Sinakyan ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz, 70, ang memes tungkol sa kanya at sa Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz, 30.
Iniugnay ng netizens sina Gloria at Hidilyn dahil magkaapelyido sila.
Higit pa rito, pareho silang history-makers ng Pilipinas: si Gloria ang kauna-unahang Filipina Miss Universe, matapos siyang koronahan noong 1969.
Si Hidilyn ang kauna-unahang Pilipinong Olympic gold medalist, matapos mangibabaw sa women’s 55 kgs weightlifting division ng ongoing Tokyo 2020 Olympics.
Bida sina Gloria at Hidilyn sa social media accounts ng beauty pageant enthusiasts.
Una, nag-post si Gloria tungkol sa pagkapanalo ni Hidilyn.
Caption ng former Miss Universe (published as is): “Congratulations HILDILYN !! The Filipinos are soooo proud of you [face with hearts emojis] lalo na AKO! [clapping hands and Philippine flags emojis]

Ni-repost ng ilang pageant vlogs ang pagbating ito ni Gloria kay Hidilyn.
Pangalawa, sunod-sunod ang Instagram Story posts ni Gloria kaugnay ng memes nila ni Hidilyn.
Isang pageant vlog ang nag-post ng mga larawan nina Gloria at Hidilyn, na tinawag na “record holders” ng Pilipinas.
Bungad ng caption: “In DIAZ we trust!”
Ni-repost ito ni Gloria sa kanyang Instagram Story.
Ni-repost din ni Gloria ang isang screenshot na may ganitong caption: “The first Miss Universe of the PH is Gloria DIAZ. The first Olympic Gold Medalist of PH is Hidilyn DIAZ.
“Buenas DIAZ, Pilipinas”
Pinatungan ito ng caption ni Gloria: “I am the LANGAW na nakatungtong sa kalabaw! [smiling face with hearts emojis] congrats HIDILYN”
Ni-repost din ng batikang aktres ang glammed-up photo ni Hidilyn.
Caption ni Gloria: “This is our champ Hildilyn ! CONGRATULATIONS CHAMP!!!
“This is how our champion looks, when not working out [thumbs up emoji]”

Witty ang captions ng iba pang pageant vlogs tungkol kina Gloria at Hidilyn.
Caption ng isa: “Lumabas lahat ng DIAZ jan!”
Sabi naman ng isa: “FILIPINO QUEENZ. Diaz is such a lucky name isn’t it?”

OGIE DIAZ, TOO
Nakisakay rin ang entertainment columnist at talent manager na si Ogie Diaz sa kumakalat na memes tungkol kay Hidilyn.
Ipinost ni Ogie ang meme kung saan ipinatong ang kanyang mukha sa picture ni Hidilyn na nag-aangat ng barbell.
Natawa raw si Ogie sa “kalokohan” ng ibang Pilipino sa pagpapa-viral ng mga memes.
Bahagi ng post ni Ogie, “Di ko kinakaya ang husay ng mga Pilipino sa paggawa ng ‘kalokohan’ makalimutan man lang pansumandali yung mga di magandang balita at nangyayari sa paligid.”

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
