PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Hipon Girl bashers call her "feeling sikat"

Hipon Girl defends self from criticisms.
by Bernie V. Franco
Published Jul 26, 2021
TV personality Herlene Budol reacts to critics who say she got her comeuppance. They say she was acting and "feeling sikat" because of her short stint as co-host in Wowowin. In a recent YouTube video, Herlene, a.k.a. Hipon Girl, reveals that she has hit rock bottom financially.
PHOTO/S: YouTube (Celestine Gonzaga-Soriano) / @herlene_budol on Instagram

Ipinagtanggol ni Herlene “Hipon Girl” Budol ang sarili laban sa mga batikos na ipinupukol sa kanya pagkatapos niyang ipagtapat na ubos na ang ipon niyang pera.

Sa interview niya sa YouTube channel ni Toni Gonzaga, inamin ni Herlene na kapos na kapos na siya ngayon matapos ng kanyang Wowowin stint.

Inamin ni Herlene na naging kampante siya nang maging co-host ni Willie Revillame.

Tanggap nga naman ang brand of comedy niya roon at nagtagal siya roon ng dalawang taon.

Pero dahil sa pandemya, natanggal siya sa game show, kasama ang ilan pang empleyado.

Sinubukan din daw ni Herlene magnegosyo sa gitna ng pandemya, pero hindi siya nagtagumpay.

Hindi naman lahat ng netizens ay naantig sa malungkot na sinapit ni Herlene.

Merong mga sinisisi siya sa kanyang sinapit.

Sa kanyang Instagram Story ngayong Lunes ng hapon, July 26, ibinahagi ni Herlene ang ilang negatibong komento ng netizens.

Tinawag siya ng mga itong “feeling sikat” at “kala mo kung sino sikat na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinuna rin siya dahil hindi pumatok ang dalawang negosyong pinasok niya.

Komento ng isa, dapat daw ay magpasalamat si Herlene dahil kahit paano ay nabiyayaan pa siya.

Naiyak si Herlene sa panayam sa kanya ni Toni dahil sa kanyang pinagdaraanan sa buhay, pero hindi raw siya nagrereklamo.

Alam daw niyang hindi lang siya ang dumaraan sa pagsubok ngayong may pandemya.

Reaksiyon ni Herlene sa mga pambabatikos sa kanya (published as is): “KAYA PO AKO NAG KWENTO KASE PO TINANONG PO AKO

“KAYA PO AKO UMIYAK KASE NAKAKAIYAK PO

“KAYA NAMAN PO AKO NAG NEGOSYO KASE NAG TRY PO AKO PERO LUGI.”

AT ARAW ARAW PO AKO NAG PAPA SALAMAT SA KUNG ANONG MERON PO AKO

“SANA PO PINANOOD NYOPO NG BUO AT DI PO AKO NAG REREKLAMO KASE ALAM KONG HINDI LANG PO AKO ANG NAAPEKTUHAN NG PANDEMIC GODBLESS”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibinahagi rin ni Herlene ang komento ng isang netizen na nakisimpatiya sa kanya.

Sabi rito, hindi alam ng lahat kung ano ang mga pahirap sa buhay ni Herlene at dapat daw magpasalamat na lamang sa lahat ng biyaya malaki man o maliit.

HERLENE THANKFUL TO TONI

Emosyunal naman ang mensahe ni Herlene kay Toni at sa pamilya nito.

Naantig si Herlene sa pagmamagandang loob sa kanya ni Toni. Lahat kasi ng kikitain ng YouTube video ni Toni na kasama si Herlene ay mapupunta lahat sa dating Wowowin co-host.

Ipinalabas ang interview ni Toni kay Herlene nitong Linggo, July 25, 2021. At this writing, mayroon na kaagad itong halos three million views.

Pinasalamatan din ni Herlene ang mga magulang nina Toni at Alex.

“’Tsaka Mommy Pinty, ‘tsaka kay Daddy Bonoy, dahil sila yung nanay tatay.

“Sana po huwag kayong mamatay. I love you po,” mensahe ng umiiyak na si Herlene.

Sa isa pang post ay sinabi ni Herlene na ang ibibigay sa kanyang kita ni Toni ay ipagpapagawa ng bubong ng kanilang bahay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TV personality Herlene Budol reacts to critics who say she got her comeuppance. They say she was acting and "feeling sikat" because of her short stint as co-host in Wowowin. In a recent YouTube video, Herlene, a.k.a. Hipon Girl, reveals that she has hit rock bottom financially.
PHOTO/S: YouTube (Celestine Gonzaga-Soriano) / @herlene_budol on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results