Hindi pinalampas ng dating TV host na si RR Enriquez ang isang netizen na pumuna sa kanyang English at minura siya.
Sa screenshot na ibinahagi ni RR sa Instagram ngayong araw, July 14, ipinakita niya ang komento na pinagmulan ng pamba-bash sa kanya.
Mababasa sa screenshot ang sinabi niyang “I must say that you handle it in a very classy way!! You are the definition of ‘The One That Got Away.’”
Nag-reply rito ang bastos na basher: “NAMOKA RR. NAWALA KALANG SA WOWOWEE, NATUTO KANA MAG ENGLISH.”
Nasira raw ang mood ni RR sa nabasang komento kaya ipinost niya ito sa Instagram.
Sabi ni RR sa caption, “Kakagising ko lang so pasikatin ko itong abnoy na ito [face with tears of joy emoji]
“Bigyan ng KAPE _____ si ______."
Banat pa niya, “Thank you kasi kahit papaano nagalingan ka na sa English ko kahit super basic ng sinabi ko!!
“Pero naniwala ako na sarcastic yan, and hindi pamumuri since minura mo pa ako.
“First of all stop being so stupid! My Wowowee ‘Tanga tangahan sa English’ 14 years ago was just a joke my gosh!
“But thank you if sobrang napaniwala ko kayo [face with tears of joy emoji]
“Should I say that 'I am an effective comedienne?!!?'"
Ayon pa kay RR, hindi naman talaga siya seryoso sa pagsasalita ng English noon.
“Well bata pa lang ako I love to make fun of myself (to make people happy) I want to entertain them by simply doing stuff na nakakatawa!
“I’m not saying that I was eloquent in English before. Pero hello basic natin yan, nag aral naman ako sa private school nung high school ako (Hello sa lahat ng mga taga Del Pilar Academy) Ako pala yung inexpell nyo Char.
"So kahit papaano naturuan naman kami ng English dun.”
“BOBITA AKO SA ENGLISH”
Inamin ni RR na mahilig siyang mag-cutting classes noon kaya hindi nahasa ang kanyang pagsasalita ng English.
Pero naging tulay raw ito upang mabigyan siya ng tsansa sa showbiz industry.
Saad niya, “Although mas priority ko ang mag cutting classes kaya siguro hindi din naging straight magaling ang English ko CHAR.
“Yung mga simpleng ‘I’m don’t know’ ko kay Kuya Wil na in reality is I don’t know, super basic kahit 2 years old alam yun.
“If napaniwala ko kayo ok ang galing ko atleast because of that nagkaroon ako ng chance maging host and madala sa US for a show then ok lang kahit isipin nyo na bobita ako sa English.
“And if ikakayaman ko ang pagiging bobita sa English I will do it over and over again.”
Aniya pa, may mga taong magaling ngang mag-English pero wala namang pera. May mga kilala raw siyang ganun.
Sabi ni RR, “Ang dami ko kilalang eloquent sa English but walang pera (no offense) so hindi batayan ang pagalingan sa English lalo ngayong pandemic.
“Mapapakain ba ako ng galing ko sa English na yan?
“So please don’t belittle someone na hindi magaling mag English!
"And don’t make fun of someone na trying hard mag English because they want to learn and improve..
“I admit hindi naman ako talaga super galing mag English but everyday I try harder para mag improve! Practice makes perfect.”
Sabi pa niya, “And if hindi ako marunong so what? Pero yung murahin nyo ako for that? Yan ang nagbigay ng bahay, lupa, business, travel abroad with my family at napagtapos ko mga kapatid ko sa pag aaral because of that bobita sa English.
“So please stop bashing someone na hindi magaling sa English!!!”
View this post on Instagram
Pitong taon na la namung mamahinga sa showbiz si RR at nakatuon na ang kanyang pansin sa kanyang mga negosyo.
Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
