Nag-react ang boyfriend ni Chad Kinis na si Nikko Alano Chua sa paratang na pera lang ng komedyante ang habol niya.
Noong June 17, 2021, isinapubliko nina Chad at Nikko ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng social media posts.
Si Chad ay isang TV personality, video creator, at miyembro ng sikat na YouTube comedy trio na Beks Battalion. Kabilang din siya sa circle ng sikat na comedian-TV host na so Vice Ganda.
Si Nikko ay isang runway at print ad model, negosyante, at itinanghal na Mr. Mossimo 2018.
Noong June 17, isang appreciation post sa Facebook ang ginawa ni Nikko para sa kanyang “one and only babe” na si Chad.
Kalakip nito ang sweet photos nila sa kanilang bakasyon sa isang kilalang resort sa Lipa, Batangas.
Sa mahabang caption, binanggit ni Nikko na maraming “negativities” ang hatid ng kanilang pagiging public figures pagdating sa kanilang relasyon.
Pero tiniyak ng modelo kay Chad, “No one could every destroy us.”
Tinawag pa niyang “Godsent” si Chad.
NIKO ANSWERS BASHERS
Ang post na ito ni Nikko ay mayroon nang 60,000 reactions at 13,000 shares.
Umabot na rin sa 6,400 ang comments—kabilang ang masasamang paratang kay Niko.
Akusasyon sa kanya, pera lamang umano ang habol niya kay Chad.
Hirit ng isang basher: “Sanaol mapera. Sigurado yan, pag lipas na at wala nang pera si chad iiwanan mo rin yan. Hahaha.”
Kalmado pero patama ang sagot ni Nikko rito: “Come visit my resto and clinic ssponsoran ka namin ng mom ko at sister ko. [wink emoji]”


Kung susuriin ang Facebook account ni Nikko, mayroon siyang food business at aesthetic clinic na pagmamay-ari ng kanilang pamilya.
Sabi ng mga tagapagtanggol ni Nikko, hindi pa man nito nakikilala si Chad ay buhay na ang mga negosyo ng modelo.
May isa ring netizen na pinagdududahang true love ang namamagitan kina Nikko at Chad.
Sabi ng netizen: “IMPOSIBLENG WALA KANG NAPAPALA KAY Chad Kinis PERA PERA LANG YAN!”
Akusa pa ng netizen, pinatulan lang umano ni Nikko si Chad dahil sa pagsikat nito bilang social media content creator.
Millions ang views ng contents ni Chad sa Facebook at YouTube.
Hinamon din ni Nikko ang netizen at ipinamukhang mayroon din siyang pera.
Ani Nikko: “Come visit my resto and clinic. Libre ka lahat sakin sponsoran kita at ng mom ko. Halika dito. [wink emoji].”


CHAD AND SUPPORTERS REACT
Samantala, mas marami ang nagpakita ng suporta kina Chad at Nikko.
Marami ang positibo ang feedback sa apprection post ni Nikko para sa boyfriend na si Chad.
Ipinahayag dito ni Chad ang pasasalamat at pagmamahal para kay Nikko.
Komento ni Chad: "This means a to me babe. Thank you for being proud and accepting me. Thank you for coming into my life."
Sumang-ayon din siyang hindi nila hahayaan ang sinuman na nais sumira ng kanilang relasyon.

Kabilang sa nagkomento at sumuporta kina Chad at Nikko ay sina Ogie Diaz at Kaladkaren.
Biro ni Ogie, ang “haba ng hair” ni Chad at nais daw niya itong sabunutan.
May pangungulit din si Kaladkaren, pero binati nito si Chad sa kanyang bagong love life.


Nagpaabot naman ng pasasalamat si Nikko sa mga nagpahayag ng suporta sa kanila ni Chad, at tiniyak na tunay silang nagmamahalan.

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
