PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gerald Anderson hopes Bea Alonzo will forgive him

Gerald Anderson hopes to fix past problem with Bea Alonzo.
by James Patrick Anarcon
Published Aug 21, 2021
Gerald Anderson on Bea Alonzo: “I really pray, I really hope she will find it in her heart to forgive what happened, forgive me. Naghu-hope lang ako.”
PHOTO/S: @beaalonzo / @andersongeraldjr on Instagram

Hiling ni Gerald Anderson na sana ay magkapatawaran sila ng dating girlfriend na si Bea Alonzo.

Nabanggit ito ni Gerald nang magkausap silang muli ni Boy Abunda sa online show na Init Conversations kasama sina JM de Guzman at Yam Concepcion.

Ang Init Conversations ay isang special online show para sa nalalapit na pagtatapos ng teleserye nina Gerald, JM, at Yam na Init Sa Magdamag.

Sa nasabing interbyu, na-bring up ni Boy ang dating kontrobersiyang kinasangkutan ni Gerald at ng present girlfriend nitong si Julia Barretto.

Bago maging sila, girlfriend noon ni Gerald si Bea. Base sa social media posts ni Bea noon, involved si Julia sa paghihiwalay nila ni Gerald.

Ayon pa kay Bea, bigla na lang siyang hindi kinausap ni Gerald. Itinanggi naman pareho nina Gerald at Julia na may namamagitan sa kanila noon.

Noong March 2021, inamin ni Gerald na magkarelasyon sila ni Julia subalit itinanggi niya ang sinasabing “ghosting” na nangyari sa pagitan niya at ni Bea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Init Conversations, tinanong ni Boy si Gerald kung gusto niyang ayusin ang mga naging problema ng huli niyang relasyon.

Sagot ni Gerald, “Sana, kung pwede kong baguhin yung nangyari.

“Kaso, ang hirap. It’s done. I’ve made mistakes. We both made mistakes.”

Sa parehong interview, tinanong din ni Boy si Gerald kung may posibilidad na mag-reach out siya kay Bea at sa bagong nobyo nitong si Dominic Roque.

Lalo pa’t sa panahon ng pandemya, maraming tao ang nag-iba ang mindset at mas pinipiling maging positibo sa buhay at walang kagalit.

“More siguro kay Bea,” sagot ni Gerald.

Patuloy niya, “Huwag na po tayo siguro mandamay ng ibang tao.

“I really pray, I really hope she will find it in her heart to forgive what happened, forgive me. Naghu-hope lang ako.”

Taong 2016 nang maging magkarelasyon sina Bea at Gerald nang mabuo ang pagtitinginan nila sa set ng pelikulang How To Be Yours?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bago nito, na-involve na ang dalawa noong taong 2010 nang mamataan silang lumabas nang magkasama sa Star Magic Ball.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gerald Anderson on Bea Alonzo: “I really pray, I really hope she will find it in her heart to forgive what happened, forgive me. Naghu-hope lang ako.”
PHOTO/S: @beaalonzo / @andersongeraldjr on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results