PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angel Locsin firmly loyal to ABS-CBN

Angel Locsin iterates loyalty to ABS-CBN.
by Bernie V. Franco
Published Jul 10, 2021
Angel Locsin on staying a Kapamilya: "Nandito lang ako kasi hindi ko kayang iwan yung mga kaibigan o kapamilya."
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram

Mananatili raw si Angel Locsin sa ABS-CBN at hindi iiwan ang home network bagama’t isang taon na ang nakalilipas mula noong pagkaitan ito ng prangkisa ng 70 kongresista.

Sabi ni Angel, hindi niya kayang iwan ang kinabibilangang network lalo pa’t patuloy itong may pinagdaraanan.

“Stay ako dito kasi iyon ang tingin ko na tama. Nandito lang ako kasi hindi ko kayang iwan yung mga kaibigan o kapamilya,” pahayag ni Angel sa interview ng ABS-CBN reporter na si Jeff Canoy.

“Hindi mo naman sila iiwan habang naghihirap, di ba? Habang may pinagdadaanan, hindi mo iyan iiwan kapag mahalaga sa’yo,” sabi pa ng aktres.

“Habang may pinagdadaanan yung ABS-CBN, nandito lang ako.”

Katatapos lamang ng Kapamilya public service program ni Angel na Iba ‘Yan. At kahit wala pang kasunod na proyekto, mananatili siya sa ABS-CBN.

“It doesn't mean na nakikita mo akong araw-araw, pero I am a Kapamilya pa rin. Nandito lang ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang mahalaga raw ay may ipon pa naman siya at kaya pa ring suportahan ang mga mahal sa buhay.

Aniya, “Okay pa naman ako. Hindi ako mayaman na mayaman. Wala po akong ganoon.

“Siguro, yung years na pinagkatiwalaan ako ng tao, kahit paano may ipon din naman.

“May kaunting investment. Kaya pa naman mag-survive ng pamilya ko doon.”

Malaki ang pasasalamat ni Angel na may iba pa siyang pinagkakakitaan.

“Sa ngayon, puwede naman tayong mag-YouTube, may mga endorsement.

“Siyempre ikakasal din ako, so asikasuhin ko muna yun, di ba?

“May mga bagay muna na siguro na kailangan muna pagtuunan ng pansin pero nandito lang ako.

“Nandito lang ako,” paniniyak niya.

Kasunod nito, nagdagdag ng pahayag si Angel kaugnay ng ibang Kapamilya artists na nagdesisyong umalis ng ABS-CBN.

May mga talents kasi ang Kapamilya network na nagdesisyong lumipat ng management o kaya ay lumipat sa ibang TV networks.

Sabi ni Angel, hindi niya hinuhusgahan ang mga ito at nauunawaan niya ang kanilang pinanggagalingan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng aktres, “I-add ko lang na wala akong judgment sa mga kailangang lumipat.

“Naiintindihan ko at alam ko na kailangang kumayod para mabuhay.

“Lahat tayo may iba-ibang pinagdadaanan.

“At masaya ako kung makahanap sila ng ibang trabaho sa panahong ito at iyan din naman ang gusto ko—ang nasa maayos na kalagayan ang lahat.

“Ito lang ang naaangkop para sa akin,” ani Angel tungkol sa pananatiling Kapamilya.

Bagamat isang taon na ang nakalilipas mula nang i-shut down ang ABS-CBN, umaasa raw si Angel na makakabilik ito sa himpapawid.

“Lahat naman ay may struggles, di ba? Pero lahat nagtatapos, di ba?” anang aktres.

“Baka mabigyan ng pagkakataon na mapakita at maayos kung anuman ang mga dapat ayusin.

“Naniniwala talaga ako dahil iba rin ang clamor ng mga tao. Maraming nakaka-miss.”

CELEBS EXPRESS SUPPORT FOR ABS-CBN

Samantala, bilang pag-alala sa unang anibersaryo ng pag-reject ng franchise renewal dng Kapamilya network, nagpahayag ng suporta ang ilang talent ng TV network.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tweet ni Anne Curtis: “Love you my ABS-CBN FAMILY”

“Andito pa rin ang ating pamilya dahil sa pagmamahal natin sa isa’t isa,” tweet naman ni Kim Chiu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Madamdamin naman ang tweet ni Bianca Gonzalez na muling nakatapak sa ABS-CBN pagkatapos ng isang taon.

Ipinost ng Kapamilya host ang Vision and Mission code ng network.

Caption ni Bianca: “Unang beses kong makapunta ulit para sa taping pagkatapos mawalan ng prangkisa nang kunan ko ang litratong ito.

“Isang taon nang nakalipas nan parang mas lalong naukit sa aming lahat ang mga nakasulat dito.

“Ang mga rason kung bakit mahal na mahal namin ang aming tahanan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin on staying a Kapamilya: "Nandito lang ako kasi hindi ko kayang iwan yung mga kaibigan o kapamilya."
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results