Panandaliang tumigil ang puso ng mga Filipino pageant fans nang tawagin ang huling pangalan ng kandidatang pasok sa Top 5 ng Miss Supranational 2021 pageant.
Hindi pa kasi natatawag ang pangalan ni Philippines, na ang kandidata ay si Dindi Pajares.
Nakapasok si Dindi sa Top 24 at umusad sa Top 12. Umasa ang fans na papasok siya sa Top 5.
Natawag na sina Dominican Republic, Namibia, South Africa, at Puerto Rico.
Nang iaanunsiyo na ang huling pangalan, umasa ang Filipino fans na “Philippines” ang tatawagin, pero si Venezuela (Valentina Sanchez Trivella) ang tinawag.
Pero maraming Pinoy fans ang nalito, dahil pinaninindigan nilang “Philizuela” ang pagkakarinig nila mula sa isa sa hosts.
Kaya naman ang iba, nag-isip kung nagkaroon ba ng "Steve Harvey moment."
Ang host ng pageant ay ang Polish singer na si Anna Matlewska at Polish vlogger na si Ivan Podrez.
“PHILIZUELA?”
“Okay, ladies and gentlemen, let’s say it together, Miss…” pambibitin ng host na si Anna.
Sabay ang dalawang host na isinigaw ang “Venezuela.”
Hindi nakapasok si Dindi sa Top 5.
Ipinost ng pageant enthusiasts at vlogs ang Top 5 results.
Gayunpaman, sunud-sunod ang comments at isa-isa ang netizens na nagtatanungan kung sila lang ba ang nakarinig ng “Philizuela.”
Lumalabas naman na marami rin na ganito ang narinig.
Ipinost ito ng pageant vlog na Pageant Titas sa @titasofpageantry Instagram account nito.
Post nito: “Last na talaga. Yung totoo? Philizuela din ba rinig nyo?”

Marami sa kanyang followers ang sumagot at sumang-ayon.
Sabi ng iba, akala nila ay "Steve Harvey moment" na naman ito, pagtukoy sa pagkakamali ng American TV host sa announcement ng winners noong Miss Universe 2015 pageant.
Narito ang ilan sa mga komento nila. 
Naghinala naman ang iba at nagkomentong baka kailangan daw imbestigahan ang insidente.
Narito pa ang ilang komento ng netizens sa ibang Instagram posts.

Pero kung pakikinggang mabuti ang video clips na ipinost sa social media sa Top 5 announcement, Venezuela talaga ang binanggit ng host na si Anna at hindi Philippines.
Maaaring iba ang pagkakarinig ng ibang fans dahil sa magkasabay ang pag-anunsiyo ng dalawang host na pasigaw pa.
Samantala, si Chanique Rabe ng Namibia ang kinoronahang Miss Supranational 2021.
First runner-up si Puerto Rico, second runner-up si South Africa, third runner-up si Venezuela, at fourth runner-up si Dominican Republic.
Ginanap ang pageant sa Nowy Sacz, Poland, nitong Sabado, August 22, 2021 (Philippine time).
Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
