Shaira Diaz thankful for fourth year as Kapuso contract star

by Rommel Gonzales
Jul 18, 2021
Shaira Diaz on her fourth year as Kapuso contract star: "Siyempre sobrang nagpapasalamat ako, kasi ever since nag-start po ako nung 2018 with them, ang gaganda po ng mga projects na inilatag sa akin at pinagkatiwala sa akin."

Kahit may mga artista mula sa ibang istasyon na nagsisilipat sa GMA-7, hindi pinababayaan ng Kapuso network ang kanilang mga artists.

Sa katunayan, sunud-sunod ang renewal kamakailan ng GMA sa kanilang mga contract stars tulad nina Arra San Agustin, David Licauco, Christian Bautista, Shaira Diaz, Max Collins, Ervic Vijandre at Andrea Torres.

Kaya naman labis na ikinatuwa ni Shaira na sa ikaapat na taon ay Kapuso pa rin siya.

Pag-amin niya, "Iyon nga po, e. Nagulat din po ako!

"I mean, nakakatuwa, ang sarap po sa pakiramdam na ni-renew po nila ako.

"Siyempre sobrang nagpapasalamat ako, kasi ever since nag-start po ako nung 2018 with them, ang gaganda po ng mga projects na inilatag sa akin at pinagkatiwala sa akin.

"Especially yung Love You Two po with Jennylyn tapos nakasama ako sa love triangle nila ni Kuya Gabby."

Umere sa GMA noong April 2019 ang Love You Two kung saan bida sina Jennylyn Mercado, Shaira at Gabby Concepcion.

Continue reading below ↓

Pagpapatuloy niya, "So dun pa lang, naramdaman ko na pinagkakatiwalaan nila ako.

"Kasi para maisama ka dun as third wheel, naging mag-boyfirend-girlfriend kami ni Sir Gabby, tapos ate ko si Jennylyn, ang sarap sa pakiramdam, sobrang nagpapasalamat po ako sa GMA."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang members ng entertainment media si Shaira sa online mediacon via Zoom nitong July 7 para sa renewal ng kontrata ng dalaga sa GMA.

SHAIRA ECSTATIC OVER EDSA BILLBOARD

Samantala, nabanggit namin kay Shaira na nakita namin sa Instagram posts niya ang labis niyang katuwaan tungkol sa billboard niya sa EDSA na itinayo noong Mayo para sa Bench Skin Expert kung saan napapagitnaan siya nina Richard Yap at ng Pambansang Kamaong si Senator Manny Pacquiao.

Banggit nga namin kay Shaira, hindi lahat ng artista ay pinapalad na magkaroon ng billboard, partikular na sa parte na iyon ng EDSA.

Pagsang-ayon niya, "Iyon nga po, e! Si Pacman pa po yung ano.

Continue reading below ↓

"Sobrang saya rin po, dream come true po yun kahit nung bata pa lang ako, nag-i-start pa lang ako as commercial model sa mga TV commercial.

"So iyon, isang malaking bagay na mailagay ka, kasi parang pag EDSA/Guadalupe, parang iyon yung major na billboard, e.

"So dream come true po talaga yun. Sobrang nagpapasalamat din po ako siyempre sa Bench family ko kasi nilagay nila ako dun, napili nila akong ilagay.

"Na parang hindi ko akalain na anytime sooner na mailalagay ako dun.

"Sobrang nagpapasalamat po ako, parang sabi nila na parang, hindi kumpleto yung pagiging artista mo kung hindi ka mabi-billboard doon, so it's an honor po na mailagay doon."

SHAIRA EXCITED WITH NEW FANTASERYE

Malapit nang mapanood si Shaira sa Lolong ng GMA kunsaan sila nina Ruru Madrid, Arra San Agustin at Christopher de Leon ang mga bida.

Dahil tungkol ito sa kuwento ng isang higanteng buwaya, itinanong namin kay Shaira kung may eksena ba siya na may kasama siyang totoong buwaya.

Continue reading below ↓

Lahad niya, "Ang alam ko po wala namang totoong buwaya sa Villa Escudero pero siguro kung meron man at medyo malayo, okay lang.

"Na kunyari lalakad lang, pero kung hahawakan parang siyempre kailangan yung safety muna natin.

"Pero meron po kaming malaking Lolong, animatronics. Iyon po, sobrang laki niya.

"Mostly iyon po ang kaeksena namin, yung malaking buwaya na yun.

"Excited po ako kasi first time ko na ang co-actor ko ay isang buwaya na parang robot, na pinapagalaw nila."

Kung totoong buwaya ang ipapahawak kay Shaira, papayag naman daw siya.

"Siguro mabilis lang po," at tumawa ang Kapuso actress.

"Mabilis lang po, siguro bandang buntot lang, huwag na po dun sa bibig.

"Buntot lang at likod, medyo matapang naman po ako sa animals, pag nakatalikod lang siya, huwag lang siyang haharap."

Nabago raw ang role niya sa Lolong. Noong una ay gaganap dapat siya sa kanyang role bilang isang assassin, pero hindi na raw ito natuloy.

Continue reading below ↓

"Major change po siya so nawala na po yung assassin na role.

"So ngayon po, ako dito si Elsie na simpleng tao lang—walang powers, pero matapang, one of the boys and may paninindigan po."

SHAIRA VERY HAPPY WITH LOVE LIFE

Hindi naman nagdamot si Shaira na sumagot nang tanungin namin tungkol sa kanyang personal life.

Gaano kasaya ang personal niyang buhay on a scale of 1-100 percent?

"One hundred percent! Masayang-masaya po, masayang-masaya.

"Stable pa rin po, ganun pa rin, happy pa rin kami ni Edgar, pareho kasi kaming may shows so nakakatuwa kasi parehas kaming busy kahit na pandemic.

"Priorities lang po talaga, e."

Boyfriend ni Shaira si Edgar Allan Guzman na napanood naman kamakailan sa Heartful Café nina Julie Anne San Jose at David Licauco.

SHAIRA BARES POST-PANDEMIC TRAVEL PLANS

And speaking of the pandemic, kapag natapos na ito, saan unang gustong pumunta ni Shaira at bakit?

Mabilis niyang sagot, "Sa US. Gusto ko po ulit bumalik sa US para kasing gusto ko na siyang maging ano, parang every year gusto ko nakakapagbakasyon ako sa US kasama yung mga tita ko, yung family ko dun.

Continue reading below ↓

"So iyon po, after the pandemic siguro sa US po ulit."

Nitong nakarang taong 2020 ay hindi raw siya nakapagbakasyon sa Amerika dahil nga sa pandemya, kaya umaasa si Shaira na late this year o sa taong 2022 ay makabalik siya doon.

May mga kamag-anak daw siya sa Virginia at sa San Francisco, California.

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Shaira Diaz on her fourth year as Kapuso contract star: "Siyempre sobrang nagpapasalamat ako, kasi ever since nag-start po ako nung 2018 with them, ang gaganda po ng mga projects na inilatag sa akin at pinagkatiwala sa akin."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results