Diretsahang sinagot ni Andrea Brillantes, 18, ang rude comments ng ilang bashers tungkol sa kanya.
Sa isang mukbang vlog na in-upload niya sa kanyang YouTube channel noong August 1, isa-isang sinagot ni Andrea ang hindi magagandang komento tungkol sa kanya.
Hindi rin niya tinakpan ang account names ng mga ito dahil, ayon sa aktres, kinomento naman talaga ito sa kanyang social media accounts.
Isa sa sinagot niya ay ang sinabi ng netizen na “Maarte k maldita.”

Tugon ng Kapamilya young actress, “maarte” talaga siya dahil nag-aayos siya at nagmi-make up dahil sa kanyang trabaho.
Saad niya, “Okay, lagi kong nakukuha, maarte. Nagi-gets ko din yun kasi kikay naman talaga ako.
“Alam niyo yun, nagmi-make up ako, nag-aayos ako, nagti-TikTok ako, kasi parte yun ng trabaho.
“Dahil pag hindi ako nag-post, hindi na ako magiging ‘relevant’ and I have bills to pay.”
Humingi naman ng dispensa si Andrea kung noong araw na nakita siya ng netizen ay hindi siya masyadong ngumiti o namansin.
Saad niya, “Tapos sa maldita, kung nagpakita man ako ng ganun ko sa 'yo, siguro pagod lang talaga ako noon or meron akong sariling problema na iniisip.
“Meron akong pinagdadaanan nun, I’m so sorry.
"Pero ako talaga, I try my best na ipakita yung best version ko kasi, lalo na sa fan, 'yon yung possibly last moment na makikita nila ako."
Ayon pa kay Andrea, alam niyang ang maitatanim sa isip ng mga tagahanga ay ang hindi magandang ugali ng kanilang idolo kaya maingat daw siya pagdating sa mga fans niya.
“And 'yon na yung pinakamaaalala nila for the rest of their life. Kaya ayaw kong maging bastos ako sa kanila kasi yun na yung maaalala nila."
Dagdag pa niya, naranasan na niyang parang mabastos o pakituringan nang hindi maganda ng isang artista.
Saad ng aktres, “Bilang fan girl kasi, ako yung laging nagpapa-picture sa ASAP.
“Tapos isang beses umiyak ako kasi sobrang pangit ng treatment na ibinigay sa akin ng isang artista.
"Kaya ever since, sinabi ko kahit pagod ako, ta-try ko talaga yung best ko, kahit ang hirap ngumiti.
"Kaya sorry talaga kung meron man akong ganun na napakita sa isang tao."
“JOLOGS, SQUATTER”
Isa pang basher ang sinagot ni Andrea.
Sabi sa komento, “pangit kc talaga ugali ni andrea.. pag mayaman ganyan na eiii. Alam ko girl maarte ka masyado di mo lang pinapakita eii ngayon prinove mo ang self mo.”

Sagot niya, hindi siya mayaman dahil lumaki siya sa squatter.
Sabi ni Andrea, “First of all thank you for calling me rich. That was the goal.
“’Di po ako mayaman ha, panoodin niyo na lang first YouTube video ko sa channel ko.
“Makikita niyo dun kung san ako lumaki. Let's just say, the cooler version na sinasabi ng lola ko, sa slums kami lumaki.
“Kung sasabihin na jologs ako and squatter ako kasi dun ako lumaki, e. Ayokong tanggalin yun sa sarili ko.
“'Tapos pangit daw ugali ko? Di ko naman kasi kailangan i-prove sa lahat ng tao yung kabaitan ko, e, alam mo yun.
“So, kung 'yan yung makikita sa akin, kahit wala naman akong ginagawa sa 'yo, ba-bye ka na lang.”
Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
