Halatang in love na in love sa isa't isa si Vice Ganda at ang partner nitong si Ion Perez.
Sa kanilang beach vacation noong nakaraang linggo, proud na ipinakita ni Vice sa kanyang Instagram followers ang sweet moments nila ng boyfriend.
Kabilang dito ang video nila ni Ion habang nasa duyan sa mismong buhanginan ng beach.
May saliw ito ng kanta ng Nobita na "Ikaw Lang."
Bahagi ng lyrics nito na naka-music background sa video:
“Tumingin ka sa aking mga mata
"At hindi mo na kailangan pang
"Magtanong nang paulit-ulit
"Ikaw lang ang iniibig
"At kung 'di kumbinsido'y magtiwala ka"
Caption ng It’s Showtime host: “Look, we are so beautiful. Normalize seeing a love story that’s different from yours.”
View this post on Instagram
Mukhang inasar naman siya ni Ion dahil hindi raw nagpakabog si Vice.
Noong nakaraang linggo kasi ay nag-post si Ion ng sexy back photo ni Vice nang hindi nito alam.
Komento ni Ion sa post ni Vice, “@praybeytbenjamin ayaw pakabog babe? [grinning face with smiling eyes, heart emojis]”
Tugon ni Vice sa kanya, “@pereziion27 napressure ka babe?! Hahah”

Pinusuan naman ito ng celebrities na sina Liz Uy, Laureen Uy, at Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.

Magtatatlong taon na ang relasyon nina Vice at Ion sa Oktubre.
Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
