PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Side story: viral photo of 89-year-old lola selling basahan

Na-bash ang kanyang pamilya.
by KC Cordero
Published Aug 12, 2021
Ipinaliwanag ng netizen na nag-post tungkol kay Lola Ibyang, na kahit 91 years old na ito ay nagbebenta pa rin ng basahan. Ang side ng pamilya nito matapos silang ma-bash sa social media sa pag-aakalang pinupuwersa nila itong maghanapbuhay.

Isang 89 anyos na lola ay nagtitinda ng basahan para ipanustos sa kanyang mga apo.

Siya ay si Porferia Ramos o mas kilala bilang Lola Ibyang.

Ang kuwento niya ay ibinahagi ng isang website noong July 7, 2021.

Sa kahabaan ng Daang Hari SB malapit sa T-intersection sa Commerce Avenue, Alabang, siya nakapuwesto.

Batay sa post, isang netizen ang kumuha ng mga larawan ni Lola Ibyang para ipakalat sa social media ang kalagayan ng matanda.

Sa pananaliksik ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), lumalabas na luma na ang mga larawan, pati na rin ang mga detalye.

Noong Nobyembre 24, 2019, pa ito nai-post ng netizen na may account name na Kathrina Victoria.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa lumang post ni Kathrina, “Meet Lola Ibyang. She’s already 89 years old but still working hard for her grandchildren.

“We’ve known her since 2015 and she still remembers us.

“Please, if you happen to pass by her spot along Daang Hari SB just a few meters past the T-intersection of Commerce Ave., from 2pm to 5pm, stop and buy a pack of basahan from her for 100 pesos.

“[Twenty] 20 pesos lang her profit per pack, the rest goes to her supplier. You can also just say hi, it will surely bring a smile on her face.

“Please share lola’s story. Let’s make this viral!”

KAPAMILYA NI LOLA IBYANG nagpaliwanag

Sa isang bahagi ng lumang post ni Kathrina ay naglagay siya ng update na: “One of lola's apo messaged me asking everyone to hear their side.

“I have been seeing comments from people judging lola's relatives for letting her work.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Please read see our chat screenshots below and hope that it will help clear lola's relatives from all the unfair judgement.”

Sa mga screenshots ng kanyang pag-uusap sa apo ni Lola Ibyang ay lumalabas na may namba-bash sa pamilya kasi hinahayaan nilang kumayod pa ang matanda.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Paliwanag ng apo, 2002 pa nagsimulang magtinda si Lola Ibyang sa puwesto nito at nakasanayan na ng katawan ang araw-araw na hanapbuhay.

Ayon pa sa apo ay maagang nabiyuda si Lola Ibyang at ito ang mag-isang bumuhay sa pitong anak.

Isang anak nitong babae ang kasama sa bahay, at may maliit na tindahan na pinagkukunan ng gastusin sa araw-araw.

KUMUSTA NA NGAYON SI LOLA IBYANG?

Nitong July 10, sa pamagitan ng Facebook Messenger, inalam ng PEP.ph kay Kathrina kung may balita pa siya sa kalagayan ni Lola Ibyang.

Sumagot siya noong July 13, at sinabing Kat Barroga ang buong pangalan niya.

Aniya, "Naku, matagal na po kasi yung post ko. Late 2018-2019 yata yun.

“Noong nag-pandemic, hindi na rin ako nagagawi sa area niya, so, I’m not sure if andun pa siya at nagbebenta ng basahan.”

October 2020 raw ang huling message niya sa apo ni Lola Ibyang para kumustahin ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi umano ng apo nito, “Nasa bahay lang ang lola niya. Medyo nanghihina kasi nga hindi nakakalabas para magtinda.”

Huli niyang nakita si Lola Ibyang noong November 2020. “Nakita ko siya doon sa usual spot niya, nagbebenta ulit.

“Di ko nagawang tumigil kasi nasa kabilang side ako ng kalsada.”

MARAMING NAGBIGAY NG TULONG

Maraming nag-message kay Kat noon nang mag-trending ang kanyang lumang post.

Aniya, “Some went there and nagdala ng mga groceries, nagbigay ng financial assistance, etc.

“I also was in touch with Basel Manadil, yung vlogger who helps random people.

“Pero too bad, hindi daw niya makita si Lola sa area kaya hindi natuloy na matulungan niya."

Hiningi namin kay Kat ang FB account details ng apo ni Lola Ibyang para kami na mismo ang mangumusta rito.

Nang magmensahe kami sa apo, may notification na hindi tumatanggap ng message na wala sa FB friends list nito ang naturang account.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang banggitin namin ito kay Kat, sinabi niyang susubukan niyang makausap ang apo.

July 14, nag-message s sa ai Kat sa amin. Nakontak niya ang isang apo ni Lola Ibyang na si Rona.

Kuwento ni Kat, “Sabi ni Rona, pag Saturday and Sunday na lang daw nagtitinda ang kanilang lola.”

Ninety-one years old na si Lola Ibyang ngayon.

Pagbabahagi pa niya, “Naaawa nga sila kasi kahit pinipigilan nila ay nagpipilit pa ring magtinda.

“Sabi raw, e, lalo lang magkakasakit pag hindi kumikilos.

“Nahihiya rin sila dahil na-bash na nga sila dati pa na akala ng iba pinagtitinda pa nila.

“Sabi ko nga sa kanya, ganoon talaga ang mga may-edad na. Pakiramdam nila ay nanghihina pag di nagagawa ang kanilang usual activities.”

May kasa-kasama naman daw na apo si Lola Ibyang na nagbabantay rito habang nagtitinda ng basahan.

May maintenance na rin ito sa puso at sa high blood.

Sabi pa umano ni Rona kay Kat, “Hindi naman maibigay ng mga apo niya ang lahat ng pangangailangan gaya ng upa sa bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nawalan rin kasi ng work ang mga asawa nila dahil sa pandemya.

“Nakakabigay naman ng pangkain ang kanyang mga apo, kaso maraming needs ni Lola ang di na nila ma-provide.”

Humingi siya sa apo nito ng kopya ng mga reseta ni Lola Ibyang. “Baka din may mga willing mag-donate.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinokontak na rin niya ang vlogger na si Basel na nangako noong tutulungan si Lola Ibyang.

Nagpasalamat naman siya na nag-update ang PEP.ph tungkol kay Lola Ibyang. “Kahit papaano sa way na ito, makatulong ako ulit sa kanya.”

July 19 ay nag-message muli si Kat. “Nadaanan namin siya kanina!”

Nagpadala rin siya ng larawan ni Lola Ibyang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

I-SHARE ANG KUWENTO NG MGA TAONG NANGANGAILANGAN

July 26 namin huling nakausap si Kat.

Aniya, “It is important for us to share stories like Lola's because some people who need help don't know exactly how and who to ask help from.”

Muli niyang nilinaw na hindi pinupuwersa ng pamilya ang lola para maghanapbuhay. “It’s her choice...

“She’s been selling basahan for years and like other eldery people, she gets ill when she does not stick to her routine.”

Pakiusap pa niya sa netizens, “Let us please respect her choice and avoid bashing her family. I have met them and they are really good people.

“With social media, it makes it easier for everyone to spread information and share inspiring stories. Let us use it wisely.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ipinaliwanag ng netizen na nag-post tungkol kay Lola Ibyang, na kahit 91 years old na ito ay nagbebenta pa rin ng basahan. Ang side ng pamilya nito matapos silang ma-bash sa social media sa pag-aakalang pinupuwersa nila itong maghanapbuhay.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results