PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

VIRAL: Hubo’t hubad na foreigner, tumakbo sa riles ng MRT 3

Chinese national runs naked on the rails of Boni Station of MRT-3
by Bernie V. Franco
Published Aug 13, 2021
NAKED RUNNER. The 27-year-old Chinese national is now in custody of the Mandaluyong City Police and faces inquest proceedings for causing alarm and scandal.
PHOTO/S: Twitter Mandaluyong City Police via Anjo Bagaoisan / FB (Panda Preecs)

Agaw-eksena sa mga commuters, lalo na sa social media, ang hubo’t hubad na pagtakbo ng isang foreigner sa riles ng MRT-3, madaling araw ng Huwebes, August 12, 2021.

Bago mag-alas-sais ng umaga nitong Huwebes, in-upload sa Facebook ng netizen na si Panda Preecs ang video niya ng isang hubo’t hubad na lalaking tumatakbo sa riles ng MRT station.

Makikita namang tinitingnan lamang ito ng mga pasaherong naghihintay ng train.

Hindi nagtagal, sumulpot ang isang MRT security personnel at hinabol ang lalaki.

Mabilis na nag-viral ang video ng netizen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

A naked foreigner on the MRT-3 rails in Boni Station being chased by the security personnel

Nangyari ang insidente sa MRT-3 Boni Avenue Station sa Mandaluyong City dakong 5:35 ng umaga, ayon sa statement ni Eymard Eje, MRT-3 OIC general manager and Transportation assistant secretary.

Lahad ni Eje, “While being checked by security personnel, he suddenly removed his clothes, then ran and jumped towards the tracks heading Shaw Boulevard station.

"The individual was endorsed to the Mandaluyong Police Station for investigation and disposal. A case of alarms and scandal will be filed against the passenger."

Apat na security personnel ang nagtulung-tulong na humabol sa foreigner sa Boni Station na tumakbo patungong Shaw Boulevard Station.

Nahuli naman ang foreigner makalipas ang anim na minuto.

NAKED CHINESE NATIONAL

Samantala, napag-alaman na isang 27-anyos na Chinese national ang foreigner.

Sa ulat ng ABS-CBN News Online, inilahad ni Panda Preecs ang insidenteng nakunan niya ng video at inupload sa FB.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag niya, tumigil ang paparating na tren nang makitang sumasalubong ang nakahubad na banyaga.

"Nagulat kaming lahat na may tumatakbong nakahubad. 'Tapos buti na lang na huminto sa bungad ang train kasi kung hindi, maaabutan siya."

Dahil daw sa insidente, naantala ang MRT operation ng tinatayang 20 minuto bago makasakay ang mga passengers.

Kuwento ng uploader, napansin na niya ang lalaki sa baggage inspection area bago makapasok ng platform.

Nagkaroon raw ng tensiyon sa pagitan ng foreigner at ng security personnel nang buksan ng huli ang pink na maleta ng foreigner.

Ang ginawa raw ng security personnel ay hinatak nito nang malakas ang maleta, binuksan, at hinahagis ang mga laman sa loob.

Hindi raw umimik ang Chinese, pero binuksan nito ang isa pang hawak na bag at inihagis ang laman nito, gaya ng lotion, katol, at mug.

Dito na raw nagtanggal ng saplot ang lalaki, tumakbo pababa sa platform at saka tumalon sa riles, gaya ng pahayag ni ani Eje.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Napag-alaman din na walang tirahan ang Chinese at hindi rin umano makaunawa ng Ingles.

Sa pinakahuling ulat ng ABS-CBN News ngayong hapon ng Biyernes, ang Chinese national ay dinala sa Mandaluyong City Hall of Justice para sa inquest proceedings ng kasong case of alarm at scandal laban sa kanya.

Nang sinubukang kunan ng pahayag sa pamamagitan ng interpreter na mga pulis, tumangging magsalita ang lalaki at sinabing masakit umano ang tenga nito at hindi makarinig.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
NAKED RUNNER. The 27-year-old Chinese national is now in custody of the Mandaluyong City Police and faces inquest proceedings for causing alarm and scandal.
PHOTO/S: Twitter Mandaluyong City Police via Anjo Bagaoisan / FB (Panda Preecs)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results