Muling naguna si Kisses Delavin sa online votes para second virtual challenge ng Miss Universe Philippines 2021.
Noong August 2, 2021, unang in-upload ang introduction videos ng mga aspiring Miss Universe Philippines 2021 candidates sa YouTube channel ng Empire Philippines at MUPH app.
Gaya ng naunang headshot challenge ng mga kandidata, paramihan din ng votes ang introduction video challenge sa MUPH app.
Matapos ang ilang araw, si Kisses ang nanguha sa top 15 candidates na nakakuha ng pinakamaraming online votes.
Ang TikTok content creator na si Rousanne Bernos naman ang nakakuha ng second spot, at ang Asia's Next Top Model Cycle 5 winner na si Maureen Wroblewitz ang nakakuha ng ikatlong puwesto.
Sa kasalukuyan, ang video rin ni Kisses ay may pinakamaraming views sa YouTube—mahigit 405,000 views.
Ang video ni Maureen ay may 185,000 views, habang si Rousanne ay may 88,000 views.
View this post on Instagram
Kasama tin sa top 15 candidates ng introduction video challenge sina Steffi Rose Aberasturi, Katrina Dimaranan, Leren Mae Bautista, Maria Corazon Abalos, Kamille Alyssa Quinola, Noelyn Rose Campos, Cheri Angel Anne Flejoles, Angela Nikki de Grano, Gianne Kryssee Tecson Asuncion, Isabelle de los Santos, Mirjan Hipolito, at Princess Kristha Singh.
Ang Headshot Challenge at Introduction Video Challenge ay bahagi ng selection process ng Miss Universe Philippines Organization upang mapili ang top 30 candidates ng beauty pageant.
Gaganapin ang grand coronation night ng Miss Universe Philippines 2021 sa September 25, 2021.
Nakatakda namang ganapin ang Miss Universe 2021 pageant sa Israel sa darating na December. 2021.
