Did they break up? Paolo Contis unfollows LJ Reyes on Instagram, deletes all her photos

by Arniel C. Serato
Aug 19, 2021
Paolo Contis LJ Reyes the end
Paolo Contis deletes all photos of partner LJ Reyes on his Instagram account. What could have been the reason?
PHOTO/S: Courtesy: @lj_reyes on Instagram

Hiwalay na ba sina Paolo Contis at LJ Reyes?

Ito ang malaking katanungan pagkatapos mapansin ng netizens na in-unfollow na ni Paolo si LJ sa Instagram, at binura na rin ng aktor ang lahat ng larawan ng aktres.

Pero hindi lamang si LJ ang in-unfollow ni Paolo dahil zero na ang “following” niya sa Instagram.

Ibig sabihin, tinanggal o in-unfollow na niya ang lahat ng kanyang mga pina-follow, kabilang na si LJ.

Continue reading below ↓

Gayunpaman, naka-follow pa rin si LJ kay Paolo sa Instagram account ng aktres.

Kapansin-pansin ding burado na ang lahat ng larawan ni LJ sa IG account ni Paolo, maliban sa larawan niya at ng anak nilang si Summer.

May isa pang anak si LJ sa dating karelasyong si Paulo Avelino, ang 11-anyos na si Aki.

Continue reading below ↓

Sa pinakahuling post ni LJ sa Instagram, marami ang nagtanong kung ano ang nangyari sa kanila ni Paolo. Pero wala siyang sinagot sa mga ito.

Noong July 14, nag-post pa si Paolo ng mensahe ng pagmamahal kay LJ at kina Aki at Summer.

Kalakip nito ang tatlong larawan mula sa kanilang biyahe sa ibang bansa at happy family photos.

Continue reading below ↓

Noong panahong iyon, nasa lock-in taping si Paolo para sa I Left My Heart in Sorsogon.

Mensahe pa niya kay LJ: “Love, thank you for everything! Thank you for taking care of all of us!

"Alam ko mas mahirap ngayon na wala ako but I know the kids will be okay kasi nandiyan ka!

“I want you know how much I appreciate and love you! Can't wait to go home again and be with you!

“Please know that I'm always missing and thinking of you!”

Burado na ito sa account ni Paolo.

Nagpadala ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kay Paolo sa kanyang Instagram account upang alamin kung ano ang dahilan ng pagbura niya ng mga larawan nila ni LJ.

Kaagad namin itong ilalathala kapag natanggap na namin ang kanyang sagot.

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Contis deletes all photos of partner LJ Reyes on his Instagram account. What could have been the reason?
PHOTO/S: Courtesy: @lj_reyes on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results