Sigurado na si Gerald Anderson, 32, sa kanyang kasintahang si Julia Barretto, 24.
Ito ay base sa kanyang naging sagot kay Boy Abunda sa Init Conversations na online interview sa mga pangunahing bituin ng ABS-CBN drama series na Init Sa Magdamag.
Kasama ni Gerald sina Yam Concepcion at JM de Guzman sa interview.
Sa online show na ito, naitanong ni Boy kay Gerald kung si Julia na ba ang pakakasalan ng ABS-CBN actor.
Siguradong sagot ni Gerald, "She's the one."
Subalit alam niyang bata pa sila ni Julia at pareho pa silang maraming hindi nagagawa para sa kanilang career.
Ani Gerald, “Gusto ko sagutin iyan talaga. Siguro alam niyo kung ano ang isasagot ko diyan.
"Dahil siguro she’s still very young, and ang dami pa niyang mai-o-offer sa industriya natin, and ang dami niya pang ipapakita sa inyo, sa audience natin, iyong talent niya, ayaw kong maging hadlang doon."
Pero kung si Gerald daw ang masusunod, gugustuhin na niyang pakasalan ni Julia.
Saad niya, “If I had my way, of course. Kaso hindi pa kami quota.”
Taong 2019 nang mapabalitang nagkakamabutihan sina Gerald at Julia pagkatapos nilang magkatrabaho sa pelikulang Between Maybes.
Noong panahong ito, itinurong si Julia ang dahilan ng hiwalayan nina Gerald at Bea Alonzo, pero parehong itinanggi nina Julia at Gerald ang mga haka-hakang ito.
Noong Marso 2021, nakumpirma ang relasyon nina Julia at Gerald base sa kanilang Instagram posts.
