PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jinky Oda now working as security personnel in San Francisco

In the U.S., Jinky Oda worked as a caregiver on her first year, then later joined a security agency.
by Bernie V. Franco
Published Jul 10, 2021
Former comedienne Jinky Oda has been living in the U.S. for four years, and has now decided to stay there for good. She currently works as security personnel in San Francisco, California.
PHOTO/S: YouTube (The WANDER Moms)

Apat na taon nang naninirahan sa Amerika ang dating komedyanteng si Jinky Oda.

Kasalukuyan siyang nagtatrabaho bilang security personnel sa isang security agency sa San Francisco, California.

Si Jinky—o Jacque Oda sa totoong buhay—ay nakilala bilang Bale sa fantasy TV series na Okay Ka, Fairy Ko (1989-1997).

Sa mga nagtatanong kung bakit “Bale” ang pangalan niya sa series, ikinuwento ni Jinky na ang talagang pangalan niya dapat sa serye ay Valentina.

Pero binago raw ito ng lead star na si Vic Sotto, na gumanap bilang si Enteng Kabisote.

Pag-alala niya, “Sabi ni Vic Sotto, ‘Naku, pa-Vale-Valentina ka pa, Bale lang naman ang pangalanan mo,’ so that’s how it started.”

Nakipagkuwentuhan si Jinky noong July 4, 2021 sa YouTube channel nina LJ Moreno at Rufa Mae Quinto na The WANDER MAMAS.

Nagkita-kita ang tatlo sa Castro, San Francisco, California kamakailan.

Dito naikuwento ni Jinky na naging caregiver muna siya noong unang taon niya sa San Francisco, at may tumulong sa kanyang makapasok sa security agency.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

COMEDIAN JINKY ODA’S FIRST YEARS IN THE U.S.

Pag-amin ng komedyana, na-culture shock siya noong unang taon niya sa Amerika.

Aniya, “First year ko dito, the whole year culture shock siya. Kasi walang tao. Nasa’n ang tao?

"Kapitbahay mo nga, di mo kilala. Walang tao, walang kausap. Ang diyos nila rito, trabaho.”

Malayong-malayo raw ito sa buhay sa Pilipinas na kanyang nakagisnan.

Sabi pa ni Jinky, napagtanto niyang maging independent sa lahat ng gagawin nang tumira sa Amerika.

“Dito sa Amerika ang kamay mo dapat octopus,” hirit niya.

Sa tulong daw ng kanyang kapatid doon, napasok muna siya bilang caregiver.

Malaki ang pasasalamat niyang nakahanap siya ng trabaho.

“Marami siyang kilalang mga Pilipino na mayayaman na may facilities.

“Dahil wala pa nga akong papers at that time, parang ano lang ako, on-call caregiver. Pag walang caregiver na pumapasok, ako yung parang nagfi-fill in.

“Okay naman. Kesa naman sa nganga,” lahad ni Jinky.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inamin din niyang naging mahirap ang trabaho dahil wala pa siyang sasakyan noon at bumibiyahe nang malayo sa pagpasok.

Isang araw daw, may isang local na lumapit sa kanya.

Pagbabalik-tanaw niya, “Meron akong nakilalang guy na local security guard.

“Lumapit lang siya sa ‘kin. Siyempre, to be polite, ngumiti lang ako.

“Biglang lumapit, nagpakilala. To make the long story short, siya nagpasok sa akin sa security [office] field.”

Paglalarawan ni Jinky sa kanyang work designation, “May training. More on video training. Di naman parang… actually, kasi I don’t carry guns.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Answered prayer daw na binigyan siya ng uri ng trabahong gusto niya.

Sabi niya, “Actually, pinag-pray ko, ‘Lord, bigyan mo naman ako ng work na hindi masyadong stressful.‘

“True enough, favor lang, konting training lang, 'tapos kuha lang ako ng lisensiya.”

Sa designation daw niya, hindi niya kailangang magdala ng baril.

Paglilinaw niya, “Kung meron kang gun na dala, medyo stressful, kasi you have to really be, like, alert.”

“Iba ang trabaho ng security sa police. Sa sector namin, medyo mababa lang ang uri na pag alagad.”

STAYING FOR GOOD

Pag-amin ni Jinky, noong una ay hindi raw niya makita ang sariling mamalagi sa U.S.

Pero nagbago na raw ang plano niya at gusto na niyang doon na tumira kasama ang kanyang unico hijo, na 26 anyos na ngayon.

Sa U.S. ipinanganak ni Jinky ang kanyang anak, pero pinalaki niya ito sa Pilipinas.

Nang tumuntong ng 16 anyos ang anak, lumipad na ito sa U.S. at doon na namalagi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung anak ko, tinanong ako, ‘Mom, how do you see yourself in the U.S.?’ Siyempre, napaisip ako because at that time meron pa akong sitcom na Vampire Ang Daddy Ko (2013-2016).

“Nag-isip muna ako kasi, sa totoo lang, hindi ko makita ang sarili ko sa Amerika. Not until this moment; ito na yung buhay ko,” sabi ni Jinky.

Ang long-term plan daw ni Jinky ay makasama ang anak na pamilyado na. Sa kasalukuyan, may inaayos raw kasi sila at nakatira ang anak sa Florida.

Isang taon na ring single ngayon si Jinky dahil hindi nag-work ang pakikipagrelasyon niya roon.

Nami-miss pa ba niya ang Pilipinas?

“Siyempre naman,” mabilis na sagot ni Jinky. “Kung uuwi, parang ang babalikan mga friends, ‘tsaka yung buhay mingle with people.”

Pero desidido na raw siyang manirahan sa Amerika.

Pahayag ng dating komedyante, “Dito na ako talaga. Andito ang anak ko.

“Maganda yung trabaho [ko]. Ito ang magiging buhay ko na for the rest of my life. Kailangan i-accept.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former comedienne Jinky Oda has been living in the U.S. for four years, and has now decided to stay there for good. She currently works as security personnel in San Francisco, California.
PHOTO/S: YouTube (The WANDER Moms)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results