PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Baguio mayor says Arjo Atayde left despite being COVID positive

Baguio mayor reports "breach of protocol" in shooting of Arjo Atayde movie.
by Rachelle Siazon
Published Aug 17, 2021
Baguio City Mayor Benjamin Magalong says Arjo Atayde's group allegedly breached safety protocols as 10 production people tested positive for COVID-19 including the Kapamilya actor.
PHOTO/S: Benjie Magalong Facebook / Arjo Atayde Instagram

Inihayag ni Baguio City Mayor Benjamin "Benjie" Magalong na nagkaroon umano ng breach of safety protocols sa shooting ng pelikula ni Arjo Atayde.

Sa panayam ng Regional News Group-RNG Luzon ngayong Martes, Agosto 17, sinabi ni Magalong na nagpositibo si Arjo at siyam na katrabaho sa COVID-19.

Halos dalawang buwan nang nagsu-shooting sa Baguio ang grupo ni Arjo para sa isang pelikula.

Isang daan ang bilang ng mga taong bahagi ng produksiyon.

Ayon pa sa alkalde, pinayagan niya ito dahil naniniwala siyang maganda ang intensiyon ng grupong maipakita ang ganda ng Baguio City.

Pero lumalabas na hindi nasunod ang napagkasunduang safety protocols.

Lahad ni Magalong: "Nag-positive yung isang grupo na nagsu-shooting dito, yung grupo nila Mr. Atayde.

"They committed to us na magkakaroon sila ng bubble, pero di nangyari.

"Nagkataon pala na may mga tao sila na umuuwi sa lugar, at pagbalik, hindi nagtri-triage."

Ang triage ay medical term na tumutukoy sa proseso ng assessment sa health status ng isang pasyente para matugunan ang health condition nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tapos yung monthly testing na commitment nila, hindi nagawa," dagdag ni Magalong.

Sa bilang ng taong nagpositibo sa COVID-19, sabi niya: "So, eto nangyari ngayon. There are 10 people, sa grupo nila na 100, na nag-positive."

HOT STORIES

ARJO ALLEGEDLY WENT HOME WITHOUT INFORMING MAGALONG

Ayon pa kay Magalong, may komunikasyon sila ni Arjo via text messages.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Positive siya. Kaya lang bigla siya umalis kahapon without our knowledge, claiming na siya lang daw ang asymptomatic.

"At yung mga kasama niya, asymptomatic, iniwanan na lang niya..."

Sinabihan niya ang aktor na huwag umalis ng Baguio City, pero tila lumuwas ito pa-Maynila.

"May potential na puwede siya maka-infect ng iba dahil sa ginawa niya.

"I'm in touch with him. Binibigyan ko lang siya ng instructions na, 'Make sure na lahat ng tao mo walang lalabas, walang aalis.'

"Only to find out na iniwanan na pala niya at nakaalis na siya."

NO SHOOTING IN BAGUIO FOR NOW

Ayon sa ng RNG, kasalukuyang nakapirmi sa isang isolation facility sa Baguio City ang siyam na kasamahan ni Arjo na nagpositibo sa COVID-19.

Pinatigil muna ang shooting ng pelikula dahil sa insidente.

"At this time, talagang maghihigpit na kami," ani Magalong.

Iginiit din niyang sana ay mahigpit na sumunod sa safety protocols ang grupo ni Arjo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Maganda naman ang intensiyon na magsu-shoot sila dito dahil they would like to promote itong city.

"Pero meron namang mga commitments iyan. Nag-usap kami. There should be commitments.

"Kailangan nilang i-deliver yung kanilang commitment. Strictly, they have to comply sa mga pinag-usapan."

Nagpadala ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kay Arjo via Instagram direct message. Agad naming ilalathala ang anumang pahayag niya hinggil sa isyu.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Baguio City Mayor Benjamin Magalong says Arjo Atayde's group allegedly breached safety protocols as 10 production people tested positive for COVID-19 including the Kapamilya actor.
PHOTO/S: Benjie Magalong Facebook / Arjo Atayde Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results