PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Poster of "Troika" disapproved by MTRCB

MTRCB disapproves the Troika poster, which shows two men and a woman hugging each other
by Ruel J. Mendoza
Published Jan 18, 2007
This poster of Troika was disapproved by the MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board)


Na-disapprove ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) ang unang layout ng poster ng directorial debut ng character actor na si Ihman Estruco—ang Troika.



Masyado raw kasing graphic ang dating ng poster ng pelikula. Sa movie poster kasi ay may dalawang lalake at isang babae na magkayakap. Ang tatlong characters ay pawang nakahubad from waist up.



Natawa na lang si Direk Ihman dahil para sa kanya ay wala siyang nakikitang malaswa sa poster ng pelikula niya. Wala naman daw kasing nakikitang breast or nipple mula sa babaeng nasa poster. Lalo namang walang male genitalia na nakikita sa dalawang lalake.



"Gusto kasi nila wholesome ang poster, e hindi naman wholesome ang Troika!" malakas na tawa ni Ihman sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Tungkol ito sa threesome sex, two men and a woman and with three men as well. I made it clear na pang-adults itong pelikula ko. Hindi ko pinangarap na makakuha ng R-13 or GP na rating!" natatawa pa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Troika raw ay tungkol sa mga minero sa gold mines ng Baguio City. Ipapakita raw sa pelikula kung paano magtrabaho ang mga minero sa madidilim at maiinit na kuweba.



"Hubo't hubad sila roon sa loob. Kasi nga kulang sa ventilation ang loob ng caves kaya might as well na wala silang suot na mga damit," kuwento ni Ihman.

"Nagulat din ako noong unang sabihin sa akin ‘yan. Hindi ako naniwala noong una, pero totoo pala. Hindi na sila nahihiya sa isa't isa kasi nga puro naman sila mga lalake. Kaya ginawan na lang namin ng istorya ang mga minero," dagdag pa niya.

Tampok sa Troika sina Lauren Novero, Criselda Volks, Raven Villanueva, at Lara Morena. Introducing naman ang mga nasa poster na sina Andre Soriano, Jamil Basa, at Mara Altiera.

Sa February 14, 2007 na ang showing ng Troika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Troika, Ihman Esturco
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
This poster of Troika was disapproved by the MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results