Nangatuwiran si Bianca Gonzalez matapos siyang akusahang ginagawang gender-equality issue ang tagumpay ng Filipino female athletes sa Tokyo 2020 Olympics.
Ito ay kasunod ng mga tweet ni Bianca kaugnay ng pagkapanalo ni Hidilyn Diaz ng gold medal sa weightlifting.
Si Hidilyn ang kauna-unahang Pinoy athlete na nanalo ng gold medal sa Olympics.
Isa si Bianca sa mga celebrity na bumati kay Hidilyn sa pamamagitan ng social media.
Tweet niya: “BABAE!!!!!!!!!!!! ABANTE BABAE!!!!! MABUHAY KA HIDILYN!!!!!”

Bukod kay Bianca, may iba pang female personalities at organisasyon ang ipinagdiwang ang tagumpay ni Hidilyn dahil inangat nito ang antas ng mga kababaihan.
Kabilang dito ang broadcast journalists na sina Ces Drilon at Karen Davila, at ang former actress at Olympian na si Mikee Cojuangco-Jaworski.
Ngayong Miyerkules, July 28, binati rin ni Bianca ang tagumpay ng Filipina featherweight boxer na si Nesthy Petecio na nakaabot sa semifinals ng Tokyo 2020 Olympics.
Tweet ni Bianca ngayong araw: “Isa paaaa!!!! ABANTE BABAE!!!!”

Isang netizen ang sumita sa Kapamilya TV host sa paggamit nito ng "ABANTE BABAE."
Dapat daw ay gawin itong “Abante Pilipinas.”
Ayon sa netizen, si Bianca raw at ang mga kagaya nito ang dahilan kung bakit nagiging isyu ang diskriminasyon sa mga kababaihan.
Anang netizen (published as is), “Abante pilipinas.. kaya dini discriminate mga babae dahil puro kayo kayo rin mismo ginagawa nyong issue pagiging babae..”

BIANCA FIRES BACK
Sinagot ni Bianca ang kritiko sa pamamagitan ng sunud-sunod na tweets.
Paliwanag ng Kapamilya host, “Kapag sinabi naming ABANTE BABAE hindi ibig sabihin na babae lamang ang dapat umabante.
“Ilang daang taon na ang kalalakihan ang nabibigyan ng mga oportunidad kaya't kapag may babaeng nagtatagumpay, ipinagbubunyi natin para mas marami pang kababaihan ang mapagbigyan.”

Aniya pa, patuloy na magiging isyu ang gender inequality kung lagi itong babalewalain at hindi pag-uusapan ang totoong isyu.
“It's this narrative of ‘kaya dini-discriminate ang mga babae dahil ginagawa ninyong issue ang pagiging babae’ that keeps us from reaching true gender equality.
“We push for women's empowerment precisely because TOO MANY WOMEN feel like they have no voice and are put into this box.”
Masosolusyunan lang daw ito kung sa halip na maliitin ang mga babae ay susuportahan sila ng mga lalaki.
Saad ni Bianca, “Men can be true allies by supporting, encouraging and empowering the women in their lives to do what they want and dream big dreams.
“Hindi yung, ‘eto ka lang kasi babae ka lang.’ Hindi kami ‘babae lang.’ BABAE KAMI. ABANTE BABAE.”

Ni-retweet din ni Bianca ang mensahe ng isang female netizen na kapag sinasabi nilang "Abante Babae" ay nangangahulugan itong nakikipagkumpitensiya sila sa mga lalaki.
Mensahe ng netizen: "Just because we want to empower women, does not mean that we want to 'disempower' men."

May nag-react ditong male netizen, na kahit daw ang mga lalaki ay nakararanas pa rin ng stereotyping, gaya ng mga pahayag na "Pag lalaki nga naman" o "lalaki ka kasi e."
Tinanggap ito ni Bianca at sinabing kailangan din itong mabago.

Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
