Hindi nagustuhan ng Lunch Out Loud host na si Billy Crawford ang sinabi ng isang netizen na ang kanyang mga tattoo ay para sa drug addicts.
Sa kanyang Instagram kahapon, August 10, nag-upload si Billy ng larawan nila ni Baby Amari, ang panganay nilang anak ni Coleen Garcia.
Nakahubad ng kanyang pang-itaas si Billy kaya kita ang mga tattoo niya sa katawan.
Saad ni Billy sa caption, “Even if the weather isn’t all that great, you bring in the sunshine! Mornin my little sweet pea. [red heart emoji”
View this post on Instagram
Marami sa followers ni Billy, kabilang na ang ilang celebrities, ang nakyutan sa larawan ng mag-ama.
Pero may isang netizen na sinabihan si Billy nang hindi kaaya-ayang salita.
Komento nito: “Billy we all live you but your tattoos, are for Drug Addicts.”

Sumagot dito si Billy.
Ayon sa TV host-singer, kung totoo ang logic ng netizen, ibig daw bang sabihin nito ay adik na rin ang tatay at kapatid niya na meron ding mga tattoo?
Huwag daw husgahan ang isang tao sa pamamagitan ng panlabas na kaanyuan lamang nito.
Buong sagot ni Billy: “So you’re trying to say my father and my brother are drug addicts? You have to look deeper than skin child.
“Don’t judge a book by its cover! Having 420 on your name doesn’t make you the cleanest… [thinking face emoji]”

Nitong nakaraang siglo ay naging negatibo ang pakahulugan ng pagkakaroon ng tattoo—na kadalasang iniuugnay sa mga kriminal.
Ngunit ang tattoo ay matagal nang bahagi ng ating kultura kung saan nagsisilbi itong pangdekorasyon, simbolismo, o paglalarawan ng isang tao o bagay.
Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
