Pumanaw na ang stand-up comedian na si Hans Mortel ngayong araw, July 14.
Si Hans ay dati ring co-host ni Amy Perez sa Face to Face ng TV5.
Siya ang tagakuha ng mga mga hinaing at komento ng audience ng show na kung tawagin ay “sawsawero’t sawsawera.”
Inanunsiyo ng kapatid ni Hans ang pagpanaw nito sa pamamagitan ng Facebook.
Sabi ni Jean Mortel Chupungco, tatlong buwang nakipaglaban si Hans sa hindi tinukoy na sakit sa ospital.
Pero hindi na rin nito nakayanan pa ang medikasyon.
Mensahe ni Jean: “Gone too soon! You fought a hard battle. Thank you for giving it your all.
“I know you tried so hard for us. It’s ok, you fought for 3 months. We fought the battle with you.
“And now you can rest in peace. I will be comforted by the thought that you’re with Papa and Mama Azon now.
“And you’re face to face with our Lord. It hurts so bad, to let you go, but you deserve to rest. Know that we love you and we always will.”
Nagpaabot na rin ng pakikiramay sa Twitter ang dating kasamahan ni Hans sa TV5.
Ang huling post ni Hans sa Facebook ay larawan ng kanyang dalawang kamay na may suwero, noong June 12.
Sabi niya sa caption: "pink or blue before going to the ICU"
Wala pang ibang detalye sa kung ano ang sanhi ng pagkaospital at pagpanaw ni Hans.
Si Hans ang discoverer ng TV host-comedian na si Vice Ganda.