Watch Now

Juancho Trivino clarifies brief BPO stint: "I NEVER left TV.”

by Arniel C. Serato
Aug 6, 2021
Juancho Trivino on working in a BPO company: “We had a LOT of free time during the pandemic, it was best for us to make use of the time."
PHOTO/S: Courtesy: @juanchotrivino on Instagram

Ikinagulat ni Juancho Trivino na marami ang pumansin sa kanyang Instagram post noong Linggo, August 1, tungkol sa panandalian niyang pagtatrabaho sa isang BPO (business process outsourcing) company noong 2020.

Dahil napag-usapan ng netizens at celebrities ang kanyang pagpupursige noong halos tumigil ang mundo ng productions sa TV at pelikula, nilinaw ng Kapuso actor na hindi talaga niya nilisan ang telebisyon.

Sa kanyang Instagram Stories kagabi, August 5, nagbigay ng ilang detalye si Juancho ukol sa pagtatrabaho niya sa private sector noong nakaraang taon.

Ayon sa 28-year-old actor, tatlong buwan lamang siyang nagtatrabaho sa isang BPO company.

Saad ni Juancho, “So this post got a lot of attention.

“Dagdag lng ako ng notes:

“I handled external events for the company (connected to my profession)

“The time line of this is Oct – Dec 2020.

“We had a LOT of free time during the pandemic, it was best for us to make use of the time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Greatly Appreciated time w/ them (Natuto ako mag formal email)”

Giit pa niya, “I NEVER left TV”

Sa post ni Juancho noong Agosto 1, inamin nitong isa siya sa nag-alala kung paano kikita ng pera noong unang bugso ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Apektado ang entertainment industry noon dahil mahigpit na ipinagbawal ang tapings at live shows para maiwasan ang mass gathering.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Buong post niya, “A lot of you might not know, but last year during the height of the pandemic last year, when we had no work (tapings, digital stuff and businesses) I got a job in a BPO company.

"I actually did send out my resume to a couple of companies that was hiring during that time.

"It was unfamiliar territory for me cause I have never worked in any corporate setting in my life, and then I did.

"They got me as a project manager (praise the Lord), and aside from the financial help a payslip gave us I also gained some valuable experience kahit na hindi siya nag tagal (but thats another story)"


Marami ang nagpaabot ng kanilang paghanga sa pagsisikap ng aktor.

Si Juancho at asawang si Joyce Pring ay mayroong bagong silang na anak.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Juancho Trivino on working in a BPO company: “We had a LOT of free time during the pandemic, it was best for us to make use of the time."
PHOTO/S: Courtesy: @juanchotrivino on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results