PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angeline Quinto says she owes her dream house, good life to ABS-CBN

Angeline Quinto: "Napakalaki ng utang na loob ko sa kanila..."
by Melba R. Llanera
Published Jul 27, 2021
Angeline Quinto on ABS-CBN giving her the opportunity to perform abroad: "Dun ako nakapag-ipon para maipatayo itong dream house namin ni Mama. Napakaraming pangarap ko na natupad, may mga pangarap ako na di ko talaga maisip na magagawa ko pala talaga sa tulong ng ABS-CBN."
PHOTO/S: @loveangelinequinto Instagram

Utang na loob at loyalty ang mga rason ni Angeline Quinto kung bakit sa kabila ng paglipat ng ibang Kapamilya artists sa ibang istasyon ay nanatili pa rin siya sa ABS-CBN.

Napakalaki raw ng naitulong ng ABS-CBN para mabago ang buhay niya at marating ang pangarap maging singer-actress.

"Siyempre kahit sabihin natin na walang prangkisa ang ABS CBN ngayon, ito kasi ang tahanan na hindi tumalikod sa akin nung nag-uumpisa ako," saad ni Angeline sa ulat ng Cinema News noong Biyernes, July 24.

Dugtong niya, "Napakaraming naitulong ng ABS sa sarili ko at sa pamilya ko.

"Lagi kong sinasabi 'yan sa mga tao, na kung hindi dahil sa ABS-CBN, baka di rin ako nabigyan ng pagkakataon na mag-show sa ibang bansa, na mabigyan ng maayos na buhay ang Mama Bob."

Ang tinukoy ni Angeline na "Mama Bob" ay ang pumanaw niyang adoptive mother na si Sylvia Quinto.

Hindi raw siya makakapagpatayo ng sariling bahay kundi dahil sa mga proyekto niya sa Kapamilya Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad ni Angeline, "Ever since naman, right after kong manalo ng Star Power, naging regular ako ng ASAP.

"Simula dun, dun din ako nabigyan ng chance na makapag-show abroad at dun ako nakapag-ipon para maipatayo itong dream house namin ni Mama.

"Napakaraming pangarap ko na natupad, may mga pangarap ako na di ko talaga maisip na magagawa ko pala talaga sa tulong ng ABS-CBN."

Taong 2011 nang unang sumabak sa showbiz si Angeline matapos niyang magwagi sa defunct ABS-CBN reality talent show na Star Power: Sharon's Search for the Next Female Pop Superstar.

Isang dekada na siyang Kapamilya star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"NAPAKALAKI NG UTANG NA LOOB KO"

Ayon pa kay Angeline, hindi niya naisip na lumipat ng ibang TV network.

"Sa lahat din ng nag-alaga sa akin, talagang napakalaki ng utang na loob ko sa kanila.

"Kaya siguro di ko rin nagawa o magawa na iwanan sila nung time na nag-shutdown ang ABS.

"Kasi di ko rin makita ang sarili ko na magagawa ko yun."

Kuwento pa ni Angeline, hindi niya namalayang isang taon na palang walang prangkisa ang ABS-CBN dahil hindi siya nawalan ng proyekto.

"Actually, hindi ko nga naramdaman na one year na pala. Siguro simula nung nag-shutdown ang ABS last year, awa ng Diyos tuluy-tuloy ang trabaho ko.

"Hanggang ngayon, proud ako na nanatili akong Kapamilya," saad ng singer-actress.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

ON KAPAMILYA STARS WHO SWITCHED NETWORKS

Nang tanungin tungkol sa ilang Kapamilya stars na lumipat sa ibang istasyon, ayaw raw husgahan ni Angeline ang career move ng mga ito.

"Marami akong nakikita at nalaman na ibang mga Kapamilya artists na umalis, tapos nakikita ko ang mga dahilan nila.

"Siguro maiintindihan naman natin yun na gusto nilang mag-try ng iba para sa career nila, na marami pa silang gustong gawin," paliwanag niya.

Ipinunto naman ni Angeline na personal choice niya ang manatili sa home network niya.

Sabi niya, "Pero ako kasi, ang lagi kong pananaw sa buhay, ang lagi kong sinasabi sa sarili ko, marami naman tayong gustong subukan pero di naman dun sa point na may masasaktan tayo, lalo na kung Kapamilya mo.

"Yun ang para sa akin.

"Siguro sobrang blessed din ako na marami talagang tao na nandiyan for me para tulungan ako kung ano pa ang gusto kong gawin as an artist, bilang isang singer, na hindi ko pa nagagawa before."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angeline Quinto on ABS-CBN giving her the opportunity to perform abroad: "Dun ako nakapag-ipon para maipatayo itong dream house namin ni Mama. Napakaraming pangarap ko na natupad, may mga pangarap ako na di ko talaga maisip na magagawa ko pala talaga sa tulong ng ABS-CBN."
PHOTO/S: @loveangelinequinto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results