PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Barbie Forteza thrilled to play superhero for first time

Captain Barbie is tailor-made for Barbie Forteza.
by Rose Garcia
Published Aug 15, 2021
Barbie Forteza on playing Captain Barbie: "Super na-enjoy ko ang buong experience. Feel na feel ko talaga ang pagiging superhero every time naka-costume ako. Kasi, kitang-kita mo talaga ang pagka-pink, e."
PHOTO/S: GMA Network

Sa loob ng labindalawang taon niya sa showbiz, ngayon pa lang nabigyan ng pagkakataon si Barbie Forteza na gumanap bilang isang superhero.

Ito ay sa pamamagitan ng month-long episode ng Daig Kayo ng Lola Ko Presents Captain Barbie, na magsisimulang mapanood ngayong Linggo, August 15.

Si Barbie siyempre ang gaganap bilang Captain Barbie.

“Sa totoo lang, kinilig ako. Kinilig ako noong in-offer sa akin dahil ako man, noong bata ako, nanonood din ako siyempre ng mga superhero.

“So ngayon, to be playing one, di ba po, parang nakakakilig? Tapos ano pa, kapangalan ko pa.

"So, talagang para sa akin. Nakakatuwa and nakakakilig.

“Pati yung costume, sobrang cute, very wholesome, and super pink. I’m super happy na nagawa ko ‘to,” sabi ng Kapuso actress sa mediacon ng pinagbibidahang episode ng Daig Kayo ng Lola Ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa executive producer ng Daig Kayo ng Lola Ko na si Reiley Manalo, ginawa o isinulat ang Captain Barbie para talaga kay Barbie, kaya pangalan din ng aktres ang ginamit na pangalan ng superhero character na ginagampanan nito.

Dahil mas kilala at sanay sa mga heavy drama, bago at kakaiba raw kay Barbie ang role niya ngayon. Bukod dito, mas ma-action at less dialogue ito.

Saad niya, “Siguro yung mga heavy drama na ginagawa ko dati, ang mine-memorize ko yung mahahabang lines. Dito, ang mga mine-memorize ko yung mga fight scenes!

“Mas bagets, pa-bagets pa rin.

“Wala akong masyadong lines dito, actually. Basta merong masama, nandoon si Captain Barbie.

“And super na-enjoy ko ang buong experience. Feel na feel ko talaga ang pagiging superhero every time naka-costume ako. Kasi, kitang-kita mo talaga ang pagka-pink, e.

“Pero ano rin siya, very empowering in a way, kasi, sobrang sweet.

"Pero lahat ng nakalagay sa akin na accessories, lahat yun may power. Yung hikaw ko, yung ipit ko, yung cape, lahat ‘yan meron.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"So, abangan niyo ‘yan."

Kasama ni Barbie sa Captain Barbie sina Jeric Gonzales at Anjo Damiles.

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Forteza on playing Captain Barbie: "Super na-enjoy ko ang buong experience. Feel na feel ko talaga ang pagiging superhero every time naka-costume ako. Kasi, kitang-kita mo talaga ang pagka-pink, e."
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results