PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maja Salvador reveals she turned down Enchong Dee when he courted her

Maja pokes fun at Enchong after seeing him touch his private part.
by Rachelle Siazon
Published Aug 17, 2021
Maja Salvador and Enchong Dee are so comfortable with each other that the straight-talking actress couldn't help but point out that candid moment when the Kapamilya actor unexpectedly touched his private part during their casual conversation. After their Q&A challenge, Enchong even gave Maja a gigil kiss on her cheek.
PHOTO/S: Maja Salvador YouTube

Ibinuking ni Maja Salvador na nanligaw sa kanya noon ang matalik niyang kaibigan na si Enchong Dee.

Sa vlog ni Maja nitong August 14, kasama niyang nagbakasyon sa Palawan sina Enchong, Pooh, at Kakai Bautista.

Para may challenge, naglaro sina Maja at Enchong ng "Drink or Spill" sa bar ng isang restaurant.

May mga surprise question para kay Enchong at meron din para kay Maja.

Dito tinanong si Maja kung sinong artista ang sumubok na manligaw pero nabasted niya.

Unang nag-react si Enchong, "Gusto mo ako magbigay ng initial?"

Natatawa-tawa pa si Enchong nang biglang prangkang sumagot si Maja, "Enchong Dee!"

Sabay sabi ni Maja sa pambubuking niya kay Enchong, "Sorry!"

Walang nagawa si Enchong, na initials lang sana ang handang aminin on cam.

"Anong nangyari?" sabi na lang ng aktor.

Sa puntong ito ay pina-shot ni Maja si Enchong ng tequila.

Natatawang sabi ni Maja, "Ikaw syumat kasi sinagot ko. Ganun dapat, kapag nasagot [yung tanong ng kalaban] siya yung sa-shot!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Bakit ka nagdadagdag ng rule?" kontra ni Enchong.

Katuwiran ng aktor, ang original rule ay iinom lang kapag hindi nasagot ang tanong na para rito.

Pero napagkasunduan nilang sa mga susunod pang tanong ay puwede mag-steal ng sagot ang isa sa kanila para mapilitang may uminom ng shot ng tequila.

Komento ni Enchong, "Baka sabihin nila crush kita!"

Hirit ni Maja, "Nanligaw ka nga ano! Di ba, isda!"

Ganunpaman, sobrang naging malapit na magkaibigan daw sila.

Dagdag ni Maja, "Pero ngayon 'mahlabs' na kami. Walang makakaano..."

ANOTHER LAGLAGAN MOMENT

Maya-maya pa ay muling ibinuking ni Maja si Enchong nang banggitin ng aktres na may babaeng iniyakan noon ang aktor.

Tinanong kasi si Enchong kung sino ang naka-date na malaki ang age gap sa kanya.

Singit ni Maja, "Kilala ko 'yan kung sino 'yan? Bumabagyo, umiiyak 'yan, papunta kami sa bahay ni Ate Vicki. Bumabagyo, guys. Bumabagyo rin luha niya."

Hindi makapagsalita si Enchong.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero bago pa madulas si Maja, kinalabit ng aktor sa ilong ang dalaga.

Kuwelang umalma si Maja, "Huy! Hinawakan mo! Tapos ginanun..."

Hindi na itinuloy ni Maja, pero ang tinutukoy niya ay ang paghawak sa private part ni Enchong at pagkatapos ay inihawak sa ilong niya.

Tawa nang tawa ang dalawa na halatang nagkukulitan lang.

Napilit naman ni Maja si Enchong na inumin na lang ang tequila para hindi raw niya ilaglag ang aktor.

HOT STORIES

WHAT MAJA NOTICED ABOUT ENCHONG

Kuwela ang kuwentuhan nina Maja at Enchong sa vlog.

Patunay na kumportable sila sa isa't isa ay biglang sinita ni Maja si Enchong nang mapansing nakahawak ang aktor sa bahagi ng private part nito.

Sabi ni Enchong, "Ay, sorry!"

Nakasuot ng shorts at sando si Enchong.

Natawa na lang si Maja dahil sa hindi niya napigilang sitahin si Enchong.

Puna ni Enchong, "Ang bilis ng mata mo!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa huli, nakasampung shots ng tequila si Enchong at tatlong shots si Maja.

Ani Enchong, "Ito na ata ang pinakamarami kong nainom sa buong taon."

Sabi ni Maja, "Ganyan talaga kapag mahal ka ng mga kaibigan mo."

Hinalikan pa ni Enchong si Maja sa pisngi bago sila tuluyang nagpaalam.

Parehong 32 years old ang dalawa.

Pareho rin silang homegrown stars ng ABS-CBN. Huli silang nagkatrabaho sa ABS-CBN prime-time series na Ina, Kapatid, Anak (2012-2013).

Noon lamang October 2021 umalis si Maja sa bakuran ng ABS-CBN, at kasalukuyang napapanood sa TV5.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maja Salvador and Enchong Dee are so comfortable with each other that the straight-talking actress couldn't help but point out that candid moment when the Kapamilya actor unexpectedly touched his private part during their casual conversation. After their Q&A challenge, Enchong even gave Maja a gigil kiss on her cheek.
PHOTO/S: Maja Salvador YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results