Kilig moment—Dominic Roque to rumored girlfriend Bea Alonzo: “i*y”

by Arniel C. Serato
Jul 13, 2021
Dominic Roque kilig message Bea Alonzo
Netizens get kilig vibes over Dominic Roque's "romantic" message on Instagram to rumored girlfriend Bea Alonzo.
PHOTO/S: Courtesy: @dominicroque / @beaalonzo on Instagram

Nagpahiwatig ba ng kanyang pagmamahal si Dominic Roque sa rumored girlfriend niyang si Bea Alonzo?

Sa Instagram post ng aktres ngayong Martes ng gabi, July 13 (oras sa Pilipinas), nagbahagi si Bea ng larawan niya na kuha sa Malibu, Los Angeles, California.

Caption lang niya rito ay “cherries emoji.”

View this post on Instagram

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Unang nagkomento sa post ng bagong Kapuso ang napapabalitang kasintahan na si Dominic.

Sabi ng aktor, “i*y. [face winking with puckered lips blowing a kiss, depicted as a small, red heart emoji]”

Continue reading below ↓

Kinakiligan ito ng maraming netizens dahil sa paniniwalang ang ibig sabihin ng komento ni Dominic ay “I love you.”

Umabot kaagad sa walong libo ang likes sa comment ng aktor pagkalipas lamang ng apat na oras.

Sa comments sa thread ng sinabi ni Dominic, puro kilig ang pahiwatig ng netizens.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Magkasamang nagbakasyon sa California ang rumored couple, pero hindi pa sila umaamin sa real score between them.

July 6 sabay na dumating sa Los Angeles, California, ang dalawa. Spotted naman sila ng ilang Pinoy doon, at meron pang naki-selfie sa kanila.

Sa kani-kanilang Instagram accounts, puro solo pictures lamang ang kanilang pinu-post sa mga lugar na pinapasyalan nila sa California.

Continue reading below ↓

View this post on Instagram

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Matagal nang usap-usapan ang romantikong relasyon ng dalawa, ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring direktang pag-amin mula sa kanila.

Tatlong taon ang pagitan ng edad nila: si Bea ay 33 at si Dominic ay 30.

Sa contract signing ni Bea sa GMA Network noong July 1, sinabi niyang magbabakasyon muna siya bago sumabak sa kabi-kabilang proyekto sa Kapuso network.

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens get kilig vibes over Dominic Roque's "romantic" message on Instagram to rumored girlfriend Bea Alonzo.
PHOTO/S: Courtesy: @dominicroque / @beaalonzo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results