PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jinkee Pacquiao uses Sint Marteen flag instead of Philippine flag

Honest mistake.
by Nikko Tuazon
Published Jul 28, 2021
Jinkee Pacquiao
Jinkee Pacquiao apologizes for using a foreign country's flag instead of Philippine flag on her post dedicated to Tokyo 2020 Olympics gold medalist Hidilyn Diaz.
PHOTO/S: @jinkeepacquiao on Instagram

Hindi pinalampas ng ilang netizens ang naging pagkakamali ni Jinkee Pacquiao nang batiin nito ang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz nitong Lunes, July 26, 2021.

Binati ni Jinkee si Hidilyn sa dalawang magkasunod na posts sa kanyang Instagram Stories. Ngunit kapansin-pansin na mali ang flag emoji na ginamit ng misis ni Senator Manny Pacquiao.

Imbes na Philippine flag ay ang bandila ng Sint Maarten, isang island nation na matatagpuan sa Caribbean, ang nagamit nito sa kanyang Instagram post.

Jinkee Pacquiao

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Jinkee Pacquiao

Naging trending topic agad-agad sa Twitter ang pagkakamaling ito ni Jinkee.

Umabot pa sa libu-libong likes and retweets ang isang post sa Twitter.

Nakasaad sa tweet: "Wrong flag girl wrong flag [emojis]"

Jinkee Pacquiao

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi naman ng isang Twitter user, "Can someone please tell Jinkee Pacquiao na hindi flag ng Philippines yan. Haha"

Jinkee Pacquiao

Ang isang netizen, hindi napigilan ang panggigigil kay Jinkee at nag-iwan pa ng mensahe para sa kanya: "Gigil mo ko Jinkee Pacquiao! Basahin mo reply ko!!!!!"

Jinkee Pacquiao

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"PASENSYA NA PO"

Sa isang Instagram post nitong Martes, July 27, 2021, muling nagpaabot ng pagbati si Jinkee kay Hidilyn sa kanyang post.

Kasunod nito ang paghingi niya ng tawad sa pagkakamaling nagawa. Tamang Philippine flag emoji na rin ang ginamit ni Jinkee sa kanyang post.

Ang buong caption ng post nito: "Congratulations Hidilyn Diaz. You make us proud! [emojis] #philippines [PH flag emoji]

"Pasensya na po sa mali na flag ang napindot ko sa ig stories ko kahapon. [emojis] (forgive me [emojis] #philippines [PH flag emoji] ) That was unintentional. Love you all! God is good! [emojis]"

Kasalukuyang nasa U.S. si Manny bilang paghahanda para sa laban nito sa American boxer na si Errol Spence Jr. na gaganapin sa Las Vegas, Nevada sa August 21.

Kasama ng boxer-politician ang kanyang asawa na si Jinkee at ang kanilang mga anak na sina Jimuel, 19; Michael, 18; Mary Divine Grace, 13; Queen Elizabeth, 11; at Israel, 5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jinkee Pacquiao apologizes for using a foreign country's flag instead of Philippine flag on her post dedicated to Tokyo 2020 Olympics gold medalist Hidilyn Diaz.
PHOTO/S: @jinkeepacquiao on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results