PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Andrea Torres confirms she is now dating

"May mga date-date naman, pero...Wala pa yung relationship talaga."
by Bernie V. Franco
Published Jul 17, 2021
Andrea Torres confirms she is now dating: “I want to take my time to get to know the person talaga."
PHOTO/S: @andreaetorres on Instagram

Kinumpirma ni Andrea Torres, 31, na nasa dating stage ang estado ng kanyang love life.

Kuwento niya tungkol sa kanyang idine-date: “I want to take my time to get to know the person talaga.”

Inusisa ang lagay ng puso ni Andrea sa exclusive interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Biyernes, July 16, 2021.

May iniuugnay kasi sa kanyang foreign billionaire sa mga gossip sites, pero paglilinaw ni Andrea, fake news ang mga ito.

Sabi ni Andrea, “Hindi ko rin alam kung saan siya galing.

“Naka-focus lang ako sa work. Ever since talaga natapos yung ano, yung lockdown natin, talagang since September [2020], iyon, nagwo-work na ako.

“So, wala pa naman.”

Saka idinagdag ng Legal Wives actress na open na siya sa pakikipag-date.

Dugtong ni Andrea, “Actually, wala pa kasing time."

Bagama't limitado, may oras na raw siyang makipag-date.

“Wala pa kasing time to go out masyado and to meet people.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Though pag may chance naman ako, pag nakakauwi ako in between lock-in [taping], iyon, open naman ako na nag-meet ng mga tao.”

Sundot namin, may nagpaparamdam ba sa kanya?

Sagot ni Andrea, “Meron naman pong ano… may mga date-date naman, pero wala pang ano talaga...

“Wala pa yung relationship talaga.

“I want to take my time to get to know the person talaga,” paliwanag niya.

Nag-follow up kami kung "ready" na ba siya.

Ito ang isinagot ni Andrea: “Na ikasal? Uhm, pag dumating, feeling ko naman po mapi-feel ko naman siya.

“Mapi-feel ko naman pag tama na yung timing.

“Pero ngayon, more of work talaga. Nai-inspre talaga ako sa work.

“Pero pag may time, I’m sure naman pag tinanong ka or kapag nandun na yung chance, mapi-feel mo naman if it’s the right thing to do.”

Walong buwan na ang nakalilipas nang kumpirmahin ang breakup ni Andrea sa dating showbiz boyfriend na si Derek Ramsay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang taon ang itinagal ng kanilang relasyon.

GREATEST LESSON IN LOVE

Tinanong din ng PEP.ph si Andrea kung ano ang pinaka-importanteng natutunan niya pagdating sa pag-ibig.

Ang sabi ng 31-year-old star, sa kabila ng kanyang failed relationships, hindi naapektuhan ang views niya tungkol sa relationships.

“Kasi one hundred percent lang ako all the time, parang gano’n.

“Kahit mag-work man o hindi mag-work, parang feeling ko ganun pa rin ang magiging tingin ko sa love.

“The next time na ma-in love ako, one hundred percent pa rin naman yung ibibigay ko,” hayag ni Andrea.

All-out pa rin daw siya pagdating sa pagmamahal.

"Parang I just come in into a relationship as myself, so titingnan mo na lang kung para kayo talaga sa isa’t isa or hindi.

“Never naman iyon ako yung parang porke’t may na-experience ako or hindi nag- work out, yung parang hindi na ‘ko naniniwala or medyo nag-lessen yung paningin ko sa love.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Hindi naman. Ganun pa rin naman,” aniya tungkol sa kanyang pananaw sa pag-ibig.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrea Torres confirms she is now dating: “I want to take my time to get to know the person talaga."
PHOTO/S: @andreaetorres on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results