PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mike Tan on Glaiza de Castro in Nagbabagang Luha

Effortless daw!
by Rommel Gonzales
Published Aug 5, 2021
Ang karakter ni Mike Tan sa GMA-7 series na Nagbabagang Luha ay best friend ng bida ng si Glaiza de Castro.
PHOTO/S: @imiketan on Instagram

Bibigyang-buhay ni Mike Tan ang role na unang ginampanan ni Richard Gomez sa 1988 film version ng Nagbabagang Luha.

"Channeling Richard Gomez" ang Kapuso actor sa kanyang role bilang Bien sa bagong teleserye ng GMA-7.

"Doon nga ako na-proud na, 'Uy, si Kuya Goma pala yung ipo-portray ko!'" kuwento ni Mike sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang members ng press sa Zoom mediacon ng Nagbabagang Luha cast members and directors noong July 22, 2021.

"Noong nalaman ko yun, mas na-challenge ako bilang aktor. Kasi kilala naman natin si Kuya Goma, nakatrabaho ko na rin siya nang ilang beses. Isa rin siya sa mga iniidolo kong aktor."

Nagkuwento si Mike tungkol sa papel niya ngayon.

"Sa character ni Bien, mahirap kasi yung lagi kang nagpipigil ng gusto mong sabihin sa taong mahal mo, lagi mong iisipin kung paano siya puprotektahan, na ang pinakamahirap kay Bien, kaibigan niya rin yung karibal niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Na in the end magiging magkaaway sila kasi may nagawang pagkakamali, iyon yung mga challenges sa akin."

Para sa StarStruck alumnus, marami ring mabibigat na eksena sa istorya na "kailangan mong bigyan ng justice."

Pero mas mahirap daw ang roles ng kanyang co-stars na sina Glaiza de Castro at Rayver Cruz.

"Parang every day nire-require silang umiyak, every day nire-require silang magalit, sabay biglang sasaya, iyon yung hirap sa kanila.

"Yung sa role ko naman, mas magaan siya compared sa mga iba ko ng nagawa kasi mostly naman support lang ako kay Maita bilang kaibigan niya.

"Pag nagkikita naman kami ni Rayver lagi lang kaming nagsusuntukan," at tumawa si Mike.

"'Tapos nung okay pa naman yung relationship ng characters namin, tawanan lang kami nang tawanan. So yung mga challenges, mas kay Glaiza and kay Rayver and kay Cielo."

Si Clare Castro ang gumaganap sa papel ni Cielo, na unang ginampanan ni Alice Dixson.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Gusto ko lang din sabihin na hindi ko alam yung sinasabi ni Glaiza na nahihirapan siya sa proseso bago siya umiyak, hindi ko rin maintindihan yun," at muling tumawa si Mike.

Dugtong niya, "Parang ang bilis-bilis naman.

"Pati na rin si Rayver, iba iyan, iyan ang aming dancing actor!"

MIKE TAN ON BEING A DAD

Naranasan na ba ni Mike sa tunay na buhay ang dilemma ng kanyang character na si Bien, na ang kaibigan niya ay naging karibal niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi, hindi, hindi pa. Dalawa lang naman ang ano ko, naging serious relationship ko."

Dalawa na ang mga anak ni Mike, sina Victoria o Tori (2 years and 7 months old) at Priscilla o Prisci (1 year and 4 months old). Sino si Mike Tan as a father?

"Very caring, laging iniisip yung mga anak niya.

"Medyo ang hirap sagutin ng tanong mo, ha? Kasi hindi ko siya iniisip bilang tatay, e. Ang sa akin lang ay mabigyan ko sila lagi ng oras, hindi ako... kung meron akong kayang i-sacrifice na ibang bagay, isa-sacrifice ko yun para sa kanila, para sa oras na makipaglaro sa kanila, mailakad sila, lumabas kasama sila, makipagtawanan sa kanila. Isasakripisyo ko yun.

"Lalo na kung nakikita ko na hindi naman makakatulong sa akin bilang tatay, ibibigay ko na lang din sa kanila."

Mas maingat si Mike dahil pandemic, at todo-ingat siya para sa kanyang two girls.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yeah! Madami ngang nagyayaya sa aking lumabas, sabi ko, 'Pasensiya na hindi talaga ako makakasama.'

"Ang hirap i-risk kahit sabihing naka-mask ako, naka-face shield ako, meron pa ring porsiyento na puwedeng madala ko yung virus papasok ng bahay, e.

"Minsan nga... to be honest, minsan hindi ako makatulog sa gabi kasi naiisip ko papaano kung magkasakit yung anak ko, papaano kung ganito yung mangyari sa kanila, ganito yung mangyari sa asawa ko.

"Nagigising talaga ako sa gabi, and hindi ko alam kung nag-o-overthink ako, pero alam mo yun, pagpikit ng mata mo ganun yung naiisip mo, magigising ka na lang 'tapos hindi ka na makakatulog. Mahirap."

Umeere na ngayon sa GMA Afternoon Prime, ang Nagbabagang Luha ay sa direksiyon nina Ricky Davao at Phillip Lazaro.

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang karakter ni Mike Tan sa GMA-7 series na Nagbabagang Luha ay best friend ng bida ng si Glaiza de Castro.
PHOTO/S: @imiketan on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results