Hinangaan ng netizens ang ginawang pagpapakalma ni Ormoc City Mayor Richard Gomez sa isang babaeng nakatakdang bakunahan ng COVID-19 vaccine.
Sa Instagram nitong nakaraang Lunes, July 5, in-upload ni Richard ang ilang larawang kuha sa vaccination site na kanyang pinuntahan sa Ormoc Superdome.
Kuwento niya, isang babaeng babakunahan ang nagpakita ng sobrang takot at kaba.
Nilapitan ito ni Richard at tinanong kung mapapapakalma ba siya kapag hahawakan niya ang kamay nito habang tinuturukan ng bakuna.
Umoo naman daw ang babae.
Saad ng alkalde, “There was this lady at the vaccination area inside the Superdome who was very scared and nervous just before getting her jab.
“I asked her if it would help calm down if I held her hand while getting injected. She said yes.”
Ayon pa kay Richard, naawa siya sa babae dahil mahigpit daw ang pagpisil nito sa kanyang palad.
“Naluoy ko, hugot intawon kaayo iya pagpislit sa ako kamot. [Naawa ako, ang higpit ng pagpisil niya sa aking kamay.]”
View this post on Instagram
Sa comments section, ibinuko naman ng kanyang matalik na kaibigan na si John Estrada na takot din sa karayom si Richard.
Ani John, “Ang d nila alam takot ka rin sa karayum besfriend [rolling on the floor laughing emoji]”
Pagsang-ayon ni Richard, “@john__estrada hahahahahahahaha! Kaya nga naiintindihan ko yung situation nya. Hahahahahahaha!”

Marami ring netizens ang nainggit sa babae.
Nais na rin daw nilang sa Ormoc magpabakuna dahil mahahawakan nila ang kamay ng actor-public servant.
Narito ang ilan nilang komento:


Nasa A1 (medical frontliners), A2 (senior citizens), A3 (persons with comorbidities), A4 (economic frontliners), at A5 (indigent population) na ang mga kategoryang binabakunahan sa bansa.
