Mukhang inunahan na ni Melissa Ricks ang body-shamers sa kanyang post sa Instagram noong Lunes, July 5.
In-upload ng aktres ang kanyang TikTok video kung saan umiinom siya ng slimming coffee.
Sa caption, ibinahagi niya ang kagandahang maidudulot ng iniinom na kape.
View this post on Instagram
Sa video, maririnig na may nagsasalitang babae kung saan nili-lip sync ni Melissa ang sagot nito.
Ayon sa babaeng nagsasalita sa TikTok video, “Hala ‘Day, bakit tumataba ka na naman?”
Kunyaring tugon ni Melissa, “Aba siyempre, pagkain kasi ang binabantayan ko, hindi buhay at katawan ng iba.”
Marami ang natuwa sa video ni Melissa.
Pero may nagbiro namang netizen at tinanong din siya ukol sa kanyang pagtaba.
Sabi ng netizen, “O nga. bat ka tumaba ulit?”
Sagot ni Melissa, ayaw kasi niyang gutumin ang kanyang sarili.
Aniya, “masaya ako, and i dont starve myself anymore. [face with a slight smile shown winking]”
Hindi pa rin siya tinigilan ng netizen.
Sagot nito sa aktres, “weh?kung san ka masaya suportahan tika.lol”

Hindi na sinagot ni Melissa ang nagkomento.
Noong August 2020, nauna nang sinagot ni Melissa ang isang basher na tinawag siyang “elepante.”
Hindi nagpaapekto si Melissa sa masamang tabas ng dila ng nasabing netizen.
Sagot niya sa basher, “Hayaan mo na. Maganda naman un elepante."
Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
