Comedian Mura wants to return to showbiz to help his family

by Bernie V. Franco
Aug 6, 2021
Mura: “Kahit laos na, kung may opportunity, papasok sa showbiz kahit mahirap kakayanin ko po para sa pamilya ko, para makatulong pa rin ako kahit paano.”
PHOTO/S: YouTube (GMA Public Affairs, Virgelyncares 2.0)

Nananawagan ang dating komedyante na si Mura—Allan Padua sa totoong buhay—na mabigyan siya ng pagkakataong makabalik sa showbiz.

Si Mura ay unang ipinakilala bilang "kakambal" ni Mahal sa Magandang Tanghali Bayan, dating noontime show ng ABS-CBN, noong 2003.

Ang image noon ni Mura ay babae, bagamat isa siyang lalaki.

Gaya ni Mahal, may kondisyon si Mura na dwarfism.

Nabigyan ng pagkakataon si Mura na lumabas sa mga programa sa TV at maging sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging sidekick siya ni Vhong Navarro sa mga pelikulang Agent X44 (2007) at SupahPapalicious (2008).

Siya rin ang main villain sa 2003 movie na Volta.na pinagbidahan ni Ai-Ai delas Alas.

MURA’S LIFE NOW

Sa ngayon, sinusuportahan ni Mura ang sarili at pamilya sa pamamagitan ng pagtatanim sa nabili niyang tatlong ektaryang lupa sa kanilang bayan sa Albay.

Nabili raw niya ito sa halagang P75,000 noong 2005. Tinataniman daw niya ito ng kopra, niyog, mais, at mani.

Sa edad na 46 anyos, hirap na ring kumilos si Mura, na iika-ika matapos maaksidente noong 2010.

“Mahirap din kasi ang layo ng bukid namin, e. So, pabalik-balik ka ro’n. Pilay pa ako.

"Wala namang katulong si Papa dito. Kinakaya ko na lang din para makatulong. Matanda na rin si Papa, e.

“Kaya nga gusto ko pa rin minsan magkaroon pa rin ako ng ano sa showbiz kahit papano makatulong pa rin,” naluluhang sabi ni Mura sa YouTube video ni Virgelyncares 2.0, August 3, 2021.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Mura, malaki ang kinikita niya noon sa pag-aartista.

Sa buong taon, ang kontrata raw niya ay nagkakahalaga ng mula P250,000 hanggang kalahating milyon.

Hirap daw siya ngayon sa buhay dahil sa pandemya at kawalan ng trabaho.

“Medyo mahirap nga. Mahirap kasi, tulad sa akin, wala nang trabaho.

“Siyempre, gusto ko ring bumalik sa pag-aartista.

“So, nagkaroon ng pandemic. Mahirap na akong bumalik dun. Mahirap na mga biyahe-biyahe.”

LIFE AFTER SHOWBIZ

Malaki raw ang naging epekto ng nangyaring aksidente kay Mura dahil unti-unti na siyang nawalan ng trabaho sa showbiz.

“Kasi naubos ang ipon ko nun, e. Naaksidente pa ako noong 2010.

“Doon ako nag-umpisa nawalan ng work na.

“Nabali ang hip ko. Ayun, nagkadiperensiya na paglakad. Tapos ngayon, pilay-pilay.

“Tapos ngayon, mahina na parang manhid.”

Nanghinayang daw si Mura na hindi natuloy ang pagpasok niya sa ABS-CBN primetime series na FPJ’s Ang Probinsyano.

“Sabi ko, dapat nung nakaraan isasama ako sa Probinsyano. Sabi ko, hindi ko na kaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Isinasama ako buhay pa dati si Tito Eddie Garcia. Sabi ko, hindi ko na kaya ang takbo-takbuhan.”

Wala na rin daw siyang contact sa showbiz.

Pero ang naging kaibigan daw niyang artista ay si Vhong Navarro.

Ayon kay Mura, “Si Vhong Navarro kasi yun ang buddy ko, e. Lagi kaming magkasama sa pelikula noon dati, e.

“Halos tatlong pelikula ata ang aming pinagsamahan.”

Sa video, ipinakita na hindi pa tapos ang ipinapagawang bahay ni Mura. Base sa paligid ay medyo liblib din ang lugar na kinatitirikan ng bahay.

Sabi pa ni Mura, bagamat “laos” na siya, umaasa siyang makabalik pa rin sa showbiz.

“Kahit laos na, kung may opportunity, papasok sa showbiz kahit mahirap kakayanin ko po para sa pamilya ko, para makatulong pa rin ako kahit paano.”

Samantala, sa YouTube video ni Ogie Diaz nitong August 5, nabanggit niyang nakipag-ugnayan sa kanya si Vhong at nagtatanong kung paano makontak si Mura.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nais daw ni Vhong na magpaabot ng tulong sa dating katrabaho.

Sisikapin daw ni Ogie na makipag-ugnayan kay Mura at maabutan ito ng tulong.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mura: “Kahit laos na, kung may opportunity, papasok sa showbiz kahit mahirap kakayanin ko po para sa pamilya ko, para makatulong pa rin ako kahit paano.”
PHOTO/S: YouTube (GMA Public Affairs, Virgelyncares 2.0)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results