PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Charles Delgado wife on indie actor's erotic videos

Charles and his wife open up about the trials in their marriage.
by Jerry Olea
Published Aug 11, 2021 | Updated Aug 11, 2021
Indie actor Charles Delgado on selling erotic videos to fund wife Lynneth's chemotherapy: "Hindi ko na alam kung ano pa ang magagawa ko. Kasi nga, kahit makapag-work ako nang regular, paano ko babayaran yung mga gastusin niya every week sa chemo, sa mga vitamins niya, sa supplies na kailangan niya. So, iyon nga… doon ko na lang pinasok. Siyempre, iba yung indie film sa ganitong larangan, e."

Tanggap ng misis ni Charles Delgado na si Lynneth ang pagsabak ng 29-anyos na indie actor sa pagbebenta ng erotic videos.

“Sa akin naman po kasi, malawak yung pang-unawa ko sa mga ganyang bagay,” seryosong sabi ni Lynneth habang katabi si Charles sa virtual interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Lunes ng gabi, Agosto 9.

“Saka siyempre, sa panahon ngayon, mas pipiliin na lang namin yun dahil sa sitwasyon namin.”

Masakit ba iyon para sa isang babae na ang asawa niya ay kailangang magbenta ng mga ganoong klase ng video sa internet?

“Siyempre po, masakit din sa akin yun. Kasi, ibang level na yung ganyan, e.

“Pero yung pag-intindi, yung pag-unawa, doon naman sa part ko, naintindihan ko naman.

“Kumbaga, open-minded naman ako kahit papa’no,” kalmadong saad ni Lynneth.

Mas naramdaman ni Lynneth na mahal talaga siya ni Charles.

“Opo, siyempre, nandun din sa point na yun. Pogi points! Ha! Ha! Ha! Ha!” at nagkatawanan ang mag-asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinatawag ni Charles na wife o asawa si Lynneth pero hindi pa sila kasal. Dalawa ang anak nila, edad 11 at 6.

Napilitan si Charles na maging OSW (online sex worker) para may pantustos sa chemotherapy ni Lynneth, na na-diagnose na may kanser sa lungs at ovary noong 2019.

RELATED STORY

YOUNG LOVE

2009 sila nagsimulang magsama—disisiete si Charles, at disiotso si Lynneth.

Bakit maaga silang bumuo ng pamilya kahit hindi sila kasal?

“Maaga siguro akong natukso! Ha! Ha! Ha! Ha! Ayun… Bata, maligalig, kung anu-ano ang gustong ma-experience!” natawang sambit ni Charles, na sinabayan ng tawa ni Lynneth.

Noong panahong iyon ay aktibo si Charles sa paggawa ng indie movies.

Paggunita ni Lynneth, “OK naman po kami that time. Ako kasi, nag-aalaga lang ng baby namin. Tapos ayun, hihintayin ko lang siyang umuwi pag may shooting. Ganun lang po.”

Kumusta si Charles bilang katuwang sa buhay?

Napangiti si Lynneth, “Mabait naman po siya. Yun ang pinakagusto ko sa kanya—mabait, responsable. Lahat, gagawin.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Aminado si Lynneth na marami silang pinag-awayan ni Charles.

“Natural lang naman po kasi yun. Talaga pong kasama sa relasyon yun, sa buhay, hindi naman po maiiwasan yung ganun!

“Pero siyempre, ang pinakamaganda dun, e, naso-solve naman.”

Natanggap ba ni Lynneth na lapitin ng babae at tukso si Charles dahil artista ito at guwapo?

“Ay, oo naman!” bulalas ni Lynneth.

“Kasama na rin po yun sa buhay, sa relasyon!”

Paano nila nagawang magtagal ang pagsasama sa kabila ng maraming problema at pagsubok? Sino ang mas nagdala?

“Hindi ko masabi pero siguro, ako, o kaming dalawa. Hindi naman kami magtatagal kung hindi rin naman kaming dalawa. Mas OK naman kami,” pagbuntong-hininga ni Lynneth.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FACING THE CHALLENGES TOGETHER

Pahayag ni Charles, responsableng asawa si Lynneth, at napanindigan ang pagiging ilaw ng kanilang tahanan sa Brgy. Payatas, Quezon City.

Anu-ano ang masasayang moments nila sa kanilang pagsasama?

Natawa muli si Charles, “Naku, parang wala akong maisip, e!”

Napahagikgik si Lynneth, at ang dagdag ni Charles, “Puro problema ang pinagdaanan namin, e. Siguro, wala pa kami sa ikot ng roleta ng mga ganoong kasiyahan.”

Kumusta ang buhay ng kanilang pamilya?

Mabilis na tugon ni Lynneth, “OK naman po. Katulad ng typical na may pamilya, araw-araw na magkakasama. Maraming problema pero nasu-solve naman.”

Sambot ni Charles, “Pero ang pinakamahirap po na problema, yung araw-araw kang mag-iisip ng uulamin.”

“Talaga!” natawang pag-ayon ni Lynneth.

THE BIGGEST TRIAL

Sobrang hirap ang pinasan ni Charles nang ma-diagnose noong 2019 ang kanser ni Lynneth.

“Sobrang maraming nabago sa buhay namin. Doon kami lalong nag-level up,” paliwanag ni Charles.

“Doon kami mas nag-mature. Iyong pagiging responsable sa buhay, sa sarili, sa pamilya—talagang ilang step iyong napagdaanan namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sobrang hirap pero kailangan ding mag-survive. Parang… kailangang mag-adjust. Kailangan. Kahit mahirap, kahit masakit, kailangang mag-adjust.”

Magkano ang gastos sa pagpapagamot ni Lynneth?

Kuwento ni Charles, “Nang ma-diagnose po siya noong 2019, doon po ginawa iyong unang tatlong klase ng therapy niya—radiation therapy, brachytherapy, and chemotherapy.

“Ahhm, iyong whole session po na iyon noong 2019, nakagastos kami ng parang… more than P500,000.

“And then, last year, nasa P600,000 din po siya. Kasi, hindi lang po iyong chemo, iyong brachy, iyong radiation therapy ang binabayaran. Andiyan din po ang PET scan, iyong CT scan, iyong swab test, lab test. Every time po iyon.

“And yung vitamins niya, yung tine-take niyang medicine na kailangan niya every day. Ganun po. So, talagang napakagastos po.”

Lumapit sila sa gobyerno at humingi ng tulong. Nakakuha sila ng guarantee letter mula sa DOH. Dumulog din sila sa PCSO, at sa tanggapan ng Vice President.

Pagpapatuloy ni Charles, “And then, iyong sasakyan ko nga po. Cellphone, iPad, lahat po iyon, talagang ibinenta ko, makapag-ipon lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kahit hindi na kami makabili ng sarili naming gamit, damit, sapatos. Tiis-tiis, basta maitawid lang namin iyong chemo niya, magawa lang po namin.”

PADRE DE PAMILYA

Sa panahon ng pandemya, mas bumigat siyempre ang pasanin ni Charles bilang padre de pamilya.

“Mas mahirap po, tulad ng paglabas-labas namin, iyong pagbibiyahe,” sambit ni Charles.

“Imbes na makakapag-commute kami, minsan kailangan naming mag-Grab. Alam niyo naman po, mas mahal ang Grab. Instead na mag-jeep kami, mag-bus…

“Kasi po, minsan, hindi po siya pwedeng mag-commute dahil minsan, nahihilo siya after chemo.

“Minsan naman, pwede ring… ano bang tawag dito? Yung parang namumutla siya, ganon. Then, minsan naman, hindi ko rin siya masakay sa motor ko.

“So, sobrang hirap. Imbes na… ahhm… yung pera na ipangga-gas ko sa motor, o ipangkakain namin, kailangan pa naming magbayad ng P500 papuntang hospital, and then another P500 para makauwi.

“So, iyon pa lang po, sobrang hirap na po…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang last na nangyari na lang po, bago ako nag-start talaga dito sa pinasok kong gawain, ibinenta ko yung kuwintas ko, yung pendant.

“And then, yung budget na 'yon, binudget ko na lang before ako makapag-start.

“Sabi ko, hindi ko na alam kung ano pa ang magagawa ko. Kasi nga, kahit makapag-work ako nang regular, paano ko babayaran yung mga gastusin niya every week sa chemo, sa mga vitamins niya, sa supplies na kailangan niya.

“So, iyon nga… doon ko na lang pinasok. Siyempre, iba yung indie film sa ganitong larangan, e.

“So, ibang-iba po talaga. Lakasan na lang ng loob.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE ONLY ONE

Aminado si Charles na natukso siya sa ibang babae, pero nanatiling nag-iisa si Lynneth sa kanyang puso.

Napangiti muli si Lynneth, “Wala po akong pagseselos. Good boy naman iyan, alam ko naman lahat, e.

“Nandiyan lang kami palagi para sa isa’t isa. Iniintindi yung isa’t isa, kahit minsan nag-aaway. Siyempre, nagmamahalan pa rin po.”

Ano ang mensahe nila para sa ibang mag-asawa o mag-partner na dumaraan sa mabigat na pagsubok?

Sagot ni Charles, “Maging matatag lang kayo. Tapos, gawin niyo lahat ng kaya ninyong gawin para sa ikabubuti.

“Basta huwag lang kayo tatapak ng tao, wala lang kayong masasaktang tao. Basta, gawin niyo lang nang gawin.”

Pahayag naman ni Lynneth, “Always lang magpakatatag. Tapos, siyempre, huwag kakalimutan si God. Magdasal lang palagi.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Indie actor Charles Delgado on selling erotic videos to fund wife Lynneth's chemotherapy: "Hindi ko na alam kung ano pa ang magagawa ko. Kasi nga, kahit makapag-work ako nang regular, paano ko babayaran yung mga gastusin niya every week sa chemo, sa mga vitamins niya, sa supplies na kailangan niya. So, iyon nga… doon ko na lang pinasok. Siyempre, iba yung indie film sa ganitong larangan, e."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results