyang photo na may caption na “freedom” at makahulugang “after 9 years.”

Sa pamamagitan ng Instagram ngayong Lunes, July 5, kinumpirma ni Kent ang paghihiwalay nila ni Boobay.

Ni-repost ni Kent ang screenshots ng mga naisulat na balita online, kabilang ang report ng PEP Troika, tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Sa caption, sinabi niyang totoong hiwalay na sila pero friends pa rin daw sila.

Caption ni Kent: “Yes, this is true. My messenger is flooding.

“Can’t answer each one of you.

“Don’t you worry guys, we are friends. Love love love.”

Continue reading below ↓

Bago ang kanilang paghihiwalay, ilang taon na rin ang long-distance relationship ng dalawa dahil nasa Melbourne, Australia, si Kent at nandito naman sa Pilipinas si Boobay.

Nakipag-ugnayan ang PEP.ph kay Kent kahapon upang mailabas ang kanyang panig sa hiwalayan nila ni Boobay, pero tumanggi siyang magsalita.

Message ni Kent: “Hello. Thank you for the offer, but no comment, for now. [praying hands emoji].”

KENT’S MESSAGE FOR BOOBAY

Idinaan ni Kent ang mensahe niya kay Boobay sa sunud-sunod na Instagram Stories at Instagram posts.

Caption niya sa isang post: “Thank you. I wish you happiness and good luck to your beautiful showbusiness career.

“I am STILL here for you anyway. You always take care @boobay7 [kiss emoji] #NOWSingle”

Continue reading below ↓

Hindi malinaw kung ano ang dahilan ng paghihiwalay ng dalawa at kung sino ang nakipaghiwalay.

Samantala, ipinost pa ni Kent sa kanyang Instagram Story ang ilang bahagi ng lyrics ng kantang “Never Really Over” ni Katy Perry.

Kung pagbabasehan ang lyrics, pagpapahiwatig itong umaasa pa rin ang isang taong makabalikan ang taong minamahal.

Ganito ang lyrics: “Thought it was done, but I guess it's never really over

“Just because it's over doesn't mean it's really over

”And if I think it over, maybe you'll be coming over again

”And I'll have to get over you all over again

“Just because it's over doesn't mean it's really over

”And if I think it over, maybe you'll be coming over again

”And I'll have to get over you all over again”

HOT STORIES

Use these MetroMart promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Boobay's ex-boyfriend Kent Resquir (left) to comedian: "I wish you happiness and good luck to your beautiful showbusiness career." The two parted ways and ended their nearly decade-long relationship.
PHOTO/S: @boobay7 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results