Patuloy pa ring nagpapakilig online ang magkarelasyong sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga.
Kahapon, August 5, nag-post si Barbie ng dalawang larawang magkayakap sila ng boyfriend.
Ito raw ang lambing na laging ginagawa ni Diego na lalong nagpapasaya sa kanya.
Sabi ng 23-year-old Kapamilya actress sa caption, “Swipe to see happy Barbie when she gets the lambing she wants [squinting face with tongue, face savoring food, smiling face with three hearts emojis]”
View this post on Instagram
Sabi ni Diego kay Barbie, gagawin niya sa lahat ng panahon ang paglalambing sa nobya.
Saad ng aktor, "24 hours 7 days a week lambing is all yours [smiling face with three hearts emoji] i love you.”

Minsan nang inihayag ni Diego na gustung-gusto niyang itinuturing na baby ang nobya.
Pabirong komento pa ni Diego sa post ng girlfriend, “You big baby [squinting face with tongue, face with a modest smile, rosy cheeks, and soft, closed eyes emojis]."

KILIG REACTIONS
Marami ang kinilig para sa magkasintahan.
Una na rito ang ina ni Diego na si Teresa Loyzaga, na nagkomento ng tatlong heart emojis sa pahayag ng anak para kay Barbie.

Tatlong smiling faces with heart-shaped eyes emojis ang kinomento ng dating stepmom ni Diego na si Sunshine Cruz.

Saad ni Karla Estrada, “Love you both [smiling face with heart-shaped eyes emoji]"

Apat na heart emojis naman ang komento ni Melai Cantiveros.
Ayon kay IC Mendoza, “HAAAY SAYA UMIBIG [five smiling faces with heart-shaped eyes emojis]"

Sabi naman ni Alyana Asistio, “MY BABY BROTHER AND SISTER!!! Huhu @diegoloyzaga @msbarbieimperial”

Komento ni Sue Ramirez, “Sana all po”

“LOVE YOU BOTH CHILDREN”
Todo rin ang suporta ni Teresa para sa anak na si Diego at sa girlfriend nitong si Barbie.
Payo ni Teresa sa dalawa, “Respect and kindness…. add those with prayers and love.
“Perfect recipe! Love you both children! [heart emoji] @msbarbieimperial @diegoloyzaga”

Noong August 1, sa ika-23 kaarawan ni Barbie, isang madamdaming mensahe rin ang ipinaabot ni Teresa sa kanya.
