Pinalagan ng dancer-choreographer na si DJ Loonyo, Rhemuel Lunio sa totoong buhay, ang kumakalat na pahayag diumano niya ukol sa pagkapanalo ng gold ni Hidilyn Diaz sa #Tokyo2020 Olympics.
Nagwagi si Hidilyn ng kauna-unahang gintong medalya para sa Pilipinas noong Lunes, July 26, sa event na weightlifting.
Makasaysayan ang kanyang pagkapanalo na ipinagbunyi ng lahat ng mga Pinoy, dito man sa bansa at sa buong mundo kung saan may Pilipino.
Matapos nito, isang Facebook page na may account name na “Bakkler” ang naglabas ng quote card na naglalaman ng diumano'y pahayag ni DJ Loonyo laban sa bagong Pinoy pride.
Sa halip na ipagbunyi ang karangalang natamo ni Hidilyn, tinawag pa umano nitong "toxic Filipino" ang Olympic gold medalist.
Nakasaad sa pahayag umano ni DJ Loonyo: “CONGRATS HIDILYN PERO ISA KANG EXAMPLE NG TOXIC FILIPINO. PEOPLE NOWADAYS NGA NAMAN, MAS PIPILIIN ANG EASY MONEY KAYSA MAGTRABAHO NANG MARANGAL. YUNG IBA DYAN KAYOD-KALABAW TAPOS IKAW UMAASA LANG SA BIGAY?”

"FAKE NEWS"
Dahil dito, may ilang nagpaabot ng mensahe kay DJ Loonyo kung totoo ba ang pahayag niya laban kay Hidilyn.
Sa kanyang Official Facebook page ngayong hapon ng Miyerkules, July 28, naghayag ng kanyang galit at pagkadismaya si DJ Loonyo.
"Fake news" daw ang lumabas na pahayag niya.
Mariing sabi ni DJ Loonyo: “Di na talaga natapos yung page na to kakagawa ng FAKE NEWS (FACT CHECK AND MAGBASA)
“HAY NAKO, PINOY HIHILA SA KAPWA PINOY!
“ANG TANONG SINO BA TALAGA ANG “BOBO”?
Nagbabala rin siya sa netizens na naniwala kaagad sa nasabing balita.
Aniya, “Kapwa, Kababayan kong pilipino naman, kung makareact, makatawag ng “BOBO” “BOGO”, kala mo talaga kung sino. Guys, kapwa ko pilipino, taasan naman natin konti yung frequency natin pagdating sa ganto, Make sure, Credible yung shinishare at pinapaniwalaan niyo..”
Taliwas sa lumabas na pekeng pahayag niya, sobrang proud daw siya sa naabot ni Hidilyn na inspirasyon ng lahat ng Pinoy lalo na ng mga atleta.
Aniya, “PROUD NA PROUD AKO SA KABABAYAN NATIN Hidilyn Diaz AT ALAM KO ANG HIRAP AT PAGDURUSA MAIREPRESENT LNG ANG BANSA.
"IDOLO AT INSPIRISYON SYA NG MGA KABATAAN AT ATLETA. SINABIHAN NIYO KONG MAGRESEARCH MUNA DIBA? KAYO BA?"
Ayon pa kay DJ Loonyo, nag-uwi na rin siya ng karangalan sa bansa at ito ay dahil sa kanyang sariling sikap at dasal.
Pagtatapos pa niya, “ANYWAYS, ILANG TAON NA DIN AKONG NAGREPRESENT NG BANSA SA LARANGAN NG SAYAW, NAKAPAGDALA NG GINTO(DANCESTAR WORLD CHAMPIONS, CROATIA) WITHOUT ANY SUPPORT FROM THE GOVERNMENT, SARILING SIKAP AT SAKRIPISYO, PURONG PANANAMPALATAYA SA TAAS.
“GOD BLESS Y’ALL”
Use these MetroMart promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
