Binalikan ni Heart Evangelista ang nakakakilig na chance encounter niya sa asawang si Sorsogon governor Chiz Escudero.
Sa Instagram stories ngayong hapon, July 11, nag-post si Heart ng kanyang picture galing sa isang trip noong 2009.
Dito niya kinuwento ang pagkakataong nakita niya si Chiz noon sa airport.
Aminado si Heart na noon pa man, bago pa sila naging magkarelasyon, ay may crush na siya kay Chiz.
Sabi niya sa caption (published as is), "I remember this trip so well I think I was 24. I saw @escuderochiz at the airport Smoking section ! I didn't care if it was stuffy I totally waited there for my flight."
Sinabi pa niyang "snob" daw noon si Chiz na nagla-laptop lang habang naghihintay.
Pero pagbitin ni Heart sa kanyang kwento, "Little did I know..."

Sa sumunod na story, ipinost ni Heart ang isang tweet ni Chiz dated December 6, 2009.
Nakita rin pala ni Chiz si Heart sa airport noong panahong iyon.
Tweet ni Chiz, "Already at the airport and guess what... Heart Evangelista is here!! :-)"
Sabi ni Heart, hindi raw niya ito alam hanggang sa may nag-send ng screenshot ng tweet ni Chiz sa kanya noong kasal na sila.

Sa sumunod na story pa, nagpost si Heart ng litrato nila ni Chiz.
Biro ni Heart, "Malay mo Malay natin... Malaysia!"
Hanggang ngayon daw, kinikilig pa rin si Heart kay Chiz.
Sabi niya, "Yes. I'm still kilig. Wag ka Lang niya mahuli nagshoshopping- Wala na kilig. Charaught."

September 2012 nang unang inamin ni Heart na nagde-date sila ni Chiz.
Ikinasal sila noong February 15, 2015 sa Balesin Island.
Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
